-
7 Self-Care Measures Na Pangontra Sa Pagsusuka, Buntis Man O Hindi
Maraming bagay at sitwasyon ang nagdudulot ng nausea at vomiting.by Anna G. Miranda .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Madalas na nauuna ang pagkakaroon ng mga uri ng sakit sa tiyan bago isuka ang laman ng kanyang tiyan. Kung minsan, matubig o watery ang suka. Madalas, makikita rin dito ang pira-pirasong nakain bilang hindi natunawan. Kahit sino ang tatanungin, siguradong may naaalalang hindi magandang karanasan ng pagsusuka.
Sa karaniwang mga pagkakataon, sintomas ito ng iba pang medikal na mga kondisyon. Ano-ano nga ba ang pangontra sa pagsusuka? Kailan ito delikado at kailan dapat kumunsulta sa doktor?
Mga dahilan ng pagsusuka
Maraming posibleng sanhi ang pagsusuka, ayon sa mga eksperto. Kung virus, nagdudulot ito ng pagtatae (diarrhea). Kapag bacteria, kadalasang mula sa salmonella. Ilan pa sa dahilan ang dehydration, pag-inom ng maraming alak, at exposure sa usok. Nariyan din ang mga pagkakataong may allergy sa pagkain, pagbabara sa bituka, may gastroesophageal reflux disease (GERD), o may problema sa apdo, atay, at iba pang internal organs.
Tandaang hindi karamdaman ang nausea at pagsusuka kundi mga sintomas lamang ng sumusunod:
- Traumatic brain injury
- Too much alcohol (hangover)
- Carbon monoxide poisoning
- Vertigo o motion/seasickness
- Infections (tulad ng "stomach flu")
- Food poisoning
- Paglilihi kapag buntis
- Early stages ng pagbubuntis (nararanasan ng tinatayang 50%-90% ng mga buntis ang nausea; 25%-55% naman ang nakararanas ng pagsusuka)
- Medication-induced vomiting
- Emotional stress (tulad ng matinding takot)
- Gallbladder disease
- Overeating
- Reaksyon sa ilang partikular na mga amoy
- Heart attack
- Ulcers
- Ilang uri ng cancer
- Bulimia o iba pang psychological illnesses
- Gastroparesis o slow stomach emptying (nakikita sa mga may diabetes)
- Bowel obstruction
- Appendicitis
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMga puwedeng gawin bilang pangontra sa pagsusuka
Kapag mayroong nagsusuka mainam na bigyan siya ng upuan at ilapit ito sa lababo para hindi mahirapan ang pasyente, sabi ni Dr. Liza Ramoso-Ong sa kanyang vlog. Pagkatapos din ng pagsusuka, makatutulong ang pagsisipilyo upang matanggal ang pangit na lasa sa bibig.
Makatutulong din ang sumusunod na self-care measures bilang pangontra sa pagsusuka habang hinihintay mo pa ang appointment sa iyong doktor:
Mag-relax
Kapag nasobrahan ka sa trabaho o gawain at hindi nakapagpapahinga nang mabuti, maaaring mas lumala ang iyong nausea, o ang pinagsamang hilo at pakiramdam na naduduwal.
Mag-deep breathing
Makatutulong ang paghinga nang malalim sa pag-expand ng iyong abdomen. Nakatutulong ang proper breathing techniques upang maibsan ang pagkabalisa o anxiety at ang motion sickness.
Uminom lagi ng tubig
Pagkatapos sumuka, huwag munang kakain o iinom ng kahit ano sa loob ng dalawang oras. Kapag naipahinga na ang tiyan, maaari nang uminom paunti-unti kada lima (5) hanggang sampung (10) minuto.
Mahalagang maiwasan ang dehydration
Maaari uminom ng iba pang carbonated drinks, tulad ng ginger ale at lemonade. Maaari ding uminom ng mint tea at sports drink. Isa ring tip kapag iinom ng Sprite o 7-Up, buksan ito dalawang oras bago iinumin. Ang paggamit ng oral rehydration solutions, tulad ng Pedialyte, Hydrite, at Oresol ay nakatutulong din upang maiwasan ang dehydration. Tandaan lang na kung buntis, kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng gamot.
Iwasan ang malalakas na amoy at iba pang triggers
Food at cooking smells, perfume, usok, stuffy rooms, init, humidity, flickering lights, at pagmamaneho ang ilan sa nausea causes at nagu-udyok sa pagsusuka.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPiliin muna ang bland o walang lasa na mga pagkain
Magsimula sa madaling ma-digest na pagkain tulad ng gelatin, crackers at toast. Maaari ring kumain ng cereal, kanin, prutas, at maalat o high-protein, high-carbohydrate foods. Iwas muna sa fatty o spicy na pagkain. Hintayin munang lumipas ang anim o higit pang oras mula noong huli kang sumuka bago muling kumain ng solid foods.
Gumamit ng over-the-counter (OTC) motion sickness medicines
Maghanda ng mga gamot kung ikaw ay bibiyahe. May OTC motion sickness drugs, tulad ng dimenhydrinate (Dramamine) o meclizine (Rugby Travel Sickness) na makatutulong upang pakalmahin ang iyong tiyan. Para sa mas mahahabang biyahe, tulad ng cruise, kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa mga prescription motion sickness adhesive patches, gaya ng scopolamine (Transderm Scop).
Subukan ang iba pang over-the-counter (OTC) medications upang matigil ang pagsusuka (antiemetics). Kabilang diyan ang Pepto-Bismol at Kaopectate na parehong may bismuth subsalicylate. Nakatutulong ang mga ito sa pagprotekta sa stomach lining at mabawasan ang pagsusuka na dulot ng food poisoning. Tandaan lang na kung buntis, kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng gamot.
Ilan pa sa mga nasubukan na paraan upang maibsan ang pagsusuka ang sumusunod:
- Ang acupressure ay isang popular na traditional Chinese medicine remedy. Gumagamit ito ng pressure upang ma-stimulate ang mga bahagi ng katawan, at nakapagpapabuti ito sa pakiramdam. Naiibsan din ang mga sintomas na nararamdaman ng isang pasyente. Ang pag-apply ng pressure sa pressure point Neiguan (P-6) ay pangontra sa pagsusuka.
- Subukan ang aromatherapy. Isa pang remedy sa pagsusuka ang aromatherapy. Ayon sa isang pag-aaral, mabisa ang lemon oil para maibsan ang pregnancy-related na nausea at vomiting.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKailan dapat komunsulta sa doktor?
Agad na kumunsulta sa doktor kapag nakaranas ng sumusunod:
- Rectal bleeding
- Diarrhea o pagtatae
- Malala ang pagsakit ng ulo
- Stiff neck at mataas na lagnat
- Mabilis na paghinga at pulso
- Pananakit at paninikip ng dibdib
- Fecal material o fecal odor sa suka
- Severe abdominal pain o cramping
- Blurred vision o panlalabo ng paningin
- Lethargy, confusion, at decreased alertness
Narito ang ilan pang hindi dapat balewalain:
- Kapag tumagal nang mahigit sa dalawa o tatlong araw ang pagsusuka o may posibilidad ng pagiging buntis
- Kapag hindi naiibsan ng home treatment ang masamang pakiramdam
- Kung may dehydration, o mayroong injury (tulad ng head injury o infection)
- Kung may kasamang pagtatae o diarrhea
- Mayroong dugo sa suka (matingkad na pula ang dugo o mukhang “coffee grounds")
Paalala ng mga eksperto na ang wastong kaalaman ay mabisang pangontra sa pagsusuka. Tandaang mahalagang makipagtulungan sa iyong doktor upang matukoy ang dahilan ng pagsusuka at mabigyan ng agarang medikal na atensyon at angkop na gamot.
Basahin dito ang mga dapat gawin kapag bata ang nakararanas ng pagsusuka.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments