embed embed2
  • Hindi Ka Dapat Uminom Ng Paracetamol Kung Merong Ganitong Mga Kondisyon

    "Generally safe" ang gamot na ito, puwera na lang sa ilang kondisyon.
    by Jocelyn Valle .
Hindi Ka Dapat Uminom Ng Paracetamol Kung Merong Ganitong Mga Kondisyon
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Nitong unang linggo ng June 2021, ikinuwento ng isang mommy sa Smart Parenting Village ang dinanas na paracetamol overdose ng kanyang 15-month-old toddler (basahin dito). Bukod kasi sa kung para saan ang paracetamol, dapat alam mo rin ang tamang pag-inom nito.

    Ano ang paracetamol?

    Kilala ang paracetamol bilang acetaminophen, lalo na sa United States. Isa ito sa mga gamot na malimit ginagamit at sinasabing "standard antipyretic and analgesic" para sa mild at moderate na pagkakasakit na may kasamang lagnat at kirot. 

    Unang ginamit ang paracetamol noong 1893, ayon sa U. S. National Library of Medicine (NLM), sa klinika ng German physician na si Josef von Mering. Pero lumipas muna ang maraming taon bago ito sinimulang ibenta noong 1950 sa U.S.  at 1956 naman sa Australia.

    Sa kasalukuyan, pito sa sampung Pinoy ang nagsasabing subok na nila ang paracetamol para sa sakit sa ulo at pananakit ng katawan. 

    Paracetamol para sa adults

    Ginagamit na sangkap ang paracetamol ng maraming gamot para sa sipon at trangkaso. Isinasama din ito sa ibang painkillers at anti-sickness na gamot, sabi ng United Kingdom National Health Service (NHS).

    Sinasabing ligtas inumin ang paracetamol kahit buntis o nagpapadedeng nanay. Maaari itong inumin kahit meron o walang laman ang tiyan. Pagkatapos inumin ang gamot, gagana ang bisa nito hanggang isang oras.

    Paalala ng mga eksperto na mula isa hanggang dalawang tabletas ng 500 mg ang puwede sa isang inuman at hanggang apat na inuman sa loob ng 24 oras. Pero maghintay muna raw ng apat na oras bago uminom ulit ng paracetamol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag na huwag daw doblehin ang rekomendadong dosage para bumilis gumaling ang sakit nang maiwasan ang overdose. Hindi ka puwedeng uminom ng higit sa walong tabletas sa loob ng 24 oras. Hindi ka na rin puwedeng uminom kung may iniinom ka nang iba pang gamot na may sangkap na paracetamol.

    Bagamat mabibili ang paracetamol ng walang prescription ng doktor dahil isa itong over-the-counter medicine, kailangan mo muna ng payo ng doktor kung:

    • Nakaranas ka noon ng allergic reaction sa paracetamol o iba pang gamot
    • Meron kang problema sa liver o di kaya sa kidney
    • Regular ang pag-inom mo ng alak na higit pa sa normal na dami
    • May iniinom ka na gamot para sa epilepsy o di kaya para sa tuberculosis
    • Umiinom ka ng warfarin na gamot bilang blood-thinner at kailangan mong uminom din ng paracetamol nang regular

    Paracetamol para sa mga bata

    Napatunayang ligtas din ang paracetamol para sa mga bata, sabi ng mga eksperto. Pero kung wala pang dalawang buwan ang iyong anak, kailangan mo munang komunsulta sa doktor bago painumin si baby ng gamot.

    Kung lampas 2 months si baby, sabi pa ng mga eksperto, maaaring painumin si baby ng liquid syrup. Kung lampas six years old naman, puwede na ang bata sa tabletas. Mahalaga na sundin ang instructions sa pagpapainum ng gamot sa iyong anak. Huwag na huwag dagdagan ang rekomendadong dosage kung para saan ang paracetamol.

    Kadalasan daw na gumagana ang bisa ng paracetamol sa bata 30 minutes pagkatapos niya itong inumin. Huwag mong bigyan ang anak ng higit pa sa 4 doses ng paracetamol sa loob ng 24 oras. Kailangan mong maghintay ng apat na oras bago painumin siya ulit ng gamot.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sakaling nabigyan mo ng isang extra dose ng paracetamol ang bata, maghintay ka pa ng 24 oras bago painumin ulit siya ng gamot. Pero kung dalawa o higit pa na extra dose ang naibigay mo, nararapat na tawagan mo na ang doktor dahil baka nagkaroon na ng overdose.

    Babala sa long-term na pag-inom ng paracetamol

    Lumabas sa ilang pag-aaral (basahin dito) na may masamang epekto ang pag-inom ng paracetamol sa loob ng ilang taon. Kabilang daw diyan ang pagtaas ng panganib sa heart, intestinal, liver, at kidney problems. Kaya mainam na tandaan para saan ang paracetamol at tamang pag-inom nito.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles