embed embed2
Ang Dapat Gawin Na First Aid Sa Pasa At Kailan Magpatingin Sa Doktor
PHOTO BY iStock
  • Kung minsan nagugulat tayo dahil may pasa ka na hindi mo namamalayan. Madalas naman kapag malakas na tumama o nabangga ang alinmang bahagi ng ating katawan sa anumang matigas na bagay, nagkakapasa rin tayo.

    Ang pasa ay resulta ng skin discoloration. Ang pagbabago sa kulay na nagiging itim o asul na marka sa balat ay sanhi ng isang injury ng pagkabugbog ng kalamnan. Ito ay dulot ng pagkasira ng blood cells na nasa ilalim ng ating balat. Kahit sino ay maaaring magkapasa bagaman may ilan na hindi madaling magkaroon nito.

    Ayon sa Medline Plus, may tatlong uri ang pasa:

    • Subcutaneous – lumalabas sa ilalaim ng balat
    • Intramuscular – lumalabas sa mga kalamnan
    • Periosteal –lumalabas sa buto

     

    More from Smart Parenting

    Nagkakapasa ang tao dahil sa physical injury na natatamo niya

    Maaaring makakuha ng pasa kapag nagka-injury mula sa pag-eehersisyo o paglalaro ng anumang sports na resulta mula sa pagkapunit ng blood vessel sa ilalim ng balat. Ang mga hindi maipaliwanag na pasa na walang malinaw na dahilan, maaaring indikasyon ng bleeding disorder lalo na iyong may kasama ng madalas na pagdugo ng ilong o gilagid. Sa matatandang tao, madalas silang magkapasa dahil nagninipis ang kanilang balat bunga ng katandaan. Mas nagiging sensitibo ang mga blood vessel na nasa ilalim ng kanilang balat. May ilan naman na umiinom ng gamot na pinapanipis nito ang kanilang dugo kaya sila nagkakapasa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaari ding makuha ito sa mga sumusunod na sitwasyon, ayon sa mga health at medical experts:

    • concussion o mild brain injury pagkaraan ng trauma
    • bali sa bukong-bukong o ankle sprain
    • masakit na kalamnan o muscle strain
    • matinding varicose veins
    More from Smart Parenting

    Karaniwan na masakit ang mga pasa ng ilang araw

    Sa simula,  mamula-mula ang pasa kapag sariwa pa hanggang sa maging asul o lila pagkaraan ng ilang oras. Magiging kulay berde naman ito sa paglipas ng mga araw hanggang sa maghilom. Madalas  na bahagyang matigas ang bahagi na may pasa o masakit ito kapag hinawakan ngunit nawawala rin pagkaraan ng ilang araw kasabay ng pagbabalik ng kulay ng balat. Hindi naman ito magkakaroon ng impeksyon dahil wala namang natatamong bukas na sugat. 

    First aid sa pasa

    Ayon sa WebMD, nakatutulong para mabilis ang pagkawala ng pasa sa paglalagay ng cold compress gamit ang ice pack o kaya pagbabalot ng yelo sa towel at idampi sa bahagi na may pasa sa loob ng 20-30 minuto. Kapag ang pasa ay malaking bahagi ng binti o paa, ipataas ito hangga’t maaari ng 24 na oras matapos ang injury. Matapos ang 48 oras o dalawang araw, maaaring maglapat ng hot compress nang 10 minuto, dalawa o tatalong beses kada araw para mapataas ang pagdaloy ng dugo sa bahaging may pasa. Kung kinakailangan, maaaring uminom ng acetaminophen para maibsan ang kirot o sakit na dulot nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Magpatingin agad sa doktor kapag may kasamang pamamaga at matinding kirot ang pasang natamo

    Magpakonsulta sa doktor kapag labis ang nararamdamang kirot o sakit at namamaga ang bahaging nagkapasa. Gayundin, kung biglang nagkapasa nang matindi na wala namang dahilan o kung sa tingin mong may baling buto na kasama nito. Higit na kapag lumaki pa ito matapos kinabukasan. Lalo pa kapag walang pagbabago ang pasa sa loob ng dalawang linggo at tumagal pa ito nang tatlo o apat na linggo.

    Dapat alalahanin na nagmumula rin ang pasa sa iba’t ibang kalagayang pangkalusugan:

    • may thrombocytopenia o mas mababang platelet count
    • sakit na leukemia o iba’t ibang uri ng blood cancer kapag maraming white blood cells sa bone marrow
    • head injury mula sa pinsala sa bungo, utak o anit
    • kulang sa protina na kinakailangan sa blood clotting
    • may rare genetic bleeding disorders gaya ng Factor VII deficiency

    Bagaman wala itong naidudulot na impeksyon at kusa lang din itong gumagaling at nawawala, huwag naman basta pabayaan lamang ito o walang dapat na ikabahala. Tandaan na kapag nagkapasa, tumigil muna sa anumang ginagawa na naging sanhi nito gaya ng mga pisikal na gawain. Huwag na hindi papansinin ang kirot at pamamagang dulot nito. Lalong huwag ding tutusukin o palalabasin ang dugo gamit ang karayom.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles