embed embed2
  • Mapupunta Ba Sa Pasma Kung Katatapos Lang Magtrabaho At Binasa Ang Kamay?

    Maaaring ito o hindi ang sanhi ng pagnginginig at pamamawis sa mga kamay.
    by Jocelyn Valle .
Mapupunta Ba Sa Pasma Kung Katatapos Lang Magtrabaho At Binasa Ang Kamay?
PHOTO BY Pexels
  • Madalas marinig ang pagsuway ng mga nakakatanda na huwag munang basain ang ano mang parte ng katawan kapag kagagaling lang sa init o katatapos lang magtrabaho. Pasma sa katawan daw ang magiging resulta nito, at maaaring magdulot ito ng pagkikirot, pagpapawis, at panginginig kadalasan ng kamay, paa, at likod.

    Ano ang pasma sa katawan? 

    Ang konsepto ng pasma ay base sa interaksyon ng init at lamig sa katawan, ayon sa artikulo na nailathala noong 2014 sa National Center for Biotechnology Information (NCBI). Pahayag ng mga manunulat ng “Cultural Beliefs on Disease Causation in the Philippines: Challenge and Implications in Genetic Counseling” na tinatawag din ang pasma bilang “exposure illness.” 

    Nangyayari daw ito kapag ang isang mainit na kondisyon ay inatake ng malamig na elemento, o vice-versa. Balanse daw kasi dapat ang init at lamig sa katawan, at kapag mas lamang ang isa sa mga ito, malamang magkakasakit ang isang tao.

    What other parents are reading

    Pasma sa pagbubuntis

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang panganganak, halimbawa, ay pinaniniwalaang likas na “dangerously hot” ng pamahiing Pinoy. Kaya hindi daw dapat malantad pa sa init ang babaeng kapapanganak lang para hindi na madagdagan ang init sa kanyang katawan. Bawal din daw siyang malantad sa napakalamig na kondisyon, gaya ng pagligo, dahil papasok ang lamig o hangin sa kanyang katawan.

    Kapag daw pumasok ang lamig sa katawan, maaari itong manatili sa isang parte at doon magdulot ng sakit. Kikirot at hihilab, halimbawa, ang muscles ng kamay, paa, at likod. Kung sa utak naman pumunta ang lamig at humalo sa init, doon daw nagsisimula ang kilala na ngayong postpartum depression at psychosis. 

    Para daw mapigilan ang pagpasok ng lamig at tuluyang maiwasan ang pasma sa katawan, may ilang kaugalian ang sinunod ng mga ninuno na naipasa naman sa mga sumunod na generasyon. Kabilang dito ang hindi muna pagligo at pagkonsumo ng sobrang init o sobrang lamig na pagkain.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Isa pa ang pasuob, kung saan ibabalot ang bagong nanay sa tuwalya habang pinapausukan ng mga halamong gamot upang lumabas ang lamig sa kanyang katawan. Makakatulong din daw ang masahe o hilot sa taong pasmado.

    Bagama't wala pang scientific proof ang mga sinasabi sa taas, may mga buntis na sumusunod dahil wala naman mawawala.

    What other parents are reading

     

    Sabi ng mga doktor sa pasma

    Sa librong “Aklat sa Paghihilot (Book of Remedial Massage),” ipinaliwanag ng may-akda na si Victor Taruc Jauco na ang pasma ay ang pananakit ng bigkis na litid ng palad na maaaring may kinalaman sa repetitive strain injury (RSI) o carpal tunnel syndrome. 

    Aniya, “Ito ang paninikip ng bigtid na nakakapisil ng mga ugat na daluyan ng mga lusaw [fluid] na sa katagalan ay nawawalan ng lakas at nananakit. Sa labis na paggamit at paghugas ng kamay kahit pagod ay siyang dahilan nang pasma. Makakatulong ang paghihilot sa pagpawi ng pananakit at pagpapaluwag sa naghihigpit na bigkis ng litid.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, hindi naniniwala ang mga doktor sa pagkakaroon ng pasma sa katawan. Sa panayam ng GMA-7 TV show na Pinoy MD noong 2013, sinabi nila Dr. Jean Marquez at Dr. Harold Trinidad na “hindi totoong sanhi ng pagpapawis at panginginig ng kamay ang paghugas ng mga kamay pagkatapos ng mga gawain tulad ng paglalaba, pagluluto, at pagpaplantsa.”

    Ipinaliwanag ni Dr. Marquez, isang dermatologist, na hyperhidrosis ang sanhi ng sobrang pagpapawis ng palad. Ito daw ay hereditary, o namamana sa mga magulang na may ganito ng kondisyon, at magagamot  sa tulong ng botox injection.

    What other parents are reading

    Mababawasan din daw ang pamamawis sa pagpapahid ng deodorant na may aluminium chloride sa mga palad o kaya ay pagbabad ng mga kamay sa maligamgam na tubig na may dalawang tasa ng baking soda.

    Ang pangininig naman ng mga kamay (hand tremors), ayon kay Dr. Trinidad, isang general physician at acupuncturist, ay puwedeng sanhi ng labis na pagkapagod ng mga kamay o kaya arthritis. Kapag daw talaga overworked ang muscles, manginginig ang mga ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo ng doktor na gumamit ng hot compress para maibsan ang hand tremors. Maglagay lang ng mainit na tubig sa isang babasaging bote at idampi dito ang mga kamay. Ugaliin din daw na ipahinga ang mga kamay kapag nagtatrabaho nang matagal at bawasan ang pag-inom ng caffeinated drinks gaya ng kape.

    Maniwala man o hindi sa pagkakaroon ng pasma sa katawan, ang mahalaga ay bigyan ng pansin ang karamdaman upang masiguro ang tamang lagay ng kalusugan.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close