-
Worried Na Ang Dalas Mo Maging Masungit At Bugnutin? Maaaring Oras Na Para Dito
Maaaring hudyat na ito ng pagtatapos ng reproductive years mo.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Madalas gawing biro ang pagsusungit at pagiging bugnutin ng isang babae na dahil may menstruation ito o nagme-menopause, kung lampas kabataan na. Pero puwede ding parte ito ng perimenopausal symptoms. Ang mood swings kasi ay epekto ng hormonal changes sa female reproductive system.
Perimenopause ang estado sa pagitan ng menstruation at menopause. Sa salitang Greek, ang ibig sabihin ng “peri” ay “around” o “near,” kaya ito ang hudyat ng nalalapit na pagtatapos ng reproductive years. Masasabing menopause na ang isang babae kapag isang buong taon na siyang walang menstruation.
What other parents are reading
Tinatawag ang perimenopause na “extended transitional state,” ayon sa artikulo ng Harvard Health Publishing. Bagamat may iba-ibang paliwanag para dito, nagkakasundo daw ang mga eksperto na nagsisimula ang perimenopause kapag naging irregular na ang menstrual period ng isang babae. Dahil daw ito sa pagbaba ng kanyang estrogen level at pagbabago sa ovarian function, kaya bigla na lang lumalakas o humihina ang regla.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWalang eksaktong edad ang pagdating ng perimenopause, ngunit mas marami iyong nakaabot na sa 40 years old. Maaaring mapaaga ito, ayon sa Healthline, kung ang isang babae ay may family history ng early menopause at isang smoker. Dagdag rason din ang operasyon sa pagtanggal ng uterus (hysterectomy) o ovaries (oophorectomy), at paggamot sa cancer.
Kadalasan, tumatagal ang perimenopause ng tatlo hanggang apat na taon, ngunit puwede ding umiksi sa ilang buwan o humaba ng sampung taon. Kung hindi naman makaramdam ng ano mang sintomas sa panahong ito, pre-menopause ang tamang tawag sa pinagdadaanan. Posible pa ring mabuntis maging pre-menopause o perimenopause ang estado ng isang babae.
Bukod sa pagiging irregular ng menstrual period, pangunahin sa perimenopausal symptoms ang pagkakaroon ng hot flashes o hot flushes. Ito ang biglaang pag-init ng katawan na tumatagal mula isa hanggang limang minuto. May mga babaeng nakakaranas nito ng ilang beses lamang sa isang linggo at meron namang sampung beses pataas sa isang araw.
CONTINUE READING BELOWwatch nowKung minsan, isa lang itong mainit na pakiramdam, pero may pagkakataon din na parang nagliliyab ang loob ng katawan. Masasabing malala ang hot flashes kapag may hatid na pagpapawis (sweating), panginginig sa lamig (chills), at pamumula ng mukha at katawan (flushing). Kapag nangyari ito sa gabi, night sweat na ang tawag dito.
Paliwanag sa Harvard article na hindi lahat ng kababaihan sa mundo ay nakakaranas ng hot flashes. Kung marami daw sa United States, kaunti naman sa Japan, Korea, at Southeast Asian countries. Samantalang, ayon sa isang sa isang pag-aaral, wala sino man sa mga babae sa sa Yucatan peninsula ng Mexico ang nagsabi na nagkaroon na sila ng hot flashes. Baka daw may kinalaman dito ang pananaw (perceptions), pagkakaintindi sa salita (semantics), at pamumuhay (lifestyle) sa bawat bansa.
Ilan pang perimenopausal symptoms ang vaginal dryness, uterine bleeding problems, sleep disturbances, at mood problems. May hatid ang vaginal dryness na pangangati, iritasyon, at kirot habang nakikipagtalik kaya dahilan din ito kung bakit bumababa ang sex drive.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSamantala, uterine bleeding ang sanhi ng biglang paglakas ng regla dahil kumakapal na ang endometrium, na siyang bumabalot sa matres. Nagkakaroon naman ng sleep disturbances dahil sa night sweat, kaya 40 percent daw ng perimenopausal sa U.S. ang may problema sa pagtulog sa gabi.
Bagamat kabilang sa mood problems ang pagiging masungit at bugnutin, hindi lang hormones ang may gawa nito. Dapat tignan din ang ibang bagay sa paligid na nakakapagbigay ng stress at ang overall health ng babaeng dumadaan sa perimenopause. Baka kasi may history ng anxiety o depression kaya nakakaranas siya ng ganito sa panahon na patapos na ang kanyang menstrual cycle.
Ang karagdagang sintomas na dapat bantayan, ayon sa Mayo Clinic, ay ang loss of bone at changing cholesterol levels. Sa pagbaba pa din ng estrogen, bumibilis na ang pagkawala ng tibay ng mga buto at lumalaki ang posibilidad na magkaroon ng osteoporosis. Kasabay nito ang pagtaas naman ng cholesterol sa katawan na maaaring magbigay ng sakit sa puso.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay ilang paraan para maibsan ang perimenopausal symptoms, tulad ng estrogen hormone therapy upang maging normal muli ang estrogen levels. Ngunit mainam na magpatingin muna sa doktor para mabigyan ng mas malawak na pag-unawa sa nararamdaman at karampatang lunas dito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments