embed embed2
  • Sumasakit Ang Likod Pagkapanganak? 3 Kadalasang Dahilan Ng Postpartum Back Pain

    Paano nga ba iiwasan at pagagalingin ang pananakit ng likod pagkapanganak?
    by Anna G. Miranda . Published May 27, 2023
Sumasakit Ang Likod Pagkapanganak? 3 Kadalasang Dahilan Ng Postpartum Back Pain
PHOTO BY Canva
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Gaano man kasaya ang pagbubuntis at panganganak, may kasama pa rin itong challenges. Isa sa posibleng maranasan ng katulad mong bagong mommy ang postpartum back pain.

    Karaniwang nakararamdam ng pananakit ng likod dahil sa iba't ibang factors, tulad ng posture o tindig. Pero pagdating naman sa postpartum back pain, karaniwang sanhi ang maling posisyon sa pagkarga at pagpapadede sa baby. Sa artikulong ito, aalamin natin ang mga sanhi at treatment para sa sakit ng likod, lalo na ng bagong mommies.

    Mga sintomas ng postpartum back pain

    Narito ang ilan sa mga sintomas ng postpartum back pain ang sumusunod, ayon sa Baby Center:

    • Pananakit ng likod (lalo na sa lower back)
    • Stiffness
    • Pamamaga

    Kung 50% ng nagdadalantao ang nakararanas ng pananakit ng likod, nasa 20% naman ng kababaihan ang nakararanas ng ganitong discomfort tatlo hanggang anim na buwan matapos nilang manganak. Maaari ring makaranas ng tinatawag na tailbone pain matapos manganak.

    Karaniwan namang nasa itaas na bahagi ng likod ang masakit kung ang sanhi ay pagkarga sa bata, maling posisyon habang inaasikaso ang baby, pagyuko para buhatin ang baby mula sa crib nito, at pagkakuba habang nagpapasuso.

    Mga sanhi ng postpartum back pain

    1. Mga pagbabago sa katawan ng buntis

    Mga halimbawa:

    • Hormonal changes
    • Weight gain
    • Postural adjustments
    • Pagbabago sa “center of gravity”

    Sa buong panahon ng pagbubuntis, naaapektuhan ng hormones ang iyong muscles at joints. Ang hormones na relaxin at progesterone ang nakapagri-relax sa muscles at napaluluwag din ng mga ito ang mga litid at kasukasuan, lalo na sa pelvic area.

    Ang extra weight at mga pagbabago sa katawan ay maaaring magdulot ng discomfort at sa ibang pagkakataon, ng injury. Habang lumalaki ang matris at mas nagiging mabigat, nagbabago rin ang center of gravity at posture mo.

    Dito nagkakaroon ng problema sa balance at risk ng pagkatumba. Ang bigat ng iyong baby at ang paghina ng belly muscles ang humihila sa  lower spine paharap. Karamihan sa mga babae ay sumasandal palikod sa isang awkward na posisyon at nakapagdudulot ito ng back strain at back pain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang labis din na timbang ay nagdudulot ng stress sa kasukasuan at pressure sa muscles. Tandaang siyam na buwan ang hormonal shifts kung kaya't ang mga epekto nito ay mararanasan pa rin postpartum. Ang mga pagbabagong ito ang nagdudulot ng strain sa mga muscles at ligaments sa iyong likod.

    2. Labor at panganganak

    Mga halimbawa:

    • Intense contractions
    • Pag-ire o pushing
    • Iba't ibang posisyon sa panganganak

    Nagiging sanhi naman ng stress sa back muscles at spine ang labor at mismong oras ng delivery. Paliwanag ng mga eksperto, tipikal na mas matagal ang recovery ng mga nanganak nang C-section kaysa sa mga dumaan sa normal o vaginal birth.

    3. Pag-aalaga sa iyong baby

    Mga halimbawa:

    • Pagbuhat sa baby
    • Pagpapadede

    Maaaring dahilan ng poor posture at paulit-ulit na strain sa iyong likod ang maling mga posisyon habang pinapasuso ang baby.

    Gaano katagal ang pananakit ng likod? Maaaring makaranas ng persistent back pain kung dumanas ka na nito bago o habang nagbubuntis. Ang pagiging overweight ay nakadaragdag din sa risk ng postpartum back pain.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Tips para sa pain management

    Naiibsan ang pananakit sa paglipas ng ilang linggo at sa tulong ng healthcare provider katulad ng physical therapist at doktor. Narito din ang iba pang payo para sa dumaranas ng pananakit ng likod:

    1. Good Posture—Mahalaga ang pagtayo at pag-upo nang tuwid.

    2. Proper Feeding Positions—Nagpapasuso ka man o bottle-feeding, kailangang komportable kang nakaupo sa silyang may armrests. Maaari ding gumamit ng maraming unan para sa ekstrang suporta sa iyong likod at mga braso.

    Mayroon ding nabibiling breastfeeding pillow at  footstools. Kapag bahagyang          nakaangat ang iyong mga paa sa sahig, napapanatili ang maayos na posture.

    Ilapit ang iyong baby sa iyong dibdib imbes na ilalapit mo ang iyong suso sa kanya. Mainam din kung magsasaliksik at susubok ng iba't ibang posisyon sa pagpapasuso. Makatutulong din ang isang  lactation consultant.

    3. Para masolusyonan ang tense na balikat, maiibsan din ang upper postpartum back pain kung side-lying position ang gagawin sa paghiga at pagtulog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan pang paalala:

    Kapag yuyuko o may pupulutin sa sahig, gawin ito mula sa iyong tuhod at hindi sa baywang. Pulutin ang mga bagay nang naka-crouching position para mabawasan ang stress sa likod.

    Iwasan din ang pagbubuhat ng mabibigat na mga bagay, lalo kung dumaan ka sa C-section. 

    Ang regular na pag-e-ehersisyo, pag-a-apply ng heat o cold packs, at pagsusuot ng supportive footwear ay mabisang paraan din para maibsan ang pananakit ng likod. 

    Mga ehersisyo para sa postpartum back pain

    Inirerekomenda ng The American College of Obstetricians and Gynecologists ang 20-30 minuto ng postpartum exercise kada araw.

    Maaari ding magsimula sa 10-minute exercises na may low-impact aerobic activity kagaya ng paglalakad. Narito ang iba pang maaaring gawing ehersisyo:

    • Cat-camel stretch
    • Kegels
    • Pelvic tilts
    • Pilates
    • Yoga
    • Iba pang gentle exercises (tai chi, qigong)

    Habang nakare-recover ang katawan, maaari na ring dagdagan ang haba o ang bilang ng ehersisyo araw-araw. Inirerekomenda rin ang paglalakad sa loob ng 30 minuto nang 3 hanggang 5 beses kada linggo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang regular postpartum aerobic exercise ay isa rin sa makapagpapabuti sa iyong overall health and fitness nang hindi nakaaapekto sa breastmilk production o sa paglaki ng iyong baby.

    Bukod sa benepisyo sa pisikal na kalusugan, maiibsan at maiiwasan din ang paglala ng postpartum depression sa tulong ng ehersisyo.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor?

    Para sa pananakit ng likod na hindi nawawala, maaaring i-refer ng doktor ang pasyente sa back-pain specialist o physical therapist (PT).

    Sa artikulong Treating Postpartum Back Pain with Physical Therapy na nirebyu ngUPMC Rehabilitation Institute Nakasaad ang mga benepisyo ng physical therapy.

    “Low back pain is a common prenatal and postnatal pregnancy concern, but it is treatable with physical therapy,” paliwanag ni Susan George, isang physical therapist at director ng Women’s Rehab and Men’s Health, ng UPMC Rehabilitation Institute. “Strategic strength training, proper body mechanics, management of muscle spasms, and stretching exercises can help alleviate the pain.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makatutulong ang physical therapist sa pagtuturo ng tamang mga ehersisyo at makapagpapaliwanag din kung paano kikilos at isasagawa ang pang-araw-araw na gawain para maibsan ang pananakit ng likod.

    Hindi man maiiwasan ang postpartum back pain, may mga solusyon at mga paraang maaaring gamitin. Posible ring irekomenda ang braces o manual therapy kung kinakailangan.

    “You may benefit from seeing a physical therapist specializing in women’s health and musculoskeletal disorders,” paliwanag ni George. “After a thorough evaluation, your physical therapist will customize a treatment plan that works best for you and your needs."

    Mainam ang mga ehersisyong naka-focus sa muscles sa gulugod o spine at pelvic floor. Maaari ding gawin ang strength training, aerobic exercise, at balance training. Siguraduhin lamang na maingat at sapat lamang ang ehersisyong gagawin para maging epektibo itong lunas sa postpartum back pain.

    Ayon sa mga doktor, kailangang laging makipag-ugnayan sa kanila sa buong panahon ng pagbubuntis hanggang sa postpartum o panahon matapos manganak. Maaari ring gamitin ang guide mula sa Centers for Disease Control and Prevention kapag makikipag-usap sa iyong doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito ang iba pang postpartum health problems.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close