postpartum,hives,Tagalog,con-00370,sc23,postpartum hives,Postpartum Hives | Smart Parenting,Diseases and Conditions, Skin Conditions, Health Conditions, Medical Health,allergy and immunology, immune system, immunogen, postpartum hives, postpartum health problems, pagkapanganak,Isa ang postpartum hives sa mga sakit sa balat na nararanasan ng ilang bagong panganak. Narito ang mga symptoms at treatment.
HealthYour Health

Hindi Nakahahawa Ang Postpartum Hives Ngunit Matinding Discomfort Ang Dala Nito

Narito ang symptoms at treatment.
PHOTO BYCanva

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Ang postpartum period ay may kasamang panibagong mga hamon para sa bagong ina. Isa rito ang hives na kilala rin bilang urticaria. Skin condition ang hives kung saan ang balat ay nagkakaroon ng puti o pulang mga pantal ilang araw matapos manganak.

Nararanasan din ang hives ng buntis man o hindi na babae at ng mga lalaki kapag compromised ang kanilang immune system. Pagtutuunan sa artikulong ito ang postpartum hives.

Mga dapat malaman

Kapag nagkaroon ng contact ang immune system sa allergens, ang histamine (mula sa small capillaries) at iba pang mga kemikal ay nari-release sa dugo. Histamine ang dahilan ng paglaki ng blood vessels. Kapag nakapasok ang plasma sa balat, naiipon ito at nagdudulot ng inflammation at pangangating maaaring mild o matindi.

Ayon sa Revival Research Institute, ilan sa karaniwang allergens ang sumusunod:

  • Mga kemikal
  • Dyes o pangkulay
  • Pabango
  • Alikabok
  • Pollen
  • Mold at mildew
  • Balahibo ng hayop
  • Latex
  • Kagat ng insekto
  • Mga gamot kagaya ng aspirin, ibuprofen, at antibiotics (amoxicillin at penicillin)

Mga sintomas ng postpartum hives

Ayon sa MyBump2Baby, ang mga sumusunod ang sintomas ng ganitong skin condition:

  • Bumpy skin rashes na kulay pula, pink, o kakulay ng balat
  • Pangangati
  • Nakaumbok sa clusters na nagiging kulay puti sa pressure
  • Pamamantal

Paiba-iba ang hugis at laki ng hives na ito. May ibang mga tao na nagkakaroon ng maliliit na rashes habang ang iba naman ay nagkakaroon ng hives na kasinglaki ng pinggan. Mayroon ding iba't ibang hugis nito kagaya ng bilugan, oval, worm-like, at iregular na mga hugis.

Karaniwang nakikita ang postpartum hives sa tiyan, hita, puwit, at braso. Maaari ding magkaroon ng postpartum hives sa mga binti at sa mukha. 

watch now

Mga sanhi ng postpartum hives

Narito ang ilang dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong sakit sa balat ang mga bagong panganak:

Hormonal changes

Fluctuations sa estrogen at progesterone ang isa sa sanhi ng hives. Ito kasi ang panahong may increase a produksyon ng estrogen at progesterone. Mayroon itong epekto sa immune system at nakapagdudulot ng skin reactions.

Infection

Kapag mahina ang immune system, mas vulnerable ang katawan at nakapapasok ang mga germs dito. May genital infections din na nagdudulot ng postpartum hives.

Bacterial infections, urinary tract infections, at mononucleosis ang ilan lamang sa mga impeksyon nakapagdudulot ng skin reactions kagaya ng postpartum hvies.

Stress at labis na pagod

Hindi biro ang mag-alaga ng newborn baby kung kaya't maaaring pagod na pagod ka at nakararanas ng stress.

Medical history ng hives at iba pang allergies

Maaari itong tumagal sa loob ng ilang araw hanggang ilang linggo. Pagkatapos din ng panganganak, normal ang biglaang pagbaba ng hormone levels kaya trigger din ito sa skin reactions. Ang impeksyon at medikasyon ang ilan pa sa pinaniniwalaang triggers ng postpartum hives.

Mayroon ding mga babaeng mas prone sa pagkakaroon ng postpartum hives dahil sa genetic predisposition o mayroon silang pre-existing skin conditions. Sa ibang mga kaso, mayroon ding pamamaga ng mukha, labi, o dila. Ang mga ito ay senyales din ng mas seryoso pang allergic reaction.

Mga dapat tandaan

Narito ang ilang triggers ng postpartum hives:

  • Shellfish
  • Nuts
  • Dairy
  • Mainit na panahon
  • Malamig na panahon
  • Labis na pagpapawis
  • Emotional stressors

Home remedies para sa postpartum hives 

1. Paggamit ng oats

Balutin sa microfiber cloth ang oats at ibabad ito sa bowl ng mainit na tubig sa loob ng 10–15 minuto. Ilagay ang supot ng oatmeal sa bath tub at dito magbabad sa loob ng labinlimang (15) minuto. Gawin ito araw-araw hanggang sa tuluyang guminhawa ang pakiramdam mula sa postpartum hives.

2. Lagyan ng turmeric paste ang apektadong erya ng balat. Ihalo lamang ang turmeric powder sa tubig o coconut oil para makagawa ng ganitong paste. Mayroon kasing curcumin ang turmeric na mayroon ding anti-inflammatory effects.
I-apply ito sa balat sa loob ng 20–30 minuto bago banlawan ang apektadong erya gamit ang maligamgam na tubig.

3. Gumamit ng chamomile tea bags

Ang mga bulaklak ng chamomile ay mayroon ding anti-inflammatory at antiphlogistic properties. Ayon sa mga pag-aaral, nakapagpe-pentrate ang chamomile at iba pang essential oils sa mas malalalim na skin layers kaya mainam na topical anti-inflammatory agents ang mga ito.

Ilan pa sa magagamit na home remedies ay ang sumusunod:

  • Aloe vera gel
  • Chamomile lotion
  • Calamine lotion
  • Coconut oil
  • Apple cider vinegar

Narito ang ilan sa mga dapat tandaan upang maibsan ang pangangati ng balat:

1. Iwasan ang maiinit na mga lugar.

2. Iwasang magkamot para hindi ma-irritate ang iyong balat.

3. Mag-apply ng cool compress sa area ng balat na nangangati. Maaari itong iwan sa loob ng 10 hanggang 20 minuto. Maiibsan din ang pangangati sa tulong ng anti-itch cream (o lotion) at moisturizers.

4. Magsuot ng maluluwag na mga damit na gawa sa 100% cotton.

5. Gumamit ng maligamgam na tubig sa pagligo. Maaari ring maglagay ng colloidal oatmeal sa bathtub ng maligamgam na tubig at ibabad ang katawan ayon sa direksyong nasa package.

6. Iwasan ang pagkuskos sa balat gamit ang loofah o mesh sponge. Mainam ang paggamit ng gentle na sabon o cleanser. Gumamit ng fragrance-free na produkto. 

Paliwanag ng American Academy of Dermatology Association, malaking tulong din ang pagkakaroon ng journal kung saan mailalagay mo ang sintomas at posibleng triggers. Narito ang mga detalyeng maaaring isulat:

  • Petsa at oras kung kailan nagsimula ang hives
  • Ano ang ginagawa mo bago magkaroon nito
  • Mga pagkain at inumin bago naranasan ang pangangati
  • Mga gamot, kagaya ng aspirin, ibuprofen, at iba pang prescription medications
  • Kung masyadong mainit ang pakiramdam o labis ang pagpapawis
  • Ang kasuotan mo o ang bitbit o dala-dala mo
  • Kung nakaranas ng stress bago nagkaroon ng hives

Diagnosis at treatment ng hives

Ayon kay Dr. Nguyen Duy Bo ng Clinical Allergy Immunology, Vinmec Times City International General Hospital, mahalagang magpatingin sa Allergist or Dermatologist para makakuha ng wastong ebalwasyon at treatment.

Karaniwang sinusuri ng doktor ang balat ng pasyente para matukoy kung hives ito o hindi. Tatanungin ka rin ng doktor tungkol sa medical history, allergies, mga gamot na ininom o iniinom, exposure sa allergens, at daily stressors.

Sa maraming pagkakataon, hindi kailangan ng treatment ng postpartum hives at kusa lamang itong mawawala. Kung matutukoy ang sanhi o trigger nito, kailangan na lamang itong iwasan. Kung mayroong pangangati, magrerekomenda ang iyong doktor ng antihistamine upang maharang ang pag-release ng histamine sa bloodstream at maiwasan ang breakouts.

Kung tumatagal ito nang anim na linggo o higit pa, ito ang tinatawag na chronic hives.

Ang anaphylactic shock at malalang kaso ng hives o angioedema ay rare o madalang mangyari ngunit sakaling dumanas nito, tandaang kailangang agad na magpa-check up sa doktor.

Mainam din ang patuloy na pag-aaral tungkol sa hives. Ugaliing magtanong sa iyong doktor upang lubos na maunawaan ang ganitong skin condition.

Narito ang mga gamot na karaniwang inirereseta ng mga doktor:

  • Antihistamines
  • Corticosteroids
  • Immunosuppressants
  • Steroid skin cream
  • Steroid medication
  • Cream o lotion na mayroong anti-itch steroids (prednisolone)
  • EpiPen para sa allergy shots
  • Gamot na ursodeoxycholic acid (o Udiliv, kung ang sanhi ay seryosong liver imbalance)

Kailan dapat komunsulta sa doktor?

Hindi mapanganib ang postpartum hives pero talagang mahirap magkaroon nito. Kailangang tandaang hindi ka nag-iisa at mayroong mga solusyon para maibsan ang mga sintomas nito.

Mahalagang mayroong plano para sa postpartum hives treatment kaya dapat na makipagtulungan sa iyong doktor upang hindi lumala at mas maagapan pa ang postpartum hives.

Basahin dito ang iba pang postnatal skin problems.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close