embed embed2
  • Mga Dapat Mong Bantayan Na Mga Sintomas Ng Sakit Sa Puso Kay Mister

    Sa Pilipinas, mas maraming kalalakihan kaysa kababaihan ang nagkakasakit sa puso.
    by Jocelyn Valle .
Mga Dapat Mong Bantayan Na Mga Sintomas Ng Sakit Sa Puso Kay Mister
PHOTO BY Shutterstock
  • Hindi man maganda sa pandinig ang dad bod, hindi rin ito dapat bale-walain ng mga kalalakihan at kanilang mga misis. Maaari kasing sintomas na may sakit sa puso si mister na may katabaan, lalo na sa parteng tiyan.

    Ano ang sakit sa puso?

    Tinatawag ang sakit sa puso sa medical terms na coronary artery diseases at ischaemic heart diseases. Nangyayari ito kapag, ayon sa Mayo Clinic, ang fatty deposits, gaya ng cholesterol, ay hinayaang mabuo sa puso bilang plaque. Ang mga plaque na iyon ang nagpapaliit ng arteries sa puso kaya sumisikip ang daluyan ng dugo hanggang tuluyan na itong maharangan.

    Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa taong 2020, mayroong 99.7 thousand kaso ng sakit sa puso na kumitil ng buhay. Katumbas niyan ang 17.3 percent ng total deaths sa bansa. (Basahin dito ang tungkol sa atake sa puso.)

    Nitong June 30, 2021, may magandang talakayan sa Usapang Puso sa Puso talk show nina Dr. Luigi Segundo at Dr. Don Reyes na posted sa Facebook page ng Philippine Heart Association (PHA).

    Ang kanilang ika-sampung episode ay may titulong "Puso ni Daddy, Sinlakas Pa Ba ng Haligi?" Tampok dito ang tatlo pang cardiologist na sina Dr. Jorge A. Sison, Dr. Benjamin Quito, at Dr. Rodette Arevalo.

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Quito sa kaugnayan ng dad bod sa sakit sa puso. Aniya, "Tinatawag itong abdominal obesity, so ‘yung mga fats sa tiyan. May mga pag-aaral na maaaring magkaroon ng cardiovascular risks. Mas at risk na magkaroon ng atake sa puso, stroke."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya, "May study na tumataas ang risk na magka-COVID 19 kapag napapabayaan natin ang fats. Kasi puwedeng maging reservoir or puwedeng pumasok ang mga virus doon sa fats at puwede pang mas kumalat ang virus. So hindi lang cardiovascular risk, magkakaroon pa ng risk for severe COVID-19."

    Mga sintomas ng sakit sa puso

    Binanggit ni Dr. Sison na ayon sa statistics, mas maraming lalaki kaysa sa babae sa Pilipinas ang nagkakasakit sa puso. Tumataas din ang risk factors ni mister kung siya ay:

    • Naninigarilyo
    • May alta presyon (high blood pressure)
    • Walang exercise
    • May diabetes
    • Mataas ang cholesterol levels

    May mga payo rin si Dr. Sison para sa mga misis upang mabantayan ang mga sintomas na may sakit sa puso si mister. Mainam daw na alamin ang warning signs.

    Madaling mapagod

    Kung aakyat lang ng hagdan ay hinihingal na kaagad si mister, baka may iniinda na siyang sakit sa puso. Dagdag pa raw diyan ang hindi na kayang gawin ni mister ang  mga bagay na madali lang para sa kanya noon. May epekto rin daw sa sexual activity, tulad ng erectile dysfunction.

    Paninikip ng dibdib

    May hatid na chest pain (angina) at palpitation ang sakit sa puso. Kaya madalas kumakabog ang dibdib ni mister at dumadaing ng pananakit sa parteng ito ng kanyang katawan.

    Hirap sa pagtulog

    Kapag nasa moderate stage na ang sakit sa puso ni mister, malamang mapansin mo siyang biglang nagigising habang natutulog kayo. Baka bumangon din siya dahil nalulunod ang kanyang pakiramdam.

    Kapag naman later stage na ng sakit sa puso, hindi na raw kayang matulog ni mister nang flat sa kama. Nanghihingi na siya ng mga unan na kanyang pagpapatungin at saka hihigaan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Malakas humilik

    Sabi naman ni Dr. Arevalo, posibleng sintomas rin ng sakit sa puso ang malakas na paghilik ni mister, lalo na kung makakapal ang taba sa kanyang leeg at maliit ang baba. Aniya, "Baka may obstructive apnea na problema sa baga pero puwedeng related sa heart. Ang mga taong may obstructive apnea, malaki ang tyansa na magkaroon ng heart problem."

    Mga paraan para maiwasan ang sakit sa puso

    Nagkakasundo ang mga cardiologist na ipakonsulta kaagad si mister sa doktor. Malimit daw kasing nagdadalawang-isip pa ang kalalakihan na magpa-check up, kaya makakatulong na kumbinsihin mo siya. Mabibigyan siya ng doktor ng tamang diagnosis at angkop na treatment.

    Malaking tulong din kung sasabayan mo si mister na itama ang lifestyle para dalawa kayong maging malusog at hindi madaling kapitan ng sakit. Bilin ng mga doktor na gawin ang mga sumusunod:

    • Tumigil sa paninigarilyo
    • Magbawas ng timbang
    • Mag-exercise
    • Kumain nang masustanyang pagkain
    • Bawasan, kung hindi man itigil, ang pag-inom ng alak

    Paalala pa ng mga doktor na ang katawan ng tao ay parang makinarya ng sasakyan na kailangan ng "maintenance measures" upang patuloy na umandar. Kaya mainam daw na maging alerto sa mga sintomas na may sakit na puso, maging si mister o di kaya si misis.

    What other parents are reading

     

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles