embed embed2
  • Cervical Cancer: Hindi Agad Lumalabas Ang Sintomas At Iba Pang Dapat Mong Malaman

    Paano nga ba ito nagsisimula at sinu-sino ang mga at risk?
    by Ana Gonzales .
Cervical Cancer: Hindi Agad Lumalabas Ang Sintomas At Iba Pang Dapat Mong Malaman
PHOTO BY Shutterstock/Chinnapong
  • Cancer sa matris ang isa sa mga uri ng cancer na nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga babae dito sa ating bansa, ayon sa datos ng Department of Health.

    Base naman sa pag-aaral ng HPV Information Centre, humigit kumulang 7,000 mga bagong kaso ng cervical cancer ang naitatala taon-taon. Mga babaeng edad 15 hanggang 44 ang maaaring tamaan nito.

    Ano ang cancer sa matris?

    Ang matris o cervix ang nagdudugtong ng iyong bahay-bata sa iyong vagina. Karamihan ng mga canser sa matris ay nagsisimula sa mga cells ng iyong matris.

    Anu-ano ang mga sintomas ng cancer sa matris?

    Malimit hindi agad lumalabas ang sintomas ng cancer sa matris lalo na kung nasa early stages pa lamang ito. Kapag lumabas na ang mga sintomas, madalas ay napagkakamalan itong ibang karamdaman tulad ng urinary tract infection (UTI).

    Ito ang mga tipikal na sintomas ng cancer sa matris:

    • hindi pangkaraniwang pagdurugo lalo na sa pagitan ng iyong menstrual period, pagkatapos makipagtalik, o pagkatapos ng menopause
    • vaginal discharge na may ibang amoy at itsura
    • pananakit ng balakang
    • madalas na pag-ihi
    • masakit na pag-ihi

    Bakit nagkakaroon ng cancer sa matris?

    Paliwanag ng mga eksperto, ang cancer sa matris ay madalas dulot ng sexually transmitted human papillomavirus (HPV). Ito rin ang parehong virus na nagdudulot ng genital warts.

    Mayroong iba't-ibang strains ang HPV, ngunit ang HPV-16 at HPV-18 lamang ang mga nagdudulot ng cancer sa matris.

    Kung makapasok man sa katawan ang mga HPV strains na ito, hindi ibig sabihin ay magkakaroon na agad ng cervical cancer. Lalaban pa rin ang immune system sa karamihan ng HPV infections na nakapasok sa katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa cancer sa matris, maaari ring magdulot ng ibang karamdaman ang HPV. Kabilang riyan ang:

    • vulvar cancer
    • vaginal cancer
    • penile cancer
    • anal cancer
    • rectal cancer
    • throat cancer

    Paano ginagamot ang cancer sa matris?

    Maraming magagawa para labanan ang cervical cancer lalo na kung maaga itong ma-detect.

    Surgery

    Sa pamamagitan nito aalisin ng mga doktor ang mga bahagi ng matris na apektado ng cancer. Kung hindi pa masyadong malaki ang apektadong bahagi, hindi inaalis ng doktor ang buong matris.

    Radiation therapy

    Radiation ang papatay sa mga cancer cells gamit ang high-energy X-ray beams.

    Chemotherapy

    Ito na marahil ang pinakakilalang treatment para sa ano mang uri ng cancer. Gamot ang gagamitin para patayin ang mga cancer cells. Ibinibigay ito ng mga doktor na naka-cycle para may oras ang katawan na mag-recover.

    Targeted therapy

    Sa paraang ito naman ay may ibibigay na gamot sa pasyente kasabay ng mga gamot para sa chemotherapy.

    Ang mga gamot na ito ang babara sa mga blood vessels na nagdadala ng dugo papunta sa mga cancer cells hanggang sa unti-unting mamatay ang mga ito.

    Anu-ano ang iba't-ibang stages ng cancer sa matris?

    Mayroon apat na stages ang cancer sa matris:

    • Stage 1: Maliit pa ang cancer ngunit maaari na itong kumalat sa mga lymph nodes. Hindi pa ito nakakarating sa ibang bahagi ng katawan.
    • Stage 2: Mas malaki na ang cancer at maaari na itong kumalat sa labas ng matris at bahay-bata.
    • Stage 3: Sa stage na ito, kumalat na ang cancer sa mababang bahagi ng iyong vagina. Maaaring nahaharangan na rin nito ang ureters, ang mga tubo na nagdadala ng ihi mula sa kidney papunta sa pantog.
    • Stage 4: Kumalat na ang cancer sa ibang bahagi ng katawan, kabilang ang baga, atay, at buto.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Anu-ano ang mga tests na ginagawa para makita ang cancer sa matris?

    Kung ang pasyente ay edad 21 hanggang 29, kailangan magpa-pap smear kada tatlong taon. Kung edad 30 hanggang 65 naman ang pasyente, kailangang magpa-pap smear isang beses kada isang taon. Kailangan din ng high-risk HPV (hrHPV) test kada limang taon.

    Ang pap smear ay isang medical procedure kung saan kumukuha ang doktor ng sample cells mula sa iyong cervix. Itong sample na ito ang siyang susuriin para makita kung maaari ba itong maging cancer.

    Sinu-sino ang mga at risk para magkaroon ng cancer sa matris?

    Bukod sa HPV, tataas ang risk mo para magkaroon ng cancer sa matris dahil sa mga sumusunod:

    • HIV
    • paninigarilyo
    • labis na katabaan
    • family history ng cervical cancer
    • hindi pagkain ng tama

    Paano maiiwasan ang cancer sa matris?

    Bukod sa pagkakaroon ng healthy lifestyle, mahalagang ugaliin ang regular na pagpapatingin sa doktor.

    Importante ang pagpapa-pap smear dahil nakakatulong ito sa early detection. Mainam rin na magpabakuna laban sa cancer sa matris. Mayroon na ngayong mga bakuna tulad ng Gardasil at Cervarix na mainam panangga sa HPV na nagdudulot ng cervical cancer.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles