embed embed2
  • 8 Sintomas Na Hindi Mo Iisipin Na Mababa Pala Ang Potassium Level Mo

    Maraming papel ang potassium para maging malusog ang pangangatawan.
    by Jocelyn Valle .
8 Sintomas Na Hindi Mo Iisipin Na Mababa Pala Ang Potassium Level Mo
PHOTO BY Shutterstock/Piti Tangchawalit
  • Kilala ang saging bilang mayaman sa potassium. Pero kahit sagana sa saging ang Pilipinas, marami pa ring nakakaranas ng mga sintomas ng mababang potassium nang hindi nila namamalayan.

    Kadalasan kasing pagsususpetsahan muna ang ibang rason sa mga nararamdaman bago mapag-isipan na may kinalaman ang potassium. Kaya mainam na magpatingin sa doktor nang maagapan ang posibleng paglala at pagkakaroon ng mas seryosong sakit.

    Ano ang potassium?

    Ang potassium ay isang electrolye, na siya namang uri ng mineral na natural sa katawan ng tao. Tumutulong ito sa pagbalanse ng dami ng iba pang electolytes at tubig sa katawan.

    Malaki rin ang papel ng potassium sa pagganap ng nerves at muscles sa kani-kanilang mga trabaho. Dagdag pa diyan ang pagsiguro na normal ang blood pressure.  

    Kailangang normal ang potassium level sa bloodstream, ayon sa Mayo Clinic. Kapag mababa ang potassium level mo sa 3.6 millimoles per liter (mmol/L), mayroon kang low potassium o hypokalemia.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi ka na dapat umabot pa sa 2.5 mmol/L dahil masasabing life-threatening na ito. (Pero problema rin kung mas mataas naman sa 5.2 mmol/L dahil high potassium o hyperkalemia ang magiging resulta.)

    Apektado ang dami o konti ng potassium ng sodium, na isa pang electrolyte na taglay naman ng asin. Kung maraming sodium sa katawan, kaunti ang potassium, at vice-versa. Ang iba pang dahilan ay kidney function, blood pH, at hormone na aldosterone.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaaring mabawasan ang potassium sa katawan kung:

    • May iniinom kang gamot na nagpapadalas ng iyong pag-ihi
    • Madalas ang iyong diarrhea at pagsusuka
    • Inaabuso mo ang paggamit ng laxative
    • Masyado kang umiinom ng alak
    • Grabe kang pagpawisan
    • Kulang ka sa folic acid
    • Hindi sapat ang nakukuha mong potassium sa pagkain

    Sintomas ng mababang potassium level

    May mga palatandaan na mababa na pala ang potassium level mo. Pero baka hindi mo mapansin dahil kakambal din ang mga ito ng iba pang sakit o kondisyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    1. Pananakit at pamamanhid ng muscles
    2. Panghihina ng katawan
    3. Pagkabalisa na may kasamang pagsusuka
    4. Pagkahilo na nauuwi sa pagkawala ng malay (fainting)
    5. Pagiging lituhin at iritable
    6. Di mapigilang pag-ihi nang madalas
    7. Nauubusan ng tubig sa katawan (dehydration)
    8. Palpitation na tila tumatalon ang puso

    Mainam na komonsulta sa doktor kung nararamdaman ito. Makikita sa blood test kung ano ang iyong potassium level. Mabibigyan ka ng payo para sa mga susunod mong hakbang. Kailangan itong maagapan para hindi magkaroon ng complications tulad ng sakit sa puso.

    Pagkain mayaman sa potassium bukod sa saging

    Kung ano’t ano man, sabi ng medical sources, makakatulong ang pagkain ng mayaman sa potassium para gumanda ang lagay nito sa katawan mo. Bukod sa saging, makatutulong ang mga ganitong pagkain:

    1. Prutas (avocado, orange)
    2. Dried fruits (raisins, apricots)
    3. Gulay (carrots, peas, spinach, tomato, broccoli, potato)
    4. Beans (lentils) at nuts (cashew, almond)
    5. Peanut Butter
    6. Seaweed
    7. Lean beef
    8. Chicken
    9. Salmon
    10. Dairy (whole milk, yogurt) at nondairy (soy milk. almond milk)
    11. Peanut butter
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Potassium at pagbubuntis

    Maraming discomfort na nararanasan ng buntis ang posibleng makapagpababa ng potassium level. Kabilang dito ang grabeng pagsusuka, pagpapawis nang husto, at madalas na pag-ihi. Malaking tulong pa naman ang potassium para maibsan ang iba pang discomfort. Ilan sa mga ito ang pamamanas, pamumulikat, at restless leg syndrome. 

    Dahil tumataas ang blood volume hanggang 50 percent kapag buntis, tumataas din ang hinihinging potassium ng katawan. Sa first trimester, ang potassium level ay dapat nasa pagitan ng 3.6 at 5 mmol/L. Pagtungtong sa second trimester, nasa 3.3 at 5 mmol/L. Sa third trimester, hanggang 5.1 mmol/L ang pagtaas.

    Payo ng eksperto na hingin ang tulong ng doktor o dietician kung paano maaabot ang tamang level ng potassium ng buntis. Mainam daw kung pipiliin ang plant-based na pagkukunan ng potassium upang mas ligtas na maiwasan ang sintomas ng mababang potassium. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles