embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Ano Nga Bang Face Mask Ang Tama At Dapat Gamiting Proteksyon Labas Sa Ashfall?

    Importanteng malaman mo ang kaibahan ng dust mask sa surgical mask.
    by Ana Gonzales .
Ano Nga Bang Face Mask Ang Tama At Dapat Gamiting Proteksyon Labas Sa Ashfall?
PHOTO BY iStock
  • Kamakailan lang ay nagkaroon ng malawakang bushfire sa bansang Australia, na ikinapinsala ng mahigit dalawang libong tahanan at ikinamatay ng humigit kumulang 27 katao, ayon sa datos na inilabas ng CNN World. Bunsod nito’y namroblema ang mga residente kung paano nila mapapanatiling ligtas ang kanilang mga sarili sa usok o smoke haze.

    Samantala, nagiging mahirap na ring huminga dito sa ating bansa, partikular na sa Tagaytay, probinsya ng Cavite, at maging sa ilang bahagi ng Metro Manila, hindi dahil sa smoke haze, kundi dahil sa ashfall na dala ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

    More from Smart Parenting

    Pasado alas singko ng hapon ngayong araw (Sunday, January 12), nang itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang alert level 4 dahil sa pagbuga ng bulkan ng 10-15 kilometro ng steam-laden tephra column o ash column na may madalas na volcanic lightning. Ayon pa sa ahensya, itinataas ang alert level 4 kapag mayroong posibilidad na sumabog ang bulkan ilang oras o araw matapos itong magsimulang maging aktibo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasalukuyang nang lumilikas ang mga residente na nasa loob ng 14km radius na itinalagang high risk dahil sa posibilidad ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami. Samantala, ang buong Taal Volcano Island ay itinalaga nang Permanent Danger Zone.

    Payo ng Department of Health (DOH), kung nakatira ang inyong pamilya malapit o hindi kaya ay sa mismong mga apektadong areas, siguraduhing gawin ang mga sumusunod para maging ligtas sa epekto ng ashfall: 

    • Manatili lamang sa loob ng bahay
    • Panatilihing nakasara ang mga pinto at bintana
    • Magsuot ng goggles para bigyang proteksyon ang iyong mga mata
    • Magsuot ng dust mask kung lalabas ng bahay

    Pagdating sa pamimili ng gagamiting mask, tandaan na ang kailangan mo ay dust mask at hindi surgical mask.

    More from Smart Parenting

    Ano ang kaibahan ng dust mask sa surgical mask?

    Ayon sa U.S. Food and Drug Administration, ang face mask ay epektibong panangga mula sa mga talsik at ano mang tinatawag na large-particle droplets. Samantala, ang N95 respirator naman ay mabisang panangga sa mga airborne particles. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil hindi talsik ng laway o ano mang droplets ang sinasangga mo sa pagkakataong ito, mas mabisang gumamit ng dust masks. Mayroon itong tatlong klasipikasyon: P1, P2, at P3. Ito ang mga ratings na ginagamit ng mga manufacturers para i-classify ang level ng proteksyon na makukuha mo mula sa dust mask—mas mataas ang rating, mas maganda ang proteksyon. P1 ang pinakamababa habang P3 naman ang pinakamataas.

    PHOTO BY Centers for Disease Control and Prevention
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Importanteng N95 M3 masks ang hanapin at gamitin para makasigurong hindi mo malalanghap ang mga nakakasama at delikadong particles na taglay ng ashfall. Mahalaga ring alam mong isuot ng tama ang iyong dust mask para siguradong protektado ka. 

    Tandaan na single use lamang ang mga dust masks. Ibig sabihin, kapag nagamit mo na ito, kailangan mo na itong itapon at gumamit mulit ng bago para masigurong hindi mo masinghot ang nauna nang nasala ng mask.

    More from Smart Parenting

    Sa kasalukuyan ay nagkakaubusan na ng surgical masks sa ilang bahagi ng Metro Manila at iba pang apektadong mga areas. Kung hindi ka nakabili nito para sa iyong pamilya, pwede kayong gumamit ng basang twalya, bimpo, o hindi naman kaya ay panyo.

    Ayon pa sa DOH, delikadong makalanghap ng volcanic ash. Maaari itong maging sanhi ng nosse ang throat irritation, ubo, eye irritation, minor skin problems, at iba pang sakit na kapareho ang sintomas sa bronchitis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari ka ring makaranas ng hirap sa paghinga kaya naman mas makabubuti talagang manatili na lang sa loob ng bahay hanggang hindi humuhupa ang ash fall.

    Kumusta ang area ninyo? Naapektuhan ba kayo ng ashfall? Paano ninyo sinisigurong ligtas ang inyong pamilya sa mga oras ng kalamidad na ito? I-share ang inyong experience sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles