embed embed2
  • 'Telemedicine' Ang Sagot Kung Hindi Ka Makaalis Ng Bahay Para Magpa-Check Up

    Sa ibang bansa, malawak na ang practice ng telemedicine
    by Lei Dimarucut-Sison .
'Telemedicine' Ang Sagot Kung Hindi Ka Makaalis Ng Bahay Para Magpa-Check Up
PHOTO BY iStock
  • Ang pagiging ina ay isang malaking responsibilidad. Bilang magulang, sa iyo nakasalalay ang buhay at kagalingan ng iyong mga anak, kaya hindi ito madali.

    Siguradong sasang-ayon ang maraming magulang na ang isa sa mga pinakamahirap na sitwasyon ay kapag ang iyong anak ay may sakit o may nararamdamang hindi maganda — halimbawa ay masakit ang tiyan o nahihilo —at hindi mo alam ang gagawin. 

    Nakakadagdag pa sa hirap ang mga panahong tulad ngayon na ang Luzon ay naka-community quarantine at ipinapatupad ang social distancing. Delikadong pumunta ng ospital para magpa-check up sa doktor dahil sa panganib na mahawa sa COVID-19.

    Kaya paano nga ba kapag kailangan mo talagang magpa-konsulta sa iyong doktor? Telemedicine ang sagot dito.

    What other parents are reading

    "Telemedicine" ang tawag sa pagkalingang medikal na ibinibigay ng health professional sa pasyente kahit sila ay nasa magkaibang lugar sa tulong ng teknolohiya, gaya ng tawag sa telepono o video-conferencing.

    Sa isang pag-aaral ng World Health Organization, napag-alamang kapaki-pakinabang ang telemedicine sa mga sumusunod na dahilan:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Mas nagiging abot-kamay ang tulong medikal, kahit sa mga liblib na lugar
    • Nahihikayat ang mga pasyente na magpatingin bago maging malala ang kanilang sakit, dahil hindi na kailangang umalis ng bahay para dito
    • Mas madaling masubaybayan ang gamutan nila

    Sa ibang bansa, isa nang malawakang practice ang telemedicine. Sa Pilipinas, nagsisimula na din itong makilala.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Isa sa mga kumpanya dito sa atin na nagbibigay ng ganitong serbisyo ay ang KonsultaMD, na binubuo ng mga lisensyadong doktor mula sa iba't-ibang sangay ng medisina.

    "KonsultaMD has a team of doctors who are fully-equipped with the knowledge on how to deal with various medical concerns, including COVID-19.  Through telephone triaging, the doctor can advise the customer whether they need to go to the hospital for further evaluation or testing,” sabi ni Maridol D. Ylanan, CEO ng Global Telehealth na nangangasiwa sa KonsultaMD.  

    Paano gamitin ang serbisyong ito?

    Gamit ang iyong telepono, i-dial lang ang (02) 7798-8000 sa landline o 79880 sa iyong Globe o TM mobile phone at maari ka nang makipag-usap sa doktor para ikonsulta ang inyong tanong sa maternity, pediatrics, mental health, nutrition, resulta ng iyong laboratory o diagnostic test, mga katanungan tungkol sa gamot, o tungkol sa coronavirus.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Sa pamamagitan din ng telephone triage, mapapayuhan ka ng doktor kung emergency ang iyong sitwasyon at kailangan mong magpunta ng ospital. 

    Maaring makapagpa-check up nang agaran sa kahit ilang doktor kahit anong oras — 24/7 — sa pamamagitan ng pag-subscribe sa KonsultaMD sa halagang Php15 kada linggo o Php60 kada buwan para sa mga Globe Prepaid at TM subscribers. Ibabawas ito sa iyong load.

    Ang mga postpaid subscribers naman ay maaring mag-subscribe sa KonsultaMD sa halagang Php99 kada linggo, na maaring i-extend sa isang kapamilya. Php150 naman ang babayaran para ma-extend ang serbisyo ng KonsultaMD sa apat na katao.

    Maari ding mag-subscribe kahit hindi Globe o TM ang iyong telepono. Bisitahin ang KonsultaMD para sa iba pang impormasyon.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles