embed embed2
Kapag Payat, Hindi Ibig Sabihin 'Suwerte' O Walang Problema Sa Timbang
PHOTO BY Shutterstock
  • Maraming nagsasabi na masuwerte at nakakainggit ang mga taong hindi tumataba. Ang hindi nila alam, problema rin ang kakulangan sa timbang (underweight), lalo na kung may malalim na rason. Kaya naman kailangan ng mga sinasabing payat ang tips para tumaba.

    Matatawag na underweight ang adult na mababa sa 18.5 ang body mass index (BMI), na siyang sukatan ng body fat base sa height at weight. Tinatayang 9% ng adult population sa mundo ay underweight noong 2015, ayon sa datos ng scientific journal na Frontiers.

    Mga dahilan ng pagiging underweight

    May iba-ibang rason kung bakit sadyang payat, kulang sa timbang, o hindi bumibigat ang isang tao. Bagamat matuturing ang karamihan sa kanila na healthy, mayroon ding problemado sa kalusugan.

    Genetics

    Kung simula’t sampul ay payat ka katulad ng karamihan sa iyong angkan, sabi ng mga eksperto ng American Academy of Family Physicians (AAFP), posibleng nasa lahi niyo ang pagkakaroon ng “higher-than-usual metabolism.” Ibig sabihin, mas mabilis ang iyong panunaw kesa sa dalas at dami ng iyong kinakain.

    High physical activity

    Kapag naman masyado kang active dahil siguro sa trabaho at mga gawain, o talagang energetic ka lang, puwedeng mas mabilis naman ang pagsunog mo ng calories kesa sa pagkonsumo nito.

    Ang mga atleta, halimbawa, naaapektuhan ng malimit at masusing pagsasanay ang kakayanan nilang magdagdag ng timbang.

    Health problems

    Sa mga pagkakataon na nagkasakit ka at nawalan ng ganang kumain, maaaring normal na bumaba ang iyong timbang. Mabahala ka lang kung biglang bumagsak ang iyong pangangatawan kahit kumakain ka naman ng sapat o higit pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaaring may iba ka pang sakit, tulad ng:

    • Cancer
    • Type 1 diabetes
    • Celiac disease
    • Hyperthyroidism
    • Infection sanhi ng parasites, tuberculosis, HIV/AIDS, at iba pa

    Psychological issues

    Bukod sa sakit sa katawan, nakakapayat nang husto ang mga karamdaman na may kinalaman sa pag-iisip, gaya ng stress, depression, anxiety, at eating disorders.

    Medication

    Maaaring ang iniinom mong prescription o maintenance meds ay may side effect na nausea, vomiting, diarrhea, at loss of appetite. Kalimitang nagkakaroon ng ganyang karamdaman ang mga sumasailalim ng chemotherapy.

    Payo ng mga medical experts na bantayan ang pagiging underweight, at baka nakararanas ka na pala ng malnutrition. Malaking problema ang kakulangan ng nutrisyon sa katawan.

    Puwedeng bumaba ang iyong immune system, manghina ang mga buto, malagas ang buhok, at maging anemic. Para sa mga kababaihan na underweight o malnourished, malaki ang posibilidad na maapektuhan ang menstruation at humantong sa infertility.

    Tips para tumaba

    Mainam na matugunan muna ang health problems at psychological issues sa tulong ng doktor para sumunod na masolusyunan ang timbang.

    Paliwanag ng medical professionals sa Clevaland Clinic, kailangan maintindihan ang konsepto ng weight gain. Ito ang pagkonsumo ng mas maraming calories kesa sa normal na nabu-burn ng iyong katawan.

    Kailangan mo raw kumain ng mula 300 hanggang 500 calories kada araw para unti-unting magdagdagan ang timbang. Isa pang paraan ang mas madalas na pagkain, halimbawa mula lima hanggang anim na beses kada araw.

    Rekomendado ng mga eksperto ang mga pagkain ng more fat at protein. Pero hindi ang junk food, gaya ng chips, soda, donut, at candy. Tataba lang daw ang tiyan mo, na siyang puwedeng magdulot naman ng diabetes at heart disease. Dapat piliin ang healthy food na tutulong sa muscle building. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Para magawa ang healthy gain weight, may mga payo si Katherine Zeratsky, isang registered at licensed dietician, mula sa Mayo Clinic.

    • Subukan ang smoothie at shake na may gatas at prutas imbes na uminom ng soda.
    • Iwasan ang pag-inom ng maraming tubig o iba pang fluid bago kumain para hindi mawalan ng ganang kumain. Baka umubra rin ang pag-inom ng tubig 30 minutes pagkatapos kumain. 
    • Kahit sinasabing snack o merienda lang, dapat masustansya pa rin ang kinakain. Mainam daw ang nuts, peanut butter, cheese, dried fruits, at avocados pati na para sa bedtime o midnight snack.
    • Magdagdag ng “extra” sa mga pagkain, tulad ng cheese sa scrambled eggs at cream sa soup.
    • Magkaroon ng exercise regimen na tutok sa strength training. Titibay na ang buto, gaganahan ka pang kumain at sundin ang tips para tumaba.
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close