This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
Para sa isang babae, normal lamang sumailalim sa maraming pagsusuri upang makasigurong maayos ang lagay ng kaniyang reproductive system. Ilan sa mga pagsusuring ito ang pap smear, mammogram, at physical exam. Bilang babae, kailangang maging masipag ka sa pagpapatingin sa iyong reproductive system. Ngunit kung wala kang buwanang checkup, narito ang isang gabay sa vaginal discharge para malaman mo kung normal pa ba ang lumalabas sa iyo.
Para sa mga babaeng maaari ng manganak, normal lamang ang vaginal discharge. Ito ay fluid na ginagawa ng iyong katawan upang ilabas ang dead cells at bacteria na magpapanatiling malinis sa vagina at cervix. Ang vaginal discharge din ay magandang indikasyon kung maayos ba ang iyong reproductive system.
Kung gusto mong malaman ibig sabihin ng iyong vaginal disharge ngunit nahihiya kang pumunta sa doctor, narito ang isang komprehensibong guide:
Clear/white
Kung puti (leukorrhea) ang nakikita mong discharge, ibig sabihin nito'y maayos ang lagay ng iyong vagina. Mapapansin mong mas dumarami ang iyong discharge kapag malapit ka na sa iyong ovulation o sa mga unang buwan ng iyong pagbubuntis. Pagdating sa pakikipagtalik, nakakatulong ang vaginal discharge upang padulasin ang iyong vagina. Hanggat walang mabahong amoy na kaakibat sa iyong puting discharge, wala kang dapat ipag-alala. Ngunit, kung napapansin mong buo-buo ang lumalabas at hindi na parang mucus, kailangan mo nang magpatingin para makita kung ito ba ay yeast infection.
Yellow
Bagaman tinuturing na normal ang dilaw na disharge, maaari din itong maging indikasyon ng ilang bagay tulad ng pagbabago sa iyong diet o di naman kaya ay sa mga vitamins na iyong iniinom. Maaari din itong indikasyon ng sexually transmitted infection.
Hindi normal na magkaroon ng green na vaginal disharge. Maaari itong maging sintomas ng bacterial infection tulad ng Trichomoniasis or Chlamydia na nagagamot ng antibiotics. Kung hindi mo ipapacheckup ang ganitong sitwasyon, maaari itong maging sanhi ng HPV.
Pink/red
Kung malapit na ang iyong monthly period, ang pinkish discharge ay maaaring indikasyon lamang na magsisimula na ang iyong regla. Kung kagagaling mo naman sa panganganak, maaaring ang pulang discharge ay lochia. Kalimita'y mapapansin mo ito apat na araw pagkatapos mong manganak. Sa ibang pagkakataon naman, maaaring ang pinkish discharge ay implantation bleeding. Nangyayari ito early on sa isang pregnancy, kapag kumakabit ang fertilized egg sa lining ng matris.
Brown
Maaaring brown ang maging discharge mo kung patapos na ang iyong regla. Sa ibang pagkakataon, maaari itong maging indikasyon ng infection. May ibang babae na nararanasan ang brown discharge dahil sa oral contraception pills.
Paano panatilihing malusog ang iyong vagina
Pagdating sa iyong vagina, hindi rin makakabuti kung masyado itong malinis. Ang iyong vaginal discharge ay mayroong protective bacteria na tumutulong panatilihing malinis ang iyong vagina. Kalimitan, ang pag-gamit ng cleansers o douche ay nagpapataas ng risks para magkaroon ka ng infection.
Maging aware sa iyong katawan. I-monitor mo kung may mga bagay man na kakaiba mula sa iyong nakasanayan.
Gumamit ng proteksyon kung ikaw ay makikipagtalik.
Laging magpa-checkup sa iyong ob-gynecologist regularly.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!
You're almost there! Check your inbox.
We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.