vaccines,vaccinations,sc23,vaxcert,Paano Makakuha Ng Vaxcert Online? | Smart Parenting,vaxcert, philippines, travel, visa, documents, vaccine, proof of vaccination, immigration, covid, no vaccine,Ito ang lahat ng kailangan mong malaman para makakuha ng vaxcert sa Pilipinas.
HealthYour Health

GUIDE: Paano Makakuha Ng VaxCert Online, Plus—Mga Dapat Mong Malaman

Ito ang lahat ng kailangan mong malaman kung ikaw ay nag-aapply ng VaxCert.
PHOTO BYADOBE AND PHILIPPINE INFORMATION AGENCY

Habang patuloy ang mabagal na pagbangon ng ating ekonomiya, tuloy-tuloy ring bumabalik na sa normal ang ating pamumuhay matapos ang COVID-19 crisis. 

Inanunsyo ngayong buwan ng Department of Health (DOH) ang updated vaccine certificate guidelines para sa inbound at outbound travelers. Mahalagang mga dokumento pa rin ang vaccination card at vaccination certificates ngunit ayon sa DOH, hindi na kailangang ipakita ng pasahero ang vaccination status at vaccination certificate para sa Covid-19 sa international arrivals. Lahat ng dumarating na international travelers ay tatanggapin anoman ang kanilang vaccination status. 

Sa tinatawag na new normal, inaasahang nabakunahan na ang karamihan sa mga Pilipino. Sa pamamagitan ng vaccination certificate, mapatutunayang ang isang indibidwal ay may full vaccination laban sa Covid-19. Kailangan din ito kapag bibiyahe palabas ng bansa bukod sa tinatawag na International Certification of Vaccination (ICV) kaya kailangan pa ring alamin kung paano makakukuha ng vaccine certificate online.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11525, na kilala rin bilang Covid-19 Vaccination Program Act of 2021, itinalaga sa Department of Health (DOH) ang responsibilidad na mag-issue ng Covid-19 vaccination cards sa lahat ng mga nabakunahan na laban sa nasabing virus. 

Taong 2022 naman nang ilunsad ng Department of Health (DOH) at ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang VaxCertPH. Sa nasabing website maaaring makakuha ng digital na kopya ng iyong vaccine certificate. Nakapagbibigay rin ang online portal ng mas standard vaccine certificate na magagamit ng mga taong bumibiyahe. 

Ang VaxCertPH ay opisyal na digital vaccination certificate ng mga Pilipino at foreigners na nagpabakuna laban sa Covid-19. Maaari itong magamit para sa international at domestic travel, alinsunod sa guidelines mula sa World Health Organization Digital Documentation of Covid-19 Certificates (DDCC). Self-service portal ito na gumagamit sa mga vaccination data na isinumite ng Local Government Units sa tulong ng Vaccine Operations Reporting System (VORS) ng mga LGUs sa buong bansa. Mayroon itong request and creation feature at nakapag-ge-generate ng QR (Quick Response) code na nakapag-o-authenticate sa certificate. Maaari ding makapag-request ng updates sa records kung may mali o nawawalang impormasyon.

Tatalakyin natin dito ang step-by-step na proseso sa pagkuha ng vaccine certificate online. 

watch now

Step-by-step guide sa pagkuha ng VaxCertPH

1. Puntahan ang opisyal na VaxCertPH website.   

Pagdating sa website ng VaxCertPH, may dalawang opsyong mapagpipilian. Una, ang makapag-request para sa Vaccination Certificate. I-click lamang ang Continue.

Ikalawa, ang makapag-verify ng Covid-19 Vaccination Certificate QR code. I-scan lamang ang code o button.
Sa ibaba, maaari ding ma-track ang iyong request status.

2. Para sa mga kukuha ng sertipiko at nag-click ng Continue: 

Basahin ang Data Privacy Statement bago i-check ang I have read and agreed to the Privacy Statement at i-click ang CONTINUE.

Tandaan ding dapat ihanda ang Vaccination card at isang valid Government ID. 

3. Sagutin ang mga tanong na makikita mo sa iyong computer o mobile screen:

Were you vaccinated more than 48 hours ago for any of your doses?

Are you using this for International Travel?

4. Ilagay ang iyong personal details

  • Apelyido o Last Name
  • First Name
  • Middle Name (optional)Suffix (kung mayroon)
  • Petsa ng Kapanganakan

Sakaling walang rekord na lumabas, posibleng hindi nagtutugma ang records na inilagay mo sa nasa database o hindi pa ito na-a-upload ng inyong LGU.

I-type rin ang CAPTCHA code.

5. I-type at i-review ang iyong vaccination details

  • Vaccination Site (LGU) at Petsa ng first dose
  • Vaccination Site (LGU) at Petsa ng second dose
  • Vaccination Site (LGU) at Petsa ng booster dose 
  • Vaccination Site (LGU) at Petsa ng second booster dose 

Tandaang maaaring mag-sign up kung mahigit  48 oras na matapos makapagpabakuna ng second dose. Ang validity naman ng sertipiko ay magsisimula matapos ang 14 na araw. Isa sa updates sa certificate ang booster kung kaya't maaaring kumuha ng updated version kung wala ka pang kopya nito. I-click ang GENERATE VACCINATION CERTIFICATE button.

6. Rebyuhin ang mga detalyeng inilagay.

Kung mayroong mga maling impormasyon i click ang Update Record.

7. I-download ang iyong Vaccination Certificate. 

Sa vaccination certificate nakalagay ang iyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, at ang DOH bilang issuer ng sertipiko. Maging ang petsa at oras ng pag-generate ng vaccine certificate ay makikita rin dito. Narito din ang Certificate ID at secure na QR code.

Ilan pa sa detalyeng dapat tingnan ang dose number, petsa ng pagpapabakuna, uri ng bakunang natanggap, brand o manufacturer nito, lot number, at bansa kung saan ka nabakunahan.  

Vaxcert: mga dapat mong malaman

Iisa lang ba ang VaxCertPH at ang ICV (prophylaxis) o yellowbook? Hindi. 

Ang International Certification of Vaccination (ICV), kilala rin bilang  YELLOW BOOK o YELLOW CARD, na issued ng Bureau of Quarantine (BOQ) at kinikilala ng World Health Organization (WHO) ay iba pa sa VaxCertPH. 

Kung ikaw ay bibiyahe abroad, kailangang alamin kung anong uri ng sertipiko ang required o hinihingi sa bansang pupuntahan. May mga bansang ICV ang hinahanap. 

Malaking tulong na ang pag-access sa mahahalagang dokumento at serbisyo ay maaari nang gawing online. Isa nga sa mga ito ang vaccination certificate. 

Tandaan lamang ang mga nabanggit na hakbang sa pagkuha ng vaxcert online at siguraduhing wasto ang mga nakalagay na impormasyon dito. 

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close