breastfeeding,minerals,Tagalog,greener,zinc deficiency,Zinc Deficiency | Smart Parenting,mineral, dietary supplement, supplement, zinc, zinc deficiency, breastfeeding moms,Mga nagpapadedeng nanay, o breastfeeding moms, ang pinakaapektado ng zinc deficiency sa Pilipinas, ayon sa pag-aaral.
HealthYour Health

Breastfeeding Moms Ang Pinakaapektado Ng Zinc Deficiency Sa Pilipinas, Ayon Sa Pag-Aaral

Ano ang zinc at mga benepisyong dulot nito sa katawan?
PHOTO BYfreepik

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kumpara sa ibang vitamins at minerals, hindi masyadong kilala ang zinc ng maraming tao. Pero napakahalaga nito sa kalusugan, lalo na sa mga buntis at kabataan. Kaya kung may kakulangan sa nutriyon na ito, o zinc deficiency, magkakaroon ng epekto sa pangangatawan.

Mga dapat malaman tungkol sa zinc

Ang zinc ay isang trace mineral. Ibig sabihin, ayon sa Harvard School of Public Health, kaunting dami lang ang kailangan ng katawan. Pero hindi puwedeng mawala ang zinc sa halos 100 na enzymes para magawa ang trabaho nilang magkaroon ng vital chemical reactions.

Malaki rin ang papel na ginagampanan ng zinc sa:

  • Paggawa ng deoxyribonucleic acid (DNA)
  • Paglago ng cells
  • Paggawa ng mga protina
  • Paghilom ng mga napinsalang tissues
  • Pagsuporta sa malakas na immune system

Kaya kailangan ang sapat na zinc sa katawan sa mga panahon ng mabilis na paglaki, o growth, gaya ng pagbubuntis at kabataan. Kailangan din ang zinc para mapigilan ang birth defects, ayon sa Stanford Medicine.

May kinalaman rin ang zinc sa:

  • Pang-amoy at panlasa
  • Maayos na paggana ng insulin
  • Pagtatag ng mga buto at ngipin
  • Pagpapalit ng carbon dioxide sa pagitan ng mga baga (lungs) at daluyan ng dugo (bloodstream)
  • Maayos na enzyme function sa atay (liver) at bituka (intestine)

Sinasabi ring nakakatulong ang zinc sa paggaling ng mga sugat at sipon (common cold) ngunit kulang pa ang mga pag-aaral para dito.

    Gaano karaming zinc ang kailangan ng katawan?

    Narito ang recommended dietary allowance (RDA):

    • Mga sanggol (0 hanggang 6 buwan): 2 mg
    • Mga sanggol (7 buwan hanggang 1 taon): 3 mg
    • Mga bata (1 hanggang 3 taon): 3 mg
    • Mga bata (4 hanggang 8 taon): 5 mg
    • Mga bata (9 hanggang 13 taon): 8 mg
    • Mga kalalakihan (14 hanggang 18 taon): 11 mg
    • Mga kababaihan (14 hanggang 18 taon): 9 mg
    • Mga kalalakihan (19 taon pataas): 11 mg
    • Mga kababaihan (19 taon pataas): 8 mg
    • Mga buntis (14 hanggang 18 taon): 12 mg
    • Mga buntis (19 taon pataas): 11 mg
    • Nagpapadedeng nanay (14 hanggang 18 taon): 13 mg
    • Nagpapadedeng nanay (19 taon pataas): 12 mg
    watch now

    May mga kondisyong medikal na nangangailangan ng mas mataas na dami ng zinc sa katawan. Kabilang ang mga sumusunod:

    • Down syndrome
    • Sickle cell, thalassemia, at iba pang mga uri ng anemia
    • Acrodermatitis enteropathica (isang namamanang sakit na apektado ang balat, buhok, at intestinal tract
    • Matinding pagkapaso o sunog ng balat
    • Diabetes
    • Pagkakaroon ng stress o trauma sa mahabang panahon
    • Paggamit ng water pills (diuretics) sa loob ng mahabang panahon

    Walang kakayanan ang katawan na gumawa ng zinc, kaya nakukuha lang ang ganitong sustanya mula sa pagkain. Kabilang sa mga pagkain mayaman sa zinc ang mga sumusunod:

    • Talaba (oysters)
    • Karneng baka (beef)
    • Fortified breakfast cereals
    • Oats
    • Buto ng kalabasa (pumpkin seeds)
    • Karneng baboy (pork)
    • Keso (cheddar)
    • Hipon (shrimp)
    • Lentils
    • Sardinas (canned in oil, drained with bones)

      Mga dapat malaman tungkol sa zinc deficiency

      Pangkaraniwan ang zinc deficiency, lalo na sa mga bansang umuunlad pa lang (developing countries). Sa Pilipinas, halimbawa, tinatayang 30 percent ng mga mamayanan ang kinukulang sa zinc. Ito ay ayon sa pag-aaral na ginawa noong 2015 ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST).

      Pinakaapektado ng zinc deficiency ang mga nagpapadedeng nanay (39.7%), lalo na iyong nasa unang anim na buwan ng pagpapadede (45.6%). Sumunod ang mga kalalakihan, partikular sa mga may edad 70 pataas (39.5%).

      Maaaring mamana ang zinc deficiency, at puwede rin itong dulot ng ibang mga sanhi, ayon naman sa isang pag-aaral na nailathala sa United States National Library of Medicine.

      Nahahati sa dalawang kategorya ang sanhi ng zinc deficiency:

      1. Nutritional

      Ibig sabihin, hindi sapat ang nakokonsumong pagkain na mayaman sa zinc.

      2. Chronic illnesses

      Mga halimbawa nito ang mga sakit sa tiyan at panunaw (chronic gastrointestinal diseases), pati na sakit sa atay (atay) at bato (kidney). Idagdag pa ang diabetes at sickle cell diseasekidney disease. Kasama rin ang labis na pag-inom ng alak at pagkakaroon ng human immunodeficiency virus (HIV) infection, o pang uri ng infection na pabalik-balik.

      Mga sintomas ng zinc deficiency

      Nagbabago ang mga sintomas depende sa edad ng pasyente:

      1. Sa mga sanggol at bata:

      • Pagtatae (diarrhea)
      • Walang ganang kumain
      • Napipigilan ang paglaki
      • Pagkakaroon ng reproductive problems pagdating ng adolescence

      2. Sa older children:

      • Paglalagas ng buhok
      • Napipigilan ang paglaki
      • Madalas tamaan ng infection

      3. Sa adults:

      • Matagal na paggaling ng sugat
      • Pagbabago sa cognitive at psychological function
      • Pagbabago sa pang-amoy at panlasa
      • Pagputok at pagkatuyot ng balat

      Diagnosis at treatment

      Kung nakakaramdam ka ng mga sintomas, mahalaga na kumonsulta sa doktor para matukoy ang sanhi nito. Maaaring pakuhain ka ng blood test, pero hindi ito reliable kung mild deficiency pa lang, ayon sa Health Direct ng Australia.

      Isa sa mga pinakamainam na paraan para malaman kung meron ngang zinc deficiency ay ang pag-inom ng supplement at obserbahan kung gagaling ang mga sintomas. Kung may sintomas na pagputok at pagtuyot ng balat sanhi ng zinc deficiency, halimbawa, kadalasang nawawala ito 72 oras pagkatapos magsimulang uminom ng zinc supplement.

      Basahin dito ang tungkol sa folic acid deficiency at dito para sa vitamin D deficiency.

      Trending in Summit Network

      lorem ipsum

      Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

      Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
      Read more
      lorem ipsum

      Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

      Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
      Read more
      lorem ipsum

      Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

      Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
      Read more
      Close