;
embed embed2
Delikado Ang Mga Bata Sa Food Poisoning: 5 Paraan Para Maiwasan Ito
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag napakainit ng panahon, napakadaling masira ang pagkain. Ang problema, panay naman ang blackout dahil sa taas ng konsumo ng kuryente. Kaya kung hindi babantayan ang ipapakain, lalo na sa mga bata, maaaring mauwi sila sa hindi natunawan, food poisoning, at ilan pang mga uri ng sakit sa tiyan.

    Ano ang food poisoning?

    Kilala rin ang food poisoning sa tawag na foodborne illness. Apektado nito ang tinatayang 600 million na tao sa buong mundo, ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO), at one-third sa mga pasyente ay mga batang 5 years old pababa. Sa 420,000 na namamatay mula sa matinding food poisoning kada taon, tinatayang 125,000 sa mga namamatay ay preschoolers o mas bata pa.

    Ayon pa sa ulat ng WHO, pangkaraniwan ang food poisoning sa mga bansang may mababa at katamtamang kita (low-and middle-income). Kaakibat ng food poisoning ang problema sa:

    • Kakulangan sa malinis na inuming tubig
    • Paggamit ng hindi malinis na tubig sa pagluluto ng pagkain
    • Hindi pagsunod sa proper hygiene
    • Kakulangan sa tamang kondisyon sa paggawa at pagi-imbak ng pagkain
    • Mababang antas ng kaalaman at edukasyon
    • Kakulangan sa mga batas at panuntunan hinggil sa ligtas na pagkain

    Paliwanag ng mga eksperto na ang hindi ligtas at malinis na preparasyon sa pagkain ay maaaring magdulot ng contamination sangkot ang:

    • Bacteria
    • Viruses
    • Parasites
    • Toxins

    Kapag nakakain, halimbawa ang iyong anak, ng kontaminadong pagkain, magdudulot ang contaminants ng food poisoning. Kabilang sa pinakakaraniwang foodborne illnesses ang:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Salmonella
    • Norovirus
    • E.coli
    • Campylobacter

    Mga sintomas ng food poisoning

    Maraming kaparehong sintomas ang food poisoning sa mga pangkaraniwang sakit, tulad ng diarrhea, at sa mga nakakamatay na kondisyon, gaya ng organ failure. Ito ang paalala ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

    Kabilang sa mga sintomas ang mga sumusunod:

    • Pagsakit ng tiyan
    • Pagkahilo
    • Pagsusuka, pagdudumi, o sabay at madalas
    • May kasamang dugo ang dumi
    • Mataas ang lagnat
    • Dehydration

    Seryosong usapan ang food poisoning, lalo na sa mga delikado ang kalusugan. Paliwanag ng CDC na kapag mga maliliit ng bata, buntis, matatanda, at mahina ang immune system ang nakakain ng kontaminado, mataas ang tyansang magkasakit sila nang malubha. Maaaring mauwi sa miscarriage ang pinagbubuntis at kidney failure para sa iba pang vulnerable persons. Kaya mainam na komunsulta sa doktor.

    Paano maiiwasan ang food poisoning?

    Malaki ang papel ng ginagampanan ng mga magulang para maiwasan ang food poisoning sa mga bata. Kaya payo ng mga eksperto na maging mapanuri at maingat sa pagbili, paghahanda, pagluluto, at pagi-imbak ng pagkain.

    Makakatulong ang guidelines kung ano ang food poisoning mula sa CDC at sa U.S. Food and Drug Administration (U.S. FDA), pati na sa Philippine Food and Drug Administration (FDA):

    Magsimula sa kung saan at kung paano bumibili ng pagkain

    Mainam na suriin kung malinis ang itsura at amoy ng lugar na bibilhan ng pagkain. Obserbahan din kung sumusunod ang food establishment sa mga tamang paraan ng paghahanda ng pagkain. Kung pipili ng pagkain, lalo na kung frozen, piliin iyong tama ang packaging at basahin ang expiry date (basahin dito ang pagkakaiba ng best before date).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagkatapos bumili ng nasisira kaagad o perishable goods, kaagad na umuwi. Hindi kasi dapat hinahayaan ang perishable goods sa room temperature nang lampas sa dalawang oras, ayon sa U.S. FDA. Pero hanggang isang oras na lang kung umabot na ang temperature sa 32° C. Alalahanin na dumadami ang nakakapinsalang bacteria sa pagitan ng 4-degree C at 40-degree C.

    Ugaliin ang kalinisan

    Bago humawak ng pagkain, maghugas ng kamay kahit pa gagamit ng utensils. Maghugas maiigi sa bawat sulok ng mga kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 2 segundo. Siguraduhin na malinis ang utensils at surfaces sa kusina. Hugasan din ang mga prutas at gulay kahit pa balak mong balatan ang mga ito.

    Ihiwalay ang hindi luto (raw food) sa mga sariwa (fresh) at ready-to-eat na pagkain para makaiwas sa "cross contamination," sabi ng CDC. Baka raw kasi kumalat ang germs mula sa hilaw na karne (raw meat), manok, seafood, at itlog sa iba pang biniling pagkain. Kaya kung maaari, gumamit ng magkaibang chopping board para sa raw meat at para sa prutas at gulay.

    Lutuin maigi ang pagkain

    Mapapatay ang bacteria sa pagluluto nang tamang temperature. Hindi sapat na mukhang luto ang pagkain. Kailangan talagang mainit nang mamatay ang bacteria, virus, parasites, at toxins. Kung ground meat, dapat umabot ang temperature sa 71° C, at 74° C para sa manok at itlog.

    Lutuin ang isda hanggang maging opaque ang itsura nito at madaling matinidor ang laman nito. Para sa itlog, dapat ubo at hindi malabsa ang parehong puti at pulang parte.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gawin ang tamang pagi-imbak ng pagkain

    Alinsunod sa general rule of thumb, kailangan panatiliing mainit ang pagkaing mainit at malamig naman ang talagang malamig na pagkain. Suhestiyon ng U.S. FDA na ilipat ang frozen food mula sa freezer patungo sa ibaba ng refrigerator at hintaying matunaw ang yelo doon. Huwag daw idiretso sa labas ng refrigerator, tulad sa may kitchen counter o di kaya sa lababo.

    Kapag natunaw na ang frozen food, lutuin na ito kaagad at huwag nang ibalik sa freezer. Siguraduhin naman na 4-degree C ang refrigerator at mas mababa pa sa freezer nang maiwan kung ano ang food poisoning.

    Basahin dito para sa mainam na gawin kapag tinamaan ng food poisoning ang bata.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles