embed embed2
Labis Na Pangangati Ng Balat Ang Dulot Ng Galis Aso: Mga Paraan Para Magamot At Makaiwas
PHOTO BY freepik/user3802032
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang galis aso, o scabies sa English, ay isa sa mga sakit sa balat. Mula ito sa mga maliliit na parasitikong kulisap na tinatawag na mites at may scientific name na sarcoptes scabiei.

    Namamahay ang mites na ito sa ilalim ng balat ng tao at doon nangingitlog. Sa loob ng 10 hanggang 17 araw nagiging adults ang mga itlog. Sa loob ng makakapal at nagbabakbak na balat, naroon ang libo-libong mites at mga itlog nito.

    Matinding pangangati lalo na sa gabi ang naidudulot ng galis aso, na kilala rin bilang kurikong sa balat. (Basahin dito nang malaman ang itsura ng kurikong.) Nagkakaroon ng pantal sa balat (skin rash) na tila tikyawat ang itsura. Madalas na buong katawan ang naaapektuhan ng scabies.

    Kaya payo ng mga eksperto na maging alerto at maagap dahil maaaring tumagal nang 1 hanggang 2 buwan sa katawan ng tao ang mites na ito.

    Mga uri ng galis aso

    Mayroong dalawang uri ng scabies: ang crusted at ang non-crusted.

    Bukod sa mabilis ang pagkalat ng crusted, na tinatawag ding Norwegian, scabies, isa rin itong malalang uri ng scabies sa mga taong may mahihinang immune system kagaya ng elderly, disabled, o debilitated. Kahit sa mabilis na handshake o yakap, maaari nang makapag-transmit ng sakit na ito. Labis na nakahahawa ang ganitong uri ng galis aso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sintomas ng galis aso

    Kapag mayroon scabies mites sa unang pagkakataon, nasa loob ng 2 hanggang 6 na linggo bago lumabas ang mga sintomas. Kung dati nang nagka-galis aso, isa hanggang apat na araw lamang ay lalabas na ang mga sintomas.

    Nagiging kapansin-pansin ang mga sumusunod:

    • Paltos (blisters o bumps)
    • Binutas na balat na tila tunnel ang itsura (burrow tracks)
    • Balat na kumakapal, nangangaliskis, mukhang kinalmot, at nagbabakbak
    • Sa mga bata, nagiging iritable rin at mahirap pakainin o painumin ng gatas

    Ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), karaniwang sa mga bahagi ng katawan nagkakaroon ng skin rash ang mga mas may edad nang mga bata at adults:

    • Sa pagitan ng mga daliri 
    • Pulso (wrist)
    • Siko
    • Kili-kili
    • Nipple
    • Baywang
    • Puwet
    • Shoulder blades

    Pagdating sa mga sanggol at mga bata, pinakaapektado naman ang kanilang:

    • Ulo
    • Mukha
    • Leeg
    • Mga palad
    • Talampakan

    Paano nagkakaroon ng galis aso ang bata?

    Nakahahawa ang galis aso at mabilis na kumakalat sa mga bahagi ng katawan kung saan may mataas na  close physical contact. Kung minsan, nakukuha rin ito sa personal na mga gamit tulad ng damit, tuwalya, kumot, at iba pang isinusuot o dumidikit sa balat ng taong infected nito.

    Paano maiiwasan ang alis aso?

    Upang hindi magkaroon ng scabies ang iyong anak, iwasan ang physical contact sa taong mayroon nito. Iwasan din ang matataong mga lugar.

    Paalala ng mga eksperto na maaaring makahawa ang taong may scabies kahit wala pa siyang nararamdamang mga sintomas. Hangga't hindi pa nagagamot ang pasyente, tuloy-tuloy rin siyang makapagta-transmit ng sakit na ito sa iba.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Diagnosis at treatment

    Una, sinusuri ng doktor ang clinical symptoms ng pasyente. Tinitingnan din ang hitsura at distribusyon ng rash, pati na ang presensya ng tinatawag na burrows, na tila tunnel ang itsura ng butas sa balat. Mayroon ding skin scraping sa ibang mga kaso.

    Pagkatapos, tutukuyin ng doktor kung mayroong mites, itlog, o fecal matter mula sa burrow sa pamamagitan ng microscopic examination.

    Tandaang maaari pa ring infested ang isang tao kahit walang nakikitang mites, itlog, o fecal matter. Kailangang maging mabusisi ang pagsusuri.

    Para tuluyang magamot ang galis aso, kailangang mawasak nang tuluyan ang mga itlog ng mites bago masabing cleared na ang isang pasyente sa sakit na ito. 

    Topical creams na makapapatay sa mites ang inirereseta ng doktor. Kailangang sumailalim din sa gamutan o treatment ang mga taong kasama sa bahay at iba pang malapit sa may scabies upang masiguro na walang nahawa o mahahawaan pa.

    Ayon pa sa CDC, kailangang ma-decontaminate rin ang mga bedding, damit, at mga tuwalya ng infested patients. Kailangang labhan sa mainit na tubig at patuyuin ang mga gamit na ito o ipa-dry clean.

    Maaari ring itago ang mga gamit na hindi malalabhan sa isang sealed plastic bag sa loob ng 72 na oras. Linisan nang mabuti ang mga silid sa loob ng bahay.

    Ang mild case ng scabies ay nagagamot gamit ang medicated skin cream o lotion na reseta ng doktor. Mahalaga rin ang hot water bath at paggamit ng angkop na sabon. 

    Pagdating sa mga sanggol at bata, kailangang pahiran ng scabicide lotion o cream ang buong ulo at leeg dahil naaapektuhan din ng scabies ang mukha, anit, at leeg at iba pang mga bahagi ng katawan. Nakatutulong din ang paggupit sa kuko ng mga bata at paglalagay ng lotion sa kanilang fingertips.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Permethrin o sulfur ointment lamang ang puwedeng gamitin sa mga sanggol, ayon pa sa mga eksperto. Ipahid ang permethrin sa gabi at banlawan sa umaga. Palipasin ang isang linggo bago ito muling gamitin.

    Naaprubahan ang paggamit ng permethrin para sa mga sanggol na dalawang buwan at higit pa. Iwasan ang bahagi ng bibig at mata kapag sa mga bata ito ilalagay.

    Ang pangangati ay sanhi ng reaksyon ng katawan sa mites at maaaring tumagal sa loob ng ilang araw at linggo matapos ang sapat na treatment.

    Tandaang mainam ang pagkonsulta sa doktor kapag nakaramdam o may nararanasang sintomas ng galis aso ang iyong anak at kung mayroong pamumula, pamamaga, o pagkakaroon ng nana.

    Basahin dito ang iba pang mga uri ng sakit sa balat.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close