-
Sobrang Kati Naman! Maaaring Fungal Infection Pero Buni o An-An?
Kalaban ang buni at an-an kapag mainit o maalinsangan panahon.
- Shares
- Comments

Mga rashes, skin infection, patse-patse sa balat, pangangati ay ilan sa mga madalas na maranasan kapag may sakit sa balat gaya ng buni at an-an. Ngunit ano nga ba ang dalawang sakit na ito sa balat? Paano ito nakukuha?
Ang buni (ringworm sa English) at an-an (tinea versicolor sa English) ay parehong fungal infection sa balat at maaari itong matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng mga ganitong sakit sa balat kapag mainit o maalinsangan ang panahon at pawisin ang isang tao, sensitibo ang kaniyang balat saka mahina ang kaniyang immune system.
Kaibahan ng buni at an-an
Ang buni ay karaniwan na lumalabas sa balat ng matatanda. Ang sanhi nito ay ang human dermatophytes na nasasalin sa pagdidikit ng balat ng tao. Oo, nakakahawa ang buni. Mas mabilis mahawa ng buni kapag may direktang kontak sa katawan ng ibang tao na may sakit nito o kaya sa hayop na infected nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBilog na patse sa balat ang itsura ng buni. Kulay pula siya na mas matingkad ang nasa palibot nito at bahagyang nakaangat sa balat. Karaniwan na tumutubo ito sa mukha, braso, hita, o singit.
What other parents are reading
Samantala, ang an-an ay sanhi ng malassezia na isang uri ng yeast na namamahay sa balat at lumalabas kapag naging aktibo ito. Isa rin itong patse-patseng marka sa katawan na maaaring maputi o maitim na kulay. Madalas na naapektuhan nito ang likod, dibdib o balikat. Hindi naman ito nakakahawa dahil nasa loob ng balat ng yeast. Kadalasan ang mga kabataan ang nagkakaroon ng ganitong kalagayan sa balat lalo na kapag matindi ang init ng panahon. Ang pagkakaroon din ng matinding exposure sa araw ay nagpapalala ng kalagayan nito.
Hindi masakit o kaya nama’y delikado na nakamamatay ang pagkakaroon ng buni at an-an. Ngunit, nakapagdudulot ito ng discomfort dahil sa pangangati. Nagiging sanhi rin eto ng pagkahiya at kawalan ng tiwala sa sarili dahil sa nagiging epekto nito sa hitsura at kulay ng balat.
CONTINUE READING BELOWwatch nowBagama't nawawala naman ang mga fungal infection na ito sa balat kapag malamig ang panahon, lumalala sila kapag matindi ang tag-init o maalinsangan na panahon. Para mabawasan ang kaso ng pagkalat o pagdami nito, maaaring lagyan ng mga over-the-counter o mga generic na mga antifungal cream, ointment, lotion at gumamit ng mga sabon na panlaban sa mga ganitong sakit sa balat.
What other parents are reading
Gamot sa buni at an-an
Pero bago magpahid ng mga ointment o cream, tiyakin na malinis o nahugasang mabuti ang bahagi na lalagyan. Mahalagang basahin ding mabuti ang direksyon kung paano at gaano kadalas gamitin ang mga ointment o cream. Kalimitan na isa o dalawang beses lamang kada araw ang paglalagay ng mga ganitong ointment o cream sa loob ng isa o dalawang linggo. Kapag naglalapat na ng mga ganitong paunang lunas, ngunit wala kang nakitang pagbabago, mahalaga na komunsulta agad sa doktor para maresetahan ng angkop na gamot. Mas mainam din kung magagabayan ng dermatologist sa paggagamot.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga ointment o cream sa balat ay karaniwan na mahal o mataas ang presyo. Kung walang sapat na budget, may mga naniniwala sa mga alternatibong paraan ng paggamot o natural remedies sa ganitong sakit. Halimbawa, nakakatulong daw ang apple cider vinegar sa buni dahil sa kanyang antifungal properties. Ani Healthline, ipahid ng dahan-dahan ang bulak na may undiluted apple cider vinegar sa parte na may buni ng tatlong beses sa isang araw.
Maaari din daw daw gamutin ang buni at an-an ng eucalyptus o tea tree oil kapag hinaluan ng kaunting tubig bago ipahid sa balat. May babala lamang ang mga eksperto pagdating sa essential oils kung susubukan ito. Para ma-test na walang allergy ang inyong anak o kayo, payo ni Healthline na lagyan ang essential oil na gagamitin ng tatlo hanggang limang patak ng tubig kada isang ounce ng olive or mineral oil. Ipahid siya sa balat na walang an-an o buni. Maghintay ng 12 to 24 oras, at kung walang maging masamag reaction, dapat at ligtas ito para gamitin sa inyong impeksyon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung gagamit ng home remedies, magandang komunsulta sa inyong pediatrician upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon sa halip na maibsan ang impeksyon sa balat.
What other parents are reading
Paano maiwasan ang buni at an-an
Kailangan na panatilihing malinis ang katawan, palagiang maghugas ng kamay, palitan nang madalas ang ginagamit na kumot at tuwalya, huwag maghiraman o ipahiram ang mga personal na gamit, at magsuot ng malalamig na damit at paggamit ng mga pang-absorb ng pawis. Posible kasing bumalik ang buni at an-an sa balat lalo na kapag mainit ang panahon kaya uminom ng maraming tubig at kumain ng masustansiyang pagkain.
Bukod pa sa mga nabanggit, makatutulong din ang sumusunod para maiwasan ang pagkakaroon ng mga fungal infections na ito:
- Iwasan ang mga produkto na magdudulot ng oily skin.
- Bawasan ang pagbibilad sa araw.
- Kung hindi maiiwasan na maarawan, gumamit ng mga sunscreen lotion.
- Huwag magsuot ng mga damit na masisikip.
- Magsuot ng mga malalambot o cotton na damit.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapag talagang matindi ang impeksyon at matagal na hindi nawawala, makabubuti ang pag-inom ng antifungal na gamot ngunit kailangan ang pagkonsulta sa dermatologists para sa tamang prescription.
Sources: WebMd, Mayo Clinic, Healthline
What other parents are reading

- Shares
- Comments