;
embed embed2
  • Madaling Mahilo Sa Biyahe Ang Anak? Magagamit Na Payo Mula Sa Mommies

    Mga kababaihan at batang edad 2 hanggang 12 ang karaniwang nakakaranas ng biyahilo.
    by Jocelyn Valle .
Madaling Mahilo Sa Biyahe Ang Anak? Magagamit Na Payo Mula Sa Mommies
PHOTO BY Shutterstock/suriyachan
  • Bagamat limitado pa ang pagbibiyahe sa ilalim ng community quarantine dahil matindi pa rin ang banta ng COVID-19, may mga pagkakataong kinakailangan na pumunta sa ibang lugar. Huwag lang kalimutan ang gamot sa hilo sa biyahe kung isa ka o ang iyong anak sa mga nakararanas ng ganoong kondisyon kahit hindi kalayuan ang paglalakbay.

    Pagkahilo sa biyahe o motion sickness

    Tinatawag na motion sickness ang pagkahilo sa biyahe o biyahilo. Bunsod ito, ayon sa Cleveland Clinic, ng disturbance sa inner ear, na siya namang nakakaapekto sa sense of balance at equilibrium ng katawan. 

    Kapag naiba ang balanseng iyon, nagkakagulo ang mga mensahe na nakakarating sa brain tungkol sa paggalaw (motion) at ang posisyon ng iyong katawan sa space.

    Nanggagaling ang mga conflicting messages mula sa inner ear, mga mata (kung anong nakikita mo), skin receptors (kung anong nararamdaman mo), pati na sa muscle at joint receptors.

    Kahit na kilala rin ang motion sickness bilang seasickness, maaaring mangyari ito sa iba pang uri ng sasakyan, gaya ng kotse, bus, train, eroplano, at barko.

    Mga kababaihan at batang edad 2 hanggang 12 ang kadalasang nakakaramdam ng motion sickness. Lapitin din ng ganitong karamdaman ang mga taong nagkararanas ng migraine.

    Gamot sa hilo sa biyahe

    Minsan, hindi kaagad umaatake ang hilo sa biyahe. Nagsisimula muna sa pagsama ng pakiramdam, pagkatapos tumutuloy sa pagpapawis (cold sweats), pagkabalisa (nausea), at pagkahilo (dizziness) hanggang humantong sa pagsusuka (vomiting). 

    Karaniwang gamot sa hilo sa biyahe ang over-the-counter at prescription meds. May mga paraan din para maiwasan o maibsan ang biyahilo. Ilan dito ang mga sumusunod:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Huwag magbasa habang nasa biyahe.
    • Huwag kumain ng mamantika o maasim, kabilang na ang pag-inom ng kape.
    • Kumain na lang muna ng dry crackers para tamang may laman lang ang tiyan.
    • Sikapin na uminom ng maraming tubig.
    • Siguraduhing sapat ang tulog bago bumiyahe.
    • Kung may head rest ang upuan, isandal ang ulo upang mabawasan ang paggalaw ng ulo.
    • Subukang tumayo nang makita ang dinadaanan ng sasakyan o ang horizon

    Biyahilo kit

    May mga sariling pamamaraan ang mommies sa Smart Parenting Village Facebook group na nabuo mula mismo sa kanilang mga karanasan.

    Payo ni Gray Chelle D. Yu, na mula pagkabata hanggang ngayon na mayroon ng anak na toddler ay mahilohin, itabi sa isang lalagyan ang mga kakailanganin:

    • Unan para makatulog
    • Small meals nang hindi gutumin pero hindi naman masyadong mabusog
    • Mint candies at mint inhaler

    Dagdag payo ni Gray ang pag-iwas sa air freshener sa sasakyan dahil iyon daw ang numero unong trigger ng pagsusuka. Iwasan din ang pagbabasa at panonood sa cellphone o tablet. Pagmasdan na lang daw ang dinadaanang tanawin.

    Huwag kalimutan ang plastic bag o di kaya tabo

    Kung may bitbit na mga tsikiting, dagdagan ang laman ng biyahilo kit. Kakailanganin ang plastic bag o di kaya maliit na tabo kung, ika nga ni Rena Tamayo Daganta, hindi kayanin ng bata ang hilo at sumuka bigla. 

    Ihanda mismo ang bata sa biyahe

    Para kay Mel Aileen Asaytono, na may 3 kids, mainam na sanayin ang mga anak sa biyahe. Bago daw umalis ng bahay, sinisigurado niyang komportable ang kanilang mga suot, iyong hindi daw naiipit ang tiyan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pinapakain niya nang sapat lang ang mga bata at hindi sosobra sa busog. Iniiwasan naman nila ang paglalagay sa kanilang sasakyan ng air freshener na citrus o matapang ang amoy.  Malaking tulong din daw ang pagdadala ng baby wipes at ointment, pati na ang paglilibang sa mga bata bilang gamot sa hilo sa biyahe.

    Aniya, “Talk to them, distract them. Kasi ganyan ’yong second ko. Papasok pa lang ng sasakyan, naduduwal na. Advance mag-isip. Kasi nga ina-anticipate na niya na masusuka siya.”

    “Pero minsan,” dugtong ni Mel sa komentong tadtad ng emojis, “magtataka ka din, e. ’Yong biyahe na 15 minutes, nasusuka. Pero huwag ka, since kinder field trip hanggang magsilaki na sila, never sumuka sa bus during field trip. The mystery of it.”

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles