embed embed2
Mga Subok Na Gamot Ng Mga Mommy Kapag Nakagat Ng Lamok Si Baby
PHOTO BY Shutterstock
  • Bilang magulang, natural ang pagiging maalaga at maingat sa anak, kahit madapuan man lang ng insekto. Pero sadyang mahirap iyang maiwasan. Kaya nakahanda na, halimbawa, ang gamot sa kagat ng lamok.

    Kuwento ng isang mommy sa Parent Chat community group ng SmartParenting.com.ph: "I'm very worried with my 9-month old baby boy. Masyado yata siyang allergic sa insect bites (lamok, dust mites, tick).

    "Marami sa bahay namin, eh. Kasi every time na may kagat siya, namumula talaga. Ang tagal mag-heal and if mawala na, nangingitim naman."

    Sang-ayon ang isa pang mommy: "Ganyang-ganyan din ang 8-month-old baby ko. I've asked her pedia about it and she told me na ganun daw talaga pag hypersensitive 'yung skin ng baby."

    Bakit may pamamagang hatid ang kagat ng lamok?

    Kadalasan kapag nakagat ng lamok, maging bata o matanda pa, nagkakaroon ng pamumula, pangangati, at pamamantal sa apektadong parte ng balat. Dahil daw ito sa histamine, ayon sa Seattle Children's.

    Gumagawa ang balat ng histamine sa tulong ng immune system bilang reaksyon sa kagat ng lamok o ano pa mang insekto. Pinapataas ng histamine ang bilang ng white blood cell, na kilala rin bilang protector cells, kasabay ng pagbilis ng daloy ng dugo nang sa ganoon ay mapadali ang paghilom ng sugat na natamo ng balat.

    Mga dapat gawin kapag nakagat ng lamok si baby

    Bagamat kadalasang "harmless" ang kagat ng lamok, sabi pa ng medical sources, maaaring maaburido si baby. Makakatulong daw na maibsan ang epekto nito kung gagawin ang mga sumusunod:
    • Hugasan ang apektadong parte ng katawan upang mabawasan ang pamumula at pamamaga.
    • Pahiran ang balat ng calamine lotion at hayaan itong matuyo para guminhawa ang pakiramdam mula sa pamamantal.
    • Subukan na sawayin si baby kapag kinakamot niya ang pantal mula sa kagat ng lamok.
    • Bigyan ng cool compression ang parteng may pantal gamit, halimbawa, ang basang tuwalya nang mabawasan ang pamamaga.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga subok na paraan ng mga mommy bilang gamot sa kagat ng lamok

    Dahil hindi maiiwasan na makagat ng insekto, nakaisip na ng mga paraan ang mommies, lalo na iyong may mga anak na sadyang lapitin ng lamok. Nakahanap naman ng tulong ang iba sa kanila mula sa doktor.

    Saad ng isang miyembro ng Parent Chat, "I've asked the pedia, the best that we can do is pag nag-start pa lang 'yung kagat or 'yung redness, apply agad ng hydrocortizone cream.

    "I use Cortizan or puwede rin 'yung Elica, para di masyadong mangitim. Wala daw kasi gamot sa pangingitim, eh. Pero mawawala naman daw 'yun in 2 to 3 months' time...

    "Tagal nga lang. Naiinis nga ako pag nakikita ko 'yung dark spots sa legs ni baby, eh. Pero 'yung iba naman, nawala na 'yung spots."

    Sabi naman ng isa pang mommy, "Ni-recommend ng pedia ng baby ko 'yung No Bite [insect repellant]...Napansin niya kasi 'yung mga kagat sa binti [ni baby] kaya ayun, nilalagyan ko lang 'yung exposed areas niya every 8 hours."

    Dagdag ng isa pang miyembro ng Parent Chat, "I'm using hydrocort cream for insect bites. Super okay siya." Kaya payo niya sa mga kapwa niya mommy: "Dapat di tayo mawalan no'n lagi."

    May iba namang suhestiyon ang isa pang mommy, "I bought emu oil sa online seller. Madaling makawala ng red marks sa insect bites.  Di ako masyado sa mga ointments, steroidal kasi yan, eh. So far, effective naman siya."

    Sang-ayon ang isa pang mommy sa mas natural na gamot sa kagat ng lamok: "I use Vaseline petroleum jelly for fast relief and healing of insect bites for my baby girl. It also helps reduce the itchiness and helps her not to have any unsightly marks on her skin caused by these insect bites."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles