-
Kailan Nagiging Delikado ang Pagtatae o Diarrhea Sa Mga Sanggol at Bata
Maraming dahilan kung bakit nagkakasakit si baby ng pagtatae.
- Shares
- Comments

Normal ang pagdumi ng tao nang hanggang tatlong beses kada araw ayon sa mga eksperto. Kailangan ang pagdumi upang mailabas ang mga masasamang toxins o bacteria sa ating katawan. Ngunit kapag labis ang bacteria nauuwi ito sa pagtatae o diarrhea. Gayunpaman, kapag naman nailabas na ito, kusang bumabalik sa normal ang pagdumi. Ngunit kailan nga ba ito nagiging delikado? At kailan nangangailangan ng gamot sa pagtatae?
Maituturing na delikado ang diarrhea kapag lumagpas na ang pagdudumi nang tatlong beses sa isang araw at kapag halos tubig na ang inilalabas sa pagdumi. Maaaring maging sanhi kasi ito ng dehydration na mas magiging mapanganib. Itinuturing na acute ang diarrhea kapag tumagal ito ng dalawang linggo at chronic naman kapag lumagpas ng dalawang linggo.
What other parents are reading
Mga dahilan ng pagtatae o diarrhea
May iba’t ibang bagay ang sanhi ng pagtatae o diarrhea. Maaaring nakakain ng pagkain na hindi kasundo ng tiyan lalo na kapag may lactose intolerance gaya ng pagkain ng mga dairy products. Nahihirapan na i-digest kaya matapos kumain nito dumaranas ng diarrhea.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa karanasan ko sa aking baby, nangyari ito sa kaniya nang magpalit kami ng formula milk. Kaya maaaring sanhi din ang pagbabago ng ipinapainom na formula milk sa pagtatae ni baby, depende rin siguro kung saan sila mas hiyang.
Isa pang sanhi ay ang pag-inom ng tubig na hindi malinis at ang pagkakaroon ng bacteria at parasites sa mga pagkain. Iwasan ang pagkain na madaling masira o hindi maayos ang pagkaluto o paghuhugas nito. Mahalaga ang pag-iingat sa mga kinakain at iniinom.
What other parents are reading
Ano ang mga karaniwang sintomas ng pagtatae?
Ang sumusunod ay ilan sa mga nararanasang sintomas ng pagtatae:
- Basa o tubig na pagdumi
- Palagiang pagdumi
- Pananakit ng sikmura
- Pagsusuka
- Pagkakaroon ng lagnat
- Hindi halos na umiihi o maitim na ihi
- May dugo o itim ang kulay ng dumi
- Panunuyo ng mga labi
- Umiiyak ngunit walang pagluha
- Panlalalim ng mata
- Hindi nagpa-flat ang balat matapos pisilin
- Pagkahilo at pagkabalisa
- Pagiging irritable o iyak nang iyak
CONTINUE READING BELOWwatch nowAno ang epektibong gamot sa pagtatae?
Bukod sa pagpapainom ng tubig upang manatiling hydrated ang bata, nakatutulong din ang pagpapainom ng mga oral rehydration solution para maiwasan ang dehydration at mapalitan ang nawawalang electrolytes sa katawan nila. Nakatutulong din ang pagpapainom ng probiotics gaya ng erceflora para magkaroon ng good bacteria sa tiyan.
Bagaman may nabibiling mga gamot na over-the-counter sa mga botika para sa pagtatae, dapat pa ring tandaan na bago painumin ang bata ng anuman lalo na ang gamot mahalaga na kumonsulta sa inyong doktor para makasigurong tama ang ibinibigay sa bata.
Kailan ba dapat kumonsulta sa doktor? Agad na dalhin at ipatingin sa doktor kapag nararanasan ang mga sumusunod:
- Higit na sa dalawang araw ang pagdudumi
- May mataas na lagnat
- Pagkakaroon ng dugo at itim na dumi
- Matinding pananakit ng tiyan at sa puwetang bahagi
- Kakitaan na ng dehydration
Ngunit sa mga bata at sanggol, mabilis ang dehydration kapag may diarrhea kaya ipinapayo ang agarang pagkonsulta sa pediatrician kapag hindi naging mabuti ang pagdudumi ng bata sa loob nang 24 oras. Higit pang lalo kapag may mataas na lagnat at may dugo sa dumi niya. Dagdag pa rito, kapag nadapuan ng bacteria na E.Coli at Salmonella ay maaaring maging delikado sa mga bata kapag hindi naagapan ang pagbibigay ng lunas dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Ano ang dapat gawin para maiwasan ang pagtatae?
Ugaliin ang paghugas ng kamay.
Mahalaga ang paghuhugas ng kamay upang hindi mapalaganap ang anumang bacteria o germs. Sabunin at banlawang mabuti ang kamay. Makabubuti rin ang paggamit ng alcohol-based hand sanitizer matapos maghugas o kapag walang pagkakataon na makapaghugas. Gumamit ng produkto na may minimum 60% alcohol at tiyakin lamang na nalalagyan ang buong palibot ng kamay.
Pagpapanatili na hydrated
Kailangan na tiyakin ding malinis ang iniinom na tubig o anumang inumin. Iwasan ang pagpapainom ng mga sports o energy drink. Hindi ito nakatutulong upang palitan ang nawalang mga mineral at electrolyte sa katawan dahil sa pagtatae. Makatutulong pa ang pagpapainom ng apple at prune juice ngunit kumonsulta muna sa doktor.
Iwasan ang pagkain ng mamantika, maanghang, at may gatas na pagkain
Ang mga ganitong pagkain ay nagpapasira ng sikmura na maaaring maging sanhi ng pagtatae lalo pa kung mayroong sensitibo ang sikmura.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Dahan-dahan na pagpapakin
Sa pagpapakain ng solid food sa mga baby ay huwag masyadong padalos-dalos o nagmamadali. Maging hinay-hinay lamang sa pagpapakilala o pagpapakain sa kanila ng iba’t ibang pagkain hanggang sa masanay sila sa mga pagkaing ito at makampante ang kanilang mga sikmura dito. Ganoon din kapag nakararanas ang pagtatae ang bata, maging maingat sa mga ipinapakain. Dapat na piliin iyong makatutulong sa proseso ng pagpapagaling.
Huwag basta ipagwalang-bahala ang ang pagtatae o diarrhea lalo na sa mga bata dahil maaaring ikapahamak nila ito o kapag tuluyan nang nadehydrate ang bata ay ikasawi nila. Mayroong akong alam na kaso na namatay ang kanilang 5 buwan na baby. Bagaman, nakararanas siya ng diarrhea hindi napansin kaagad ang katamlayan ni baby ng kaniyang mga magulang. Huli na nang nadala siya sa hospital.
Kaya hangga’t maaga ay mahalagang agapan ang sakit na ito dahil maraming pamamaraan upang magamot at mabigyang-lunas pa ito. Huwag nang hintayin pa na malala na ang sitwasyon bago pa komunsulta sa doktor. Magdoble ingat din sa anumang bagay na ibinibigay, ipinapainom o ipinapakain sa anak upang makaiwas sa pagkakaroon ng diarrhea.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSi Dinalene Castañar-Babac ay isang first-time nanay ng isang happy baby girl, si Kalliope Joni. Maituturing din siyang nanay ng kanyang mga students sa isang exclusive school for girls. Tinatapos niya ang kanyang doctoral degree kasabay ng kanyang pagtuturo.
Sources: Smart Parenting, Mayo Clinic
What other parents are reading

- Shares
- Comments