embed embed2
  • Paano Malaman Kung Mild, Moderate O Severe Ang Pamamaga Ng Eyelid Sa Bata

    Alamin ang pagkakaiba ng kaso para matugunan ang gamot dito.
    by Jocelyn Valle .
Paano Malaman Kung Mild, Moderate O Severe Ang Pamamaga Ng Eyelid Sa Bata
PHOTO BY Shutterstock/pratan ounpitipong
  • Isa ang mata sa pinakaiingatan na parte ng katawan. Kaya nakakakaba kapag may kakaiba kahit sa paligid lamang nito, gaya ng talukap ng mata (eyelid). Pero hindi kailangang mabahala dahil may gamot, halimbawa, sa pamamaga ng upper eyelid.

    Eyelid problems

    Bukod sa pamamaga, maraming eyelid problems ang hindi ganoon kaseryoso o tuluyang lumulubha, ayon sa National Health Service (NHS) ng United Kingdom.

    May mga pangkaraniwang problema sa talukap ng mata na maaaring magamot depende sa iba pang sintomas na kasama nito.

    Swollen eyelid

    Nagkakaroon ng pamamaga (swelling) kung ang iyong talukap ng mata ay nakagat ng insekto o di kaya nadikit sa isang bagay na allergic ka. Kadalasan, kusang gumagaling ito sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.

    Kapag sumakit, namula, at uminit ang pakiramdam, baka dulot ito ng cellulitis. Isang skin infection ang cellulitis, na nagagamot sa pamamagitan ng antibiotics na nireseta ng doktor.

    Lump on eyelid 

    Iba-iba ang dahilan ng pagtubo ng bukol (lump) sa talukap ng mata, tulad ng:

    Kuliti (stye)—kung masakit ang bukol at puno ito ng nana (pus) na parang tikyawat

    Xanthelasma—kung mataas ang cholesterol

    Cyst—kung matigas pero hindi masakit

    Shingles o Chickenpox—kung may paltos (blister) o pamamantal sa iba pang parte ng katawan

    Skin cancer—kung parang nunal o pekas ang itsura na nagbabago ang hugis, kulay, at laki

    Itchy, crusty, flaky eyelid

    Ang pangangati at pagtutuklap ng balat sa talukap ng iyong mata ay puwedeng sanhi ng pagkakaroon ng contact sa bagay na allergic ka o di kaya biglang iritasyon. Tinatawag ang ganitong kondisyon bilang contact dermatitis at eyelid eczema. Puwede rin namang sore eyes (pink eye/conjunctivitis) o di kaya dry eye syndrome (blepharitis).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Frequent blinking

    Kung panay ang pagsasara ng mga talukap ng iyong mata na parang hindi mo mapigilan ang pagkurap, posible itong blespharospasm. Isang uri ng movement disorder na dystonia ang blespharospasm. 

    Drooping, hooded eyelid

    Kadalasang bumabagsak o lumalaylay ang mga talukap ng mata kapag nagkakaedad na ang isang tao. Pero kung kabataan mo pa at biglaan ang pangyayari, pati mayroong pagsakit ng ulo at pagkawala ng paningin (vision loss), baka seryosong kondisyon na ito.

    Pamamaga ng upper eyelid sa bata

    Pero kung bata ang nakararanas ng mga sintomas, payo ng Seattle’s Children’s Hospital na mag-obserba nang husto.

    1. Alamin kung ang talukap mismo ang namamaga o ang buong paligid ng mata.
    2. Tignan kung may pamumula sa puti ng mata (sclera).
    3. Tignan kung may yellow o green discharge sa mata, gaya ng nana.
    4. Tandaan:
    • mild case kapag may pamamaga pero nabubukas ng bata ang kanyang mga mata
    • moderate kapag malala ang pamamaga pero nakakadilat nang bahagya
    • severe kapag hindi na makadilat dahil sa grabeng pamamaga

    Sa severe case, kaagad tumawag ng doktor, lalo na kung nilalagnat din ang bata. Dagdag pa dito ang kirot sa upper eyelid, pagkakaroon ng sinus pain o pressure (sa bandang cheekbones o mga mata), at pamamaga ng mga paa.

    Home remedy sa pamamaga ng upper eyelid

    Kahit ano pa man ang nararanasang sintomas, mahalaga na pangalagaan ang mga mata sa pamamagitan ng ilang mga hakbang.

    1. Iwasan ang paghawak, pagkuskos, at pagkamot
    2. Kung kailangan hawakan ang eyelids, siguraduhin na malinis ang mga kamay
    3. Hugasan ang eyelids gamit ang plain water o di kaya cream cleanser para sa sensitive skin
    4. Huwag magkaroon ng contact sa mga bagay na allergic ka
    5. Sa mga adults, ipagliban muna ang paglalagay ng eye makeup
    6. Isuot ang salamin sa mata bilang proteskyon na rin 
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Para makasiguro sa uri ng eyelid problem na mayroon ka, mainam na komunsulta sa doktor. Subukan muna ang telemedicine nang hindi na muna magpunta sa clinic o ospital. Mabibigyan ka ng doktor ng tamang gamot hindi lamang sa pamamaga ng upper eyelid.

    Malaking tulong ang maagap na aksyon para malutas kaagad ang problema.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles