-
Basahin Muna Ito Bago Gumamit ng Eye Drop Para 'Pagalingin' ang Sore Eyes
Narito ang ilang bagay na dapat malaman ng magulang tungkol sa sore eyes.by Allan Olga .
- Shares
- Comments

Karamihan sa mga Pilipino ay alam na labis na nakakahawa ang sore eyes o tinatawag ding conjunctivitis o pink eye. Pero may isang maling paniniwala tungkol sa pagkalat ng sore eyes: hindi mahahawa ang inyong anak sa pamamagitan ng pagtingin lamang sa mga mata ng isang taong may sore eyes.
Narito ang ilang impormasyong kailangang malaman ng bawat magulang tungkol sa sore eyes.
1. Hindi nakakahawa ang sore eyes sa pamamagitan ng eye-to-eye contact.
Paano ito kumakalat? Kumakalat ang sakit na ito kapag kinusot o hinawak ang inyong kamay sa mata pagkatapos mahawakan ang isang bagay (gaya ng towel o salamin sa mata) na ginamit ng taong may sore eyes. Kaya naman mahalaga ang paghuhugas ng kamay para mabawasan ang tsansa na kumalat ito.
Paalala rin sa mga magulang, tiyakin na naghugas kayo ng kamay bago at pagkatapos ninyong patakan ang mga mata ng inyong anak ng gamot na inireseta ng doktor para sa sore eyes.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung may sore eyes ang inyong anak, mas maigi manatili muna siya sa bahay. Karamihan sa mga paaaralan ay pinapayuhan ang mga estudyanteng may sore eyes na magpahinga muna sa bahay para hindi mahawa ang iba pang estudyante.
What other parents are reading
2. Iba-iba ang dahilan at sintomas ng sore eyes at depende sa uri ng impeksyon.
Ayon sa Healthy Children na pinapatakbo ng American Academy of Pediatrics, karamihan sa mga kaso ng sore eyes sa mga bata ay dulot ng virus pero maaaring dulot din ito ng bacteria. Kayang tukuyin sa inyo ng doktor kung ano uri ng sore eyes na dumapo sa inyong anak.
Kabilang sa sintomas ay ang namumula, naluluha, at makating mata. Maaari ring magkaroon ng banayad na pamamaga at pagmumuta. Maaari ring magreklamo ang inyong anak ng pagdidikit ng taas at babang talukap ng kanyang mata sa umaga.
Ayon kay Dr. Rosanne Sugay, bukod sa impeksyon, ang allergies ay maaari ring magdulot ng sore eyes. Sa allergies, apektado ang dalawang mata. Madalas mangyari ito kung ang isang pamilya ay may allergy. Ang ganitong uri ng sores ay maaaring kasabay ng pagkakaroon ng sipon, pagbahing, at iba pang allergy symptoms.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMaaari ring magka-sore eyes ang inyong anak kung na-expose siya sa mga kemikal na masakit o mahapdi sa mata. Minsan, nagdudulot din ng pamumula ng mata kapag nasobrahan ng eye drops.
What other parents are reading
3. Nawawalang mag-isa ang sore eyes.
Maaari tumagal ang sore eyes ng hanggang pitong araw, ayon sa pediatrician na si Dr. Heidi Roman. Dagdag pa ng KidsHealth, isang health resource sight mula sa Nemours Foundation, “Pinkeye caused by a virus usually goes away without any treatment.” (Ang sore eyes na dulot ng virus ay kusang nawawala kahit walang gamot.)
Sa sore eyes na dulot ng bacteria, maaaring magreseta ang pediatrician ng antibiotic eye drops. Kung nahihirapan kayong magpatak ng eye drops sa mata ng inyong anak, may payo ang KidsHealth: “Put the drops on the inner corner of your child's closed eye — when your child opens the eye, the medicine will flow into it.” (Ipatak ang gamot sa may mutaang bahagi ng mata ng anak, para umagos ang gamot kapag minulat ng bata ang kanyang mata).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaalala: Huwag magbigay ng regular na eye drops na mabibili mo sa drug store sa anak na may sore eyes. Ang eye drops na sinasabing nagtatanggal ng pamumula o dryness sa mata ay hindi tinuturing na gamot para sa sore eyes.
Ayon sa American Academy of Opthalmology (AAO), “These kinds of eye drops may be very uncomfortable if you have an infection. They also could make your symptoms worse.” (Ang ganitong uri ng eye drops ay pwedeng magpalala lamang ng sakit na nararamdaman kung may impeksyon. Maaari rin itong magdulot ng paglala ng mga sintomas.)
Kung may gagamitin man na gamot, dapat ito ay may tamang gabay at preskripsyon ng doktor.
What other parents are reading
Paano maiiwasan ang sore eyes?
Kung isa itong allergy, iwasan ang allergen o nakapagdudulot nito. Kung dahil ito sa chemical, pumunta sa doktor para matukoy kung kailangang hugasan ang inyong mga mata.
Ang pinakanakakabahala ay ang sore eyes na nakakahawa. Dahil mahirap matukoy kung anong uri ng sore eyes na meron ka, mas maganda pa rin ang pagkonsulta sa doktor para magamot ito nang maayos. Mga karagdagang pag-iingat kapag may sore eyes
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW1. Huwag hawakan o kusutin ang inyong mga mata.
Sa tuwing kukusutin ang inyong mata, maaaring dumapo ang germs sa inyong mga kamay at mapasa ito sa mga bagay na hahawakan, at maaaring makuha ng iba kapag dinampot ang mga bagay na ito. Kung hindi naman maiwasan ang pagkusot o hawakan ang mata, tiyaking maghugas agad ng kamay pagkatapos.
2. Huwag gamitin ang mga contact lenses hangga't hindi natatanggal ang sore eyes.
Kung sigurado kang may impeksyon ka, huwag gamitin ang mga dating contact lenses, at gumamit ng bagong contact lenses kapag nawala ang sore eyes. Kung nagsusuot ka ng salamin, hugasan ito nang maigi at huwag magpahiram ng sunglasses.
3. I-disinfect o itapon ang mga bagay na ginamit ng may taong sore eyes at huwag ipagamit kahit kanino.
Para sa mga babae, kung gumagamit ka ng eye makeup at meron kang sore eyes, siguraduhin mong mapalitan ang inyong eye makeup.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRead This First Before You Use That Eye Drop to 'Treat' Sore Eyes
How Can I Prevent My Family From Getting Sore Eyes?
What other parents are reading

- Shares
- Comments