embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • HPV Vaccine, Tumutulong Para Maiwasan ng Inyong Anak ang Iba't-Ibang Uri ng Cancer

    Hinihikayat ang mga magulang na isama ang HPV vaccine sa mga ibibigay na bakuna sa kanilang anak para makakuha sila ng panghabang-buhay na proteksyon.
    by Camille Eusebio and Jillianne E. Castillo .
HPV Vaccine, Tumutulong Para Maiwasan ng Inyong Anak ang Iba't-Ibang Uri ng Cancer
  • Isang pediatrician at isang gynecologist ang nakikiusap sa mga magulang na baguhin ang kanilang kaisipan tungkol sa HPV vaccine bilang isang bagay na para lang sa mga kababaihang nasa partikular na edad at paraan ng pamumuhay.

    Para kay Dr. May Montellano, pangulo ng Philippine Foundation for Vaccination at isang pediatric infectious disease specialist, dapat itong ituring na pangkaraniwang bakuna na ibinibigay sa mga bata. “We don’t wait until exposure to occur to give the other vaccines. We should do the same with HPV vaccine. We want to protect our children long before they are even at risk of exposure to HPV.” (Gaya ng ibang bakuna, hindi natin hinihintay na magkasakit muna ang anak natin bago natin ibigay ito. Ganun din sa HPV vaccine. Dapat may proteksyon na sila bago pa man sila ma-expose sa HPV.)

    Sumang-ayon naman si Dr. Cecilia Ladines-Llave, isang gynecologic oncologist sa Philippine General Hospital, at pinuno ng Asian Gynecology and Oncology Group. Aniya, mayroong higit sa 100 na uri ang HPV, o human papillomavirus. Kilala ito bilang isang silent disease dahil kadalasan, wala itong ipinapakitang sintomas hanggang sa malala na ito at umabot na sa advanced stage.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    “Most women develop cervical cancer later in life, between 35 and 55 years old, but many acquire the virus in their youth,” paliwanag ng Dr. Ladines-Llave. (Karamihan sa mga kababaihan ay nagkakaroon ng cervical cancer sa edad na 35 hanggang 55, pero ilan sa kanila ay dala na ang virus noong sila ay mas bata pa.) Mahigit 6,000 na Pilipina ang nada-diagnose ng cervical cancer bawat taon, at 2,800 ang namamatay dahil dito.  Ibig sabihin, halos pito ang namamatay sa cervical cancer araw-araw. Dagdag pa niya, pwede ring maapektuhan ng virus na ito ang mga kalalakihan. Maari silang magkaroon ng cancer sa ulo, sa leeg o anal at penile cancer.

    Binigyang-diin ng dalawang doktor, na guest speakers sa ginanap na “10 Years of HPV Cancer Prevention,” isang event na pinamunuan ng kumpanyang MSD, na “HPV vaccine is cancer prevention.” (Ang HPV vaccine ay proteksyon mula sa cancer.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa nagbibigay ito ng panghabang-buhay na proteksyon sa cancer, makakatulong din ang HPV vaccine na maiwasan ang pagkakaroon ng genital warts kapag nakumpleto ang inirerekomendang dose (dalawa para sa mga bata at tatlo sa matatanda) ng bakuna. Sabi ni Dr. Ladines Llave, ang mga pabalik-balik  o chronic genital warts ay maaring magdulot ng cancer sa loob ng 10 hanggang 30 taon.

    Ibinibigay ang HPV vaccine sa mga batang 9 na taong gulang pataas. Ayon sa mga doktor, pinakamainam itong ibigay sa ganitong edad dahil mas mataas pa ang kanilang immune response sa bakuna. Kadalasang isinasabay ito sa Tdap (Tetanus, diphtheria and pertussis) vaccines.

    Medyo may kamahalan ang halaga ng HPV vaccine – nagsisimula sa P5,000 ang bawat dose –pero pagdiin nila, pinoprotektahan nito ang inyong anak mula sa cancer sa hinaharap. (Dagdag pa ni Dr. Ladines-Llave, may programa ang gobyerno kung saan libre ang pagpapabakuna sa mga health center sa halos 47 probinsiya. 200,000 bata rin ang nakatanggap na ng HPV vaccine. )

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang kumpletong listahan ng mga inirerekomendang bakuna para sa mga bata mula kapanganakan hanggang 18 taong gulang.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa HPV Vaccine Can Protect Your Child Against Many Types of Cancer

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles