Tagalog,lactose intolerance,greener,lactase deficiency,Lactase Deficiency | Smart Parenting,lactase deficiency, lactose intolerance, lactose intolerant, lactose, digestive system,Lactase deficiency ang isang kadalasang dahilan kung bakit sumasakit at nagtatae ang bata pagkatapos uminom ng gatas. Lactose intolerant na, ika nga.
HealthYour Kid’s Health

Madalas Ang Diarrhea Ng Bata Pagkatapos Uminom Ng Gatas? Baka Dahil Sa Lactase Deficiency

Ano ang ibig sabihin kapag may lactase deficiency?
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kung napapansin mong sumasakit ang tiyan at nagtatae, o may diarrhea, ang iyong anak ilang oras pagkatapos niyang uminom nga gatas, maaaring sanhi ito ng lactase deficiency. Kaya masasabing lactose intolerant ang iyong anak.

Ano ang lactase deficiency?

Simulan natin sa lactase, na tinawag ding lactase-phlorizin hydrolase. Isa itong enzyme, o iyong nalilikha ng living organism para magkaroon ng partikular na biochemical reaction.

Nakikita ang lactase sa maliit na bituka (small intestine) ng mga hayop na mammal, ayon sa Britannica. Ito ang dahilan o di kaya nagpapabilis ng pagtunaw ng lactose, o ang asukal na nakikita sa gatas, sa dalawang simpleng asukal na glucose at galactose.

Mayaman sa lactase ang katawan ng tao kapag sanggol pa lang. Tinatawag itong brush border enzyme, na nililikha ng cells na kilala bilang enterocytes. Ang mga ito ang mga nakadikit sa intestinal walls at bumubuo ng brush border, na isang chemical barrier kung saan dumadaan ang pagkain para masipsip ang sustansya nito.

Kapag nagkaroon ng mutation, o pagbabago sa deoxyribonucleic acid (DNA) sequence, ng gene na nakatoka sa lactase, kumukonti ang lactase sa katawan. Kinukulang tuloy sa lactase ang katawan at nagreresulta sa lactase deficiency.

Malalaman ng may lactase deficiency kapag hindi kinakaya ng digestive system na tunawin ang lactose, o asukal na meron sa gatas. Ang hindi nasisipsip na lactose ng gastrointestinal tract ay umaasim dahil sa fermentation sanhi ng bacteria sa tiyan. Kaya nagkakaroon ng hangin (gas) sa tiyan at pananakit sa parteng  ito ng katawan.

Mga uri ng lactase deficiency

May apat na uri ng lactase deficiency, ayon sa United Kingdom National Health Service:

Primary lactase deficiency

Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng lactose intolerance, o ang hindi pagtunaw ng lactose, na siyang asukal sa gatas. Nagmumula ito sa namamanang kamalian sa genes, o genetic fault, na meron ang pamilya.

Nagsisimula ang primary lactase deficiency kapag kumukonti na ang ginagawang lactase ng katawan. Nababawasan na rin kasi ang kinukonsumong gatas at produkto mula sa gatas (dairy products).

watch now

Kadalasang nangyayari ito paglampas ng dalawang taong gulang, kung kailan natatapos na ang pagdede sa ina o di kaya sa formula milk. Pero kadalasan ring napapansin lang kapag lumaki na ang bata.

Secondary lactase deficiency

Ito ang kakulangan sa lactase na sanhi ng problema sa small intestine. Maaari itong mangyari sa anumang edad. Puwede rin itong maging resulta ng iba pang kondisyong pangkalusagan o di kaya mula sa operasyon ng small intestine, pati na ang pag-inom ng partikular na gamot.

Ilan sa posibleng sanhi ng secondary lactase deficiency:

Gastroenteritis—isang impeksyon sa tiyan at mga bituka

Celiac disease—isang kondisyon sa pagdumi (bowel condition) sanhi ng masamang reaksyon sa protinang tinatawag na gluten

Crohn's disease—isang pangmatagalang kondisyon sa na sanhi ng pamamaga sa lining ng digestive system

Ulcerative colitis—isang pangmatagalan kondisyon na sangkot ang malaking bituka (large intestine)

Chemotherapy—isang paraan ng paggamot sa cancer

Antibiotics—sa matagalang pag-inom ng ganitong gamot

Minsan panandalian, o temporary, ang pagkonti ng nagagawang lactase ng katawan sa kaso ng secondary lactase deficiency. Pero maaari itong maging permanente kung sanhi ng pangmatagalang kondisyon.

Posible ring magkaroon ng secondary lactase deficiency sa paglaki ng bata at maging adult nang walang malinaw na dahilan. Natural kasi na sa katawan na kumonti ang lactase habang nagkakaedad.

Congenital lactase deficiency

Ito ay isang pambihirang kondisyon (rare condition) na namamana sa pamilya, at nakikita sa mga sanggol. Ipinanganak silang kaunti lang talaga ang ginagawang lactase ng kanilang mga katawan.

Developmental lactase deficiency

Nangyayari ito sa mga sanggol na ipinanganak na premature, o bago marating ang ika-37 na linggo ng pagbubuntis. Pero temporary lang habang maliit pa ang kanilang mga bituka at hindi pa nabubuo nang husto. Sa paglipas nang panahon, bumubuti ang kanilang kalagayan.

Diagnosis at treatment para sa lactase deficiency

Payo ng mga eksperto na maging alerto sa ganitong mga sintomas ilang oras pagkatapos uminom ng gatas ng iyong anak, kahit sanggol pa:

  • Kinakabag at panay ang pag-utot
  • Pagtatae (diarrhea)
  • Paninigas ng tiyan
  • Paghilab at pananakit ng tiyan
  • Pagkalam ng sikmura
  • Masamang pakiramdam na tila may sakit

Mainam na komunsulta sa doktor nang matignan ang iyong anak. Maaaring irekomenda ng doktor na tanggalin muna ang gatas o anumang produkto mula sa gatas (butter, cheese, yogurt, at iba pang dairy products) sa loob ng dalawang linggo at obserbahan ang bata.

May mga pagkakataong kailangang bigyan ang bata ng ganitong mga test:

  • Hydrogen test
  • Lactose tolerance test
  • Milk tolerance test
  • Small bowel biopsy

Walang gamot para sa lactase deficiency o di kaya lactose intolerance, ayon sa mga eksperto. Kailangan lang talaga na iwasan ang pagkonsumo ng gatas at anumang may sangkap ng gatas. Maging mapanuri sa mga sangkap ng mga binibiling pagkain dahil minsan hindi mo aakalain na meron pala itong lactose, gaya ng processed meat.

Sa halip, piliin ang mga produktong dairy-free at plant-based. Halimbawa, may mga gatas na gawa sa soy beans, almond, o di kaya pistachio. Kung naga-alala na baka kulangin ang katawan sa calcium, na mayaman ang gatas, may iba pang pagkukunan, tulad ng soy beans, tokwa, isda, at maberdeng gulay.

Basahin dito ang healthy alternatives sa cow's milk.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close