;
embed embed2
  • Normal Ba Na Malakas Humilik Si Baby At Si Nanay? Kailan Dapat Magpatingin, Ayon Sa Eksperto

    Ang paghilik ng baby ay isang senyales na maaaring ikabahala ng mga magulang.
    by Judy Santiago Aladin .
Normal Ba Na Malakas Humilik Si Baby At Si Nanay? Kailan Dapat Magpatingin, Ayon Sa Eksperto
PHOTO BY SHUTTERSTOCK
  • Naging usap-usapin sa Smart Parenting Village ang tungkol sa paghilik. May mga nanay na nagbahagi ng kanilang karanasan, na hindi lang ang kanilang mga asawa at baby ang humihilik kundi sila mismo!

    Marami rin ang nagtatanong kung normal ba ang paghilik sa mga sanggol na edad isa pababa.

    Ano nga ba ang sanhi ng paghilik, at kailan ka dapat mabahala?

    Sa isang exclusive interview ng SmartParenting.com.ph kay Dr. Rolando dela Eva, isang Sleep Specialist at Pediatric Pulmonologist, ang paghilik ay isang senyales na may partial upper airway obstruction o may nagbabara sa daluyan ng hangin. Ito ay isang palatandaan na maaaring ikabahala ng magulang at kailangang mapatingnan sa doktor o Sleep Specialist ang baby nila.

    “Ang snoring ay mas common sa mga bata edad 2-6, ngunit hindi naman imposible na mag-snore rin ang babies. Kung madalas sila mag-snore, kunwari 3 nights per week or every night, ibig sabihin habitual snoring yun.

    At the same time, pag nag-snore sila tapos na-chu-choke sila, malikot o balisa matulog, pinagpapawisan, at may witnessed apneas (humihinto ng paghinga), sila yung mukhang may malaking problema. Baka significant yung obstruction nila na tinatawag na Obstructive Sleep Apnea (OSA).”

    “Iba pang mga palatandaan na barado ang daluyan ng hangin nila ay paglalim ng kanilang paghinga, nakabuka ang bibig, at sa mga babies kadalasan, naka-hyper-extend yung leeg nila kapag natutulog,” ayon kay Dr. Dela Eva na isang sleep specialist sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

    Maaari rin naman makaranas ng paghilik ang mga babies kung mayroon silang mga abnormalities sa mukha o dysmorphic features tulad ng mga sumusunod: may maliliit na baba, malaki ang dila, o flat ang mukha.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga babies na may ganitong katangian ay pwedeng maingay sa paghinga sa pagtulog na pwedeng minsan ay maghilik na rin dahil sa makipot ang daanan ng hangin nila.

    “Ang hininga kasi ay dapat di naririnig, gising man o tulog. Kapag tulog ang isang tao, pwedeng may marinig ngunit dapat mahina lang, kasi physiologically, ang ating airway at ang ating buong katawan ay nababalutan ng muscles na nawawalan ng tone pag natutulog, at sa lalamunan nag-co-collapse ang structures na binubuo nito.”

    “Kung pag-uusapan ang snoring, mas associated sila sa edad 2 hanggang 6 na taon kung kailan lumalaki ang tonsils at adenoids at kadalasang nagiging common uli sa mga teenagers dahil sa kanilang pagtaba,” dagdag pa niya.

    Kailan dapat ipatingin sa doktor si baby?

    Sabi ni Dr. Dela Eva, kung nababahala na ang magulang sa dalas at lakas ng paghilik ni baby, maaaring ipatingin ito sa pediatrician o sa isang Sleep Specialist: habitual snoring, associated sa restlessness, paikot-ikot na paghiga, tumitigil huminga, may choking episodes, masyadong malalim ang paghinga

    Pwede rin daw na senyales kung ang bata ay mabagal ang paglaki. “Yung mga bata na hindi lumalaki, kasi yung energy nila for growth ay nagagamit nila sa paghinga.

    Pwedeng magkaroon ang bata ng neurobehavioral problems, maging hyperactive sila, paglaki ng puso, pagtaas ng presyon sa baga o sa buong katawan. Kadalasan bihira ang pagiging antukin nila maliban na lang kung sobrang lala ang OSA.”

    Ayon kay Dr. Dela Eva, kung may combination na ng symptoms at complications, nararapat nang ipatingin sa doktor ang bata. Magandang maipakita sa sleep specialist para masilip yung airway nila at malaman kung ano ang dapat maging remedyo at kung kailangan nila maisalang sa sleep study. “Bata man o babies ay pwedeng magawan ng sleep study,” ayon sa kanya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Paghilik sa mga nanay, normal din ba?

    Ukol naman sa paghilik sa mga nanay, binahagi naman ni Dr. Dela Eva kung ano ang sanhi nito. “Ang major contributing factor ay pagtaba. Madalas din pag buntis, pwedeng naghihilik, kasi namamaga lahat pati ilong at iba pang parti ng daluyan ng hangin. Pag tumataba ang magulang, pwede itong maging sanhi ng paghilik.”

     

    Hindi naman dapat mabahala kung minsanan lang ang paghilik at walang iba pang obvious symptoms. Ngunit kung ito na ay nagiging sanhi ng hindi pagtulog ng mahimbing sa gabi at naaapektuhan na ang memory at mood, nagiging antukin sa maghapon, at parang hindi nakapahinga sa pagtulog, maaaring magpatingin na agad. Mahalaga rin na sapat ang tulog ng mga nanay, basahin dito kung bakit.

     

    “Baka tumataba sila or may iba pa silang ibang problem tulad ng nasal allergy, o anything na problem sa ilong o sa lalamunan, pwedeng mag-cause ng hilik. Basta ang paghilik, ibig sabihin, may partial obstruction ng daluyan ng hangin.”

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles