Tagalog,nosebleed,greener,pagdugo ng ilong,Pagdugo Ng Ilong | Smart Parenting,pagdugo ng ilong, nosebleed, nosebleeding, nosebleed in kids, health concerns,Kapag may pagdugo ng ilong, iwasan na pasakan ito ng tissue.
HealthYour Kid’s Health

Ito Ang Tamang Gawin Sa Nosebleed, Imbes Na Pasakan Ng Tissue Ang Ilong

Kadalasang mga bata ang nakakaranas ng pagdugo ng ilong.
PHOTO BYiStock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Talaga namang nakakabigla kapag nakita mo na lang ang pagdugo ng ilong ng anak mo. Kaya mainam na malaman ang dapat gawin nang hindi mataranta at mapahamak ang bata.

Mga dapat malaman sa pagdugo ng ilong

Kadalasang mga batang may edad 3 hanggang 10 ang nakakaranas ng pagdugo ng ilong (nosebleed), ayon sa Kids Health. May dalawang uri ng pagdugo ng ilong: anterior nosebleed at posterior nosebleed.

Sa anterior nosebleed, nagmumula ang pagdudugo sa harapan ng ilong. Karaniwang nangyayari ito kapag pumutok ang maliliit na blood vessels o capillaries.

Sa posterior nosebleed naman, nagmumula ang pagdudugo sa malalim na parte ng ilong. Madalang itong mangyari sa mga bata, pero madalas sa older alduts na may altapresyon o di kaya nagkaroon ng pinsala sa ilong. Magreresulta ito sa pagdaloy ng dugo pababa sa bandang likuran ng lalamunan kahit pa nakaupo o nakatayo siya.

May ilang dahilan sa pagdugo ng ilong, ayon naman sa American Academy of Pediatrics (AAP). Kabilang diyan ang mga sumusunod:

  • Sipon
  • Allergies
  • Pagkalikot sa loob ng ilong
  • Pagpasok ng anumang bagay sa loob ng ilong
  • Pagbahing nang sobrang lakas
  • Mainit na panahon
  • Pagiging tuyot ng nasal membranes

Mga dapat gawin sa pagdugo ng ilong ng bata

Hindi kailangang itakbo kaagad ang anak sa ospital para matignan ang kanyang nosebleed, sabi ng mga eksperto. Mas makakatulong raw na alam mo ang dapat gawin.

Maging kalmado

Malaki ang epekto ng iyong reaksyon sa mararamdaman ng anak at pagbuti ng sitwasyon. Kaya sikapin na maging kalmado at tandaan ng lilipas din ang nosebleed pagkaraan ng ilang minuto. Ito ay kung walang nangyaring aksidente na nagresulta sa nosebleed, tulad ng pagpasok ng anumang bagay sa ilong.

Ilagay ang bata sa tamang posisyon

Ang ibig sabihin ng tamang posisyon ay ang pag-upo o di kaya pagtayo ng bata habang nakayuko nang bahagya lamang. Bilin ng mga eksperto na huwag hayaang humiga o di kaya humilig patalikod ang ulo ng bata. Ang mangyayari kasi dadaloy ang kanyang dugo sa lalamunan at magsusuka siya.

Bigyan ng pressure ang ilong ng bata

Pisilin ang malambot na parte ng ilong, iyong nasa lower part, nang madiin sa loob ng 10 minuto. Maaari kang gumamit ng tissue o bimpo, basta malinis, pero puwede ring mga daliri mo lang.

Paliwanag ng mga eksperto na kailangan 10 minuto mong pisilin ang ilong ng anak. Kung mas maiksi raw diyan kasi baka magdugo ulit ang ilong. Sikapin mo rin daw na mag-focus sa pagpisil ng ilong kaysa tignan kung tumigil na ang pagdudugo.

Pagkaraan ng 10 minuto, at hindi pa rin tumitigil ang nosebleed, ulitin ang pagpisil sa ilong. Pero kung hindi talaga umuubra ang first aid na ito, kailangan mo nang tumawag sa doktor o di kaya dalhin na ang bata sa ospital. Malamang hindi na lang simpleng nosebleed ang nararanasan ng bata.

Babala pa ng mga eksperto na huwag pasakan ng tissue o di kaya gauze ang ilong ng anak. Didikit lang ang mga ganoong bagay sa blood clot, sabi ng Nationwide Children's Hospital. Kaya pag tinanggal ang mga iyon sa ilong, baka bumukas muli ang blood clot at magpatuloy ang nosebleed.

watch now

Siguraduhing nakakapahinga ang bata

Kahit bumuti na ang pakiramdam ng anak, huwag muna siyang payagan na maglaro. Ipirmi mo na lang siya sa kama para makapahinga at tuluyang gumaling ang nosebleed. Sabihan mo rin siyang huwag galawin ang ilong, kahit na pagsinga ng sipon. Puwede kasing umatake muli ang pagdugo ng ilong.

Mga puwedeng gawin para maiwasan ang pagdugo ng ilong

Mababawasan ang tyansa ng pagkakaroon ng nosebleed kung maiiwasan ang mga sanhi nito, tulad ng mainit na panahon at pagkalikot ng anak sa kanyang ilong.

Paglalagay ng humidifier sa bahay

Kung pasok sa inyong budget ang humidifier, mainam itong investment para sa kalusugan ng buong pamilya. Napapataas kasi nito ang humidity level sa bahay kaya naiiwasan ang pagtuyo ng nasal passages. Huwag lang kalimutan na linisin ito araw-araw para hindi tirhan ng mildew at bacteria.

Pagpuputol ng mga kuko ng bata

May tendency kasi ang mga bata na kalikutin ang kanilang ilong, kaya napipinsala ang kaloob-looban nito at dumudugo. Mababawasan ang ganitong pangyayari kung maiksi ang mga kuko ng anak mo at hindi niya mapinsala ang ilong.

Tanungin ang doktor sa paggamit ng nasal spray

Mabibigyan ka ng medical advice kung anong nasal spray ang makakatulong na maiwasan ang pagtuyo ng nasal passages ng bata.

Sabihan ang anak na gumamit n protective gear

Kung mahilig ang anak mo sa rough play o di kaya sports, makakatulong ang suot niyang protesyon laban sa pinsala na maaaring idulot ng aksidenteng pagtama sa mukha. Maaaring makatulong din ito na maiwasan ang pagdugo ng ilong.

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close