-
Huwag Pisain ang Pigsa Payo ng mga Pediatricians. Narito ang Dapat Gawin
by Allan Olga .
- Shares
- Comments

Tuwing summer, may mga paalala mula sa Department of Health (DOH) hinggil sa mga sakit na maaaring dumapo sa mga bata. Kabilang dito ang bulutong (chicken pox), sore eyes, sunburn, heat stroke, measles (tigdas), at rabies. May mga impormasyon ding inilalabas ang DOH para magkaroon ng kaalaman tungkol sa pigsa.
Ano ang pigsa?
Ang pigsa ay isang skin infection na karaniwang sanhi ng Staphylococcus bacteria at matatagpuan sa labas ng balat. Ang pigsa ay maliit na umbok sa balat, kulay pula na may hawig sa tigyawat. Ang affected area ay maaari ring makati at mainit. Ayon sa Mayo Clinic, “The lumps quickly fill with pus, growing larger and more painful until they rupture and drain.” (Ang umbok ay napupuno ng nana, kaya mas lumalaki at masakit kapag ito ay pumutok.)
Nagiging problema ang mga ito “when there is a break in the skin or when the bacterial infection becomes more aggressive and overpowers normal defenses against infection (kapag may sugat sa balat o ang bacterial infection ay lumalala, at hindi na kinakayang labanan ng normal defenses ng katawan ang infection),” ayon sa HealthyChildren ng American Academy of Pediatrics.What other parents are reading
Karaniwang tumutubo ang pigsa sa leeg, kili-kili, sa puwet o hita. Pwede itong makuha ng bata sa isang taong may pigsa sa pamamagitan ng direct contact o kaya'y kapag nahawakan niya ang mga kontaminadong gamit o lugar. Karaniwan ang pigsa sa mga batang may diabetes, may malnutrisyon, o iba pang kondisyon na nagpapahina sa kanilang immune system o resistensiya, ayon sa DOH.
Huwag pipisain ang pigsa na karaniwang ginagawa nating mga Pinoy. Sabi ni Dr. Faith Buenaventura-Alcazaren, isang pediatrician sa Perpetual Succor Hospital and Maternity and Marikina Doctors Hospital and Medical Center, sa SmartParenting.com.ph, "Ang pagpisa para tanggalin ang nana ay maaaring magpalubha ng impeksyon. Popping it also hurts the child further (mas nasasaktan din ang bata pag pinipisa ito)."ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Ano ang pwedeng gawin kapag may pigsa?
Panatilihing malinis ang apektadong bahagi at i-check ito araw-araw. Natural na magkakaroon ng pressure ang pigsa. Inirerekomenda ni Dr. Buenaventura-Alcazaren na maglapat ng warm compress sa affected area nang maraming beses sa isang araw para maibsan ang sakit at para kusa itong pumutok at matanggal ang nana.
Ayon sa The Paediatric Society of New Zealand, “If the boil bursts, wipe away pus, fluid or blood with clean cotton wool or a cloth soaked in water and antiseptic and cover with a plaster.” (Kapag pumutok ang pigsa, punasan ang nana, dugo o fluid gamit ang malinis na bulak o malinis na tela na ibinabad sa tubig at antiseptic at takpan ito ng plaster.)
Ani Dr. Jamie Isip-Cumpas, isang pediatrician sa Parkview Children's Clinic Makati, “If the boil doesn't improve, you need to see a doctor for treatment.” (Kapag hindi nagbago ang kondisyon ng pigsa, kailangan nang kumunsulta sa doktor.). Ang maayos na pangangalaga sa sugat ay kailangan ding gawin, kagaya ng paghugas sa sugat gamit ang tubig at sabon, at paglalagay ng topical ointment para maiwasan ang impeksyon.)
Ang pigsa ay kailangan ipatingin sa doktor kung ito ay nasa mukha, kung ang laki nito ay higit pa sa five centimeters in diameter, kung may kasabay itong lagnat, kung mabilis ang paglubha nito, o hindi pa ito gumagaling pagkatapos ng dalawang linggo, ayon sa Mayo Clinic. Kumonsulta rin sa doktor kapag madalas magkapigsa ang inyong anak at hindi lang iisa ang pigsang lumalabas sa kanyang balat.CONTINUE READING BELOWwatch nowAng impormasyong nakalahad dito ay mula sa:
Don't Pop a 'Pigsa'! How to Treat Your Child's Boil, Say Pedias
What other parents are reading

- Shares
- Comments