illnesses,Tagalog,respiratory infection,respiratory illness,RSV,greener,RSV | Smart Parenting,pneumonia, flu, lungs, respiratory system, RSV, respiratory syncytial virus, COVID-19, mga sakit sa baga, respiratory diseases,Bukod sa COVID-19, may iba pang sakit sa baga na dapat bantayan, tulad ng mas matagal ng sakit na respiratory syncytial virus (RSV).
HealthYour Kid’s Health

Iba Pang Sakit Sa Baga Ang RSV: Bakit Maraming Bata Ang Apektado Nito?

Ito ang mga dapat malaman tungkol sa respiratory syncytial virus (RSV).
PHOTO BYfreepik/peoplecreations

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Nitong pagpasok ng Year 2022, nabalita ang biglang pagtaas, o surge, ng mga kaso ng respiratory syncytial virus (RSV) sa United States. Dahil dito, kinulang ng mga kama sa pediatric ward ng maraming ospital, at may mga pumanaw pa. Mga bata kasi ang karamihan sa mga tinatamaan ng ganitong sakit.

Pero hindi lang pala sa U.S.  lumalaganap ang RSV, bagkus sa iba-iba pang bansa. Sa Pilipinas, halimbawa, may naitalang 221 na kaso mula January hanggang August 2022, at wala namang nasawi.

Ano ang RSV?

Isa ito sa mga sakit sa baga at respiratory system na pangkaraniwan, lalo na sa mga bata, simula pa nang nadiskubre noong 1956. Pag sapit ng taglamig kada taon, ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), tumataas talaga ang mga kaso ng mga batang nagkakasakit ng RSV at iba pang sakit sa baga, tulad ng trangkaso (flu).

Noong 2020, habang mahigpit ang pagi-ingat laban sa bagong sakit sa baga na COVID-19, bumaba naman ang mga kaso ng RSV. Nakatulong kasi ang pagpirmi sa bahay at, kung lalabas, ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing, para hindi lumaganap ang RSV.

Pagkaraan ng isang taon, nagkaroon na ng COVID-19 vaccine at nagsimulang bumaba ang mga seryosong kaso nito. Kaya nagsimula ring magluwag ng mga tuntunin, tulad ng pagsusuot ng mask, sa U.S. at iba pang bansa.

Kasabay nito, ayon sa mga eksperto, nagsimula muling umakyat ang mga kaso ng RSV, pati na ng trangkaso.

Mga sintomas ng RSV

Bagamat walang pinipiling edad ang pagkakasakit ng RSV, ayon sa CDC, mas malimit at mas delikado ito sa mga bata lalo na sa mga sumusunod:

  • Sanggol na napaaga ang panganganak (premature infant)
  • Sanggol na 6 months old o mas bata pa
  • Batang mas bata sa 2 years old na may pabalik-balik na sakit sa baga (chronic lung disease) o di kaya may sakit sa puso nang ipanganak (congenital heart disease)
  • Batang mahina ang resistensya o mababa ang immune system
  • Batang may neuromuscular disorders, kabilang ang hirap sa paglunok at pagtanggal ng plema
watch now

Sa simula, aakalain mong simpleng karamdaman lang ang dumapo sa anak dahil sa ganitong mga sintomas:

  • Tumutulong sipon (runny nose)
  • Nawawalan ng ganang kumain
  • Pag-ubo, na puwedeng may kasamang paghuni (wheezing) o di kaya hirap sa paghinga

Kung wala pang 6 months old ang anak, bantayan ang ganitong mga sintomas:

  • Pagiging iritable
  • Pagkawala ng ganang kumilos
  • Pagkawala ng ganang kumain
  • Putol-putol na paghinga kada 10 segundo
  • Pagkakaroon ng lagnat, pero hindi sa lahat ng kaso ng RSV

Maging alerto dahil posibleng lumala ang pakiramdam ng anak at mauwi sa severe RSV infection, tulad ng:

  • Bronchiolitis, o pamamaga ng mga maliliit na daluyan ng hangin sa baga
  • Pneumonia, o pulmonya, na impeksyon sa mga baga

Diagnosis at treatment ng RSV

Isa hanggang dalawa kada 100 mga batang wala pang 6 months old ang nao-ospital dahil sa impeksyon sa baga na hatid ng RSV. Nakukumpirma ang sakit sa pamamagitan ng blood test, swab test, X-ray, o di kaya pulse oximetry.

Kapag naospital ang bata, kabilang sa kanyang treatment ang:

  • Oxygen
  • Intravenous (IV) fluids kung hindi makakain o makainom ang bata
  • Mechanical ventilation na tutulong lumuwag ang paghinga

Kung mild ang sintomas ng anak, mainam na komunsulta pa rin sa doktor nang mabigyan ng tamang payo at bumuti ang pakiramdam ng bata. Narito ang kadalasang pinapayo ng doktor, ayon sa Mayo Clinic:

1. Painumin ng gamot, tulad ng acetaminophen kung may lagnat, pero huwag ang aspirin para sa bata

2. Huwag ding painumin ng antibiotics ang bata kung hindi ito nireseta ng doktor

3. Gumamit ng nasal saline drops o spray para lumuwag ang baradong ilong

4. Gawing kumportable ang pakiramdam ng bata

5. Dalasan ang pagbigay ng tubig at iba pang inumin nang maiwasan ang dehydration

6. Bantayan ang mga senyales ng dehydration, gaya ng:

  • Panunuyo ng bibig
  • Pag-ihi nang madalang at kaunti lang
  • Paglubog ng mga mata
  • Pagiging sobrang maligalig o di kaya sobrang antukin

Paano maiiwasan ang RSV

Kung mataas ang risk factor ng anak na magkaroon ng ganitong sakit, sabihan at gabayan ang bata na gawin ang mga sumusunod:

  • Ugaliin ang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Iwasan lumapit sa may mga sakit
  • Takpan ang bibig at ilong kapag babahing o di kaya uubo gamit ang tissue, at itapon ang tissue pagkatapos

Bilang magulang, siguraduhing malinis hindi lang ang bahay, pero pati ang mga gamit at laruan ng bata. Sa ganitong paraan, makakaiwas sa RSV at iba pang mga sakit, gaya ng flu at COVID-19.

Basahin dito ang iba pang mga uri ng sakit sa baga.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close