-
Mataas na Lagnat, Rashes Sa Paa: Ang Misteryong Sakit Ng Mga Bata Kaugnay Ng COVID-19
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Dapat malaman ng magulang ang panganib na dulot ng coronavirus lalo na sa mga sanggol at maliliit na bata. Kapag may suspetsa na sa kalusugan ng anak ay kaagad na dalhin ito sa doktor at patignan.
Ito ang payo ng isang ina mula sa parteng timog ng bansang Wales, na matatagpuan sa United Kingdom. Hindi daw niya alam kung ano na ang nangyari sa kanyang anak na si Leia kung hindi siya naging maagap sa paghanap ng tulong medikal.
Ikinuwento ng ina, na pinangalanan lamang na Hannah (makikita ang kanyang images sa ulat ng BBC noong May 15, 2020), ang kalbaryo na panoorin ang paghihirap ng anak habang hinihintay na gumaling mula sa rare disease na kaugnay sa coronavirus.
Sa simula daw, akala ng mga doktor na mayroong meningitis o sepsis si Baby Leia, pero nang lumaon ay napag-alaman nilang inflammatory reaction sa COVID-19 ang iniinda ng sanggol. Tumagal ng tatlong linggo ang gamutan nito sa ospital.
Sinabi din ni Hannah na nang dalhin niya si Baby Leia, na may twin sister na Thea ang pangalan, sa Royal Gwent Hospital sa siyudad ng Newport noong katapusan ng Abril, isa si Baby Leia sa halos 30 bata sa United Kingdom ang nakaranas ng sintomas na kapareho ng Kawasaki disease.
Nakita rin ang inflammatory reaction na kapareho ng Kawasaki disease sa New York sa U.S. Sa ulat na ito, 73 na kabataan ang nagkaroon ng misteryong inflammatory syndrome na mukhang may link sa COVID-19. (Basahin dito ang buong ulat dito kasama ang sintomas na dapat malaman.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNgayon daw sa kalagitnaan ng Mayo ay tumalon na sa 100 ang mga kaso ng mga apektadong bata sa UK, at inaalam pa ng mga doktor kung bakit may ganoong klase ng COVID-19 reaction sa mga paslit.
Sa ospital, bigla daw tumaas ang lagnat ni Baby Leia. Nakitaan din siya ng mga pantal, o "pinprick rash," sa mga paa. Ngunit hindi pa inisip ng mga doktor na sanhi ang mga ito ng Kawasaki o COVID-19, kaya ang lunas na ibinigay nila ay para sa meningitis at sepsis.
Pagkalipas ng ilang araw, nagsimulang mahirapan si Baby Leia na huminga at inilipat siya sa critical care section ng ospital. Dito siya binigyan ng high-flow breathing tube at feeding tube. Kumalat na din daw ang mga pantal sa katawan ng sanggol at namamaga ang mga arteries nito.
Kinabukasan, lumabas na sa balita ang sinasabing mysterious syndrome na sumasalanta sa mga batang pinaghihinalaang may coronavirus. Kaagad naman daw nakipag-ugnayan ang mga doktor ni Baby Leia sa iba pang may parehong pasyente.
Sinabihan na daw silang pamilya na ang ilan sa mga ganoong pasyente ay nagiging critical ang pamamaga ng mga arteries. Kapag daw biglang pumutok ang arteries ni Baby Leia, hindi daw ito kakayanin ng sanggol. Kaya binigyan nila ito nga mga gamot na pipigil tulad sa clotting, build-up, at heart attack.
Mula sa Royal Gwent Hospital sa Newport city, inilipat si Baby Leia sa Noah’s Ark Children’s Hospital sa kalapit na Cardiff city. Dito napag-alaman na positibo siya sa COVID-19, at ginamot sa isolation.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAwang-awa ang nanay niyang si Hannah sa dinanas ng sanggol habang hirap siya at kanyang mister na alagaan din ang kakambal ni Baby Leia at dalawa pa nilang anak.
Dasal ni Hannah na makalabas na ng ospital si Baby Leia at makauwi na sila sa bahay. Ngunit alam niya na mahirap ang maging recovery ng sanggol at kakailanganin na ma-monitor ang puso nito habang-buhay.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments