embed embed2
Bawang At Pabango? Home Remedies Para Sa Sakit Ng Ngipin Mula Sa Dentista
PHOTO BY Pexels
  • Sakit ng kalingkingan, dama ng buong katawan.” Walang duda na akma ang kasabihan na iyan kapag masakit ang ngipin, lalo na pagdating sa bata. Apektado pati ang mga kasamahan sa bahay dahil mahirap pigilan ang pag-iyak sa kirot kahit dis-oras na ng gabi. Kaya mainam na alamin ang home remedies para sa sakit ng ngipin para pansamantalang maibsan ang sakit lalo sa mga bata.

    Bakit sumasakit ang ngipin

    Nagkakaroon ng toothache o pulpitis, ayon sa Nationwide Children’s Hospital website, kapag ang pulp ng ngipin ay namaga at naimpeksyon. Ang pulp ay ang malambot na parte sa loob ng ngipin na nagtataglay ng blood vessels at nerves.  

    Nangyayari ang pamamaga at impeksyon kapag napinsala ang ngipin, kadalasan dahil sa butas o cavity. Resulta ang cavity ng pagiging pabaya sa pag-aalaga ng ngipin, gaya ng hindi pagtu-toothbrush pagkatapos kumain. Ang pagkain kasi ay may sugar at starch na siyang nagdadala ng bacteria sa bibig. Bacteria naman ang gumagawa ng acid na bumubutas at tuluyang sumisira sa ngipin.

    Kapag napinsala na ang ngipin at magkaroon ng tooth decay, nagsisimula na itong sumakit at nagiging malala pa habang lumalaki ang sira o butas dito. Lalong sumasakit ang ngipin kapag hinahawakan o nagagalaw at kapag kumakain o umiinom. May posibilidad pang mamaga ang panga, lagnatin, at makaramdam ng pagkapagod at pagkainitin ng ulo.

    What other parents are reading

    Mga dapat gawin para maiwasan ang pagsakit ng ngipin  

    Bilin ng dentist na si Dr. Evangeline de Guzman-Calimlim na gawin dapat ng mga bata ang mga sumununod:

    • Ugaliing mag-toothbrush nang hindi bababa sa tatlong beses kada araw.
    • Gumamit ng toothpaste na may sangkap na fluoride.
    • Mag-floss ng ngipin.
    • Limitahan ang pag-inom ng acidic drinks. Kabilang dito ang mga inuming carbonated (soda, energy drink) at caffeinated (coffee, tea).
    • Limitahan ang pagkain ng matatamis.
    • Magpatingin sa dentista dalawang beses sa isang taon. Para hindi matakot ang bata sa dentista, ipasyal ito sa klinika simula 2 years old para maging pamilyar siya sa paligid at mga gamit dito.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Subukan: Watsons Mint Dental Floss (50 meters), Php 75, Watsons on Lazada

    What other parents are reading

    Home remedy para sa sakit ng ngipin

    Kapag sumakit ang ngipin ng bata, payo ni Dr. Calimlim na gawin ng magulang ang ilang toothache home remedies for kids:

    1. Bigyan ang bata ng temporary pain reliever, gaya ng Tempra.
    2. Ipamumog ang maligamgam na tubig na may halong asin.
    3. Magdikdik ng bawang at ipasak sa sumasakit na ngipin upang magsilbing pain reliever. O di kaya ay gumamit ng bulak na pinatakan ng pabango at iyon ang ipasak sa sumasakit na ngipin.
    4. Kapag namamaga ang panga at pisngi ng bata, gawan ng cold compress. Ibalot lang ang ilang piraso ng yelo sa bimpo at idikit ito sa parte ng mukha kung saan sumasakit ang ngipin.
    5. Huwag subukang hilahin ang sumasakit na ngipin kahit malapit na itong matanggal dahil sobrang bulok o mahina na. Maaaring maghatid ang ganitong gawain ng impeksyon sa ngipin at baka ma-trauma pa ang bata sa sakit.
    6. Dalhin ang bata sa dentista para matignan.

    Subukan: Tempra 120 mg/5 ml Orange 1 to 5 Years Old Syrup, Php 94.50 (60 mL), Southstar Drug on Lazada

    Subukan: Indoplas Ice Bag, Php 79 (from Php 499), Indoplas Philippines on Lazada

    What other parents are reading

    Pagbisita sa dentista sa panahon ng COVID-19

    Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, may ilang health at safety protocols ang sinusunod tulad ng klinika ni Dr. Calimlim sa Marikina City. Unang-una, tumawag muna sa clinic upang makakuha ng appointment. Iniiwasan na ang walk-in upang malimitahan ang tao sa klinika at masunod ang social distancing. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sa telepono pa lang, tatanungin na ang pasyente tungkol sa kanyang travel history. Maging tapat at bukas sa pagsabi ng mga lugar na pinuntahan. At kapag nabigyan ng appointment, dumating sa takdang araw at oras. Magsuot ng face mask at personal protective equipment (PPE). Kung walang sariling PPE, maaaring makakuha sa clinic na may minimum charge.

    Bago pumasok sa clinic, dadaan muna sa thermal scanning at saka body misting sa pamamagitan ng pagtayo sa tapat ng humidifier disinfectant machine. Pagkatapos, magpapahid ng alcohol o sanitizer sa mga kamay bago tuluyang pumasok sa clinic. 

    Sa loob ng clinic, ang dentista at mga tauhan dito ay sumusunod din sa mga protocol. Matapos ang checkup o ano mang dental treatment, maingat na hubarin at ilagay ang PPE sa disposal bin. Magpa-spray ng disinfectant solution bago tuluyang lumabas ng clinic.

    Kung ayaw pa munang lumabas ng bahay bilang pag-iingat sa coronavirus, lalo na’t bata ang pasyente, bigyan na lang muna ng toothache home remedies for kids hanggang maging handa na pumunta sa clinic.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close