-
Huwag Balewalain ang Singaw Dahil Maaaring Sintomas Ito ng Hand, Foot, at Mouth Disease
by Allan Olga .
- Shares
- Comments

Huwag balewalain ang singaw o mouth sores dahil maaaring indikasyon ito na may hand, foot, and mouth disease (HFMD) ang inyong anak. Importante na magkaroon ng kaalaman tungkol sa HFMD lalo na kung isa kang magulang na may anak na nasa murang edad pa.


Noong 2017, ang daming naging kaso ng HFMD. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), tinatayang 3,594 ang pinaghinalaan at kumpirmadong kaso ng HFMD ang naiulat mula January 1 hanggang December 2, 2017. Tumataas ito ng 371.04% kumpara noong 2016. (Buti naman at bumaba ang bilang ng kaso sa umpisa ng sumunod na taon. Mula January 1 to March 3, 2018, 156 suspect and confirmed HFMD cases , 78.42% na mas mababa sa parehong period.)Sa mga kasong ito noong 2017, karamihan sa mga naaapektuhan ay mga bata sa NCR, Region IV-A at Region VI na may edad 0 hanggang 5 (87%), ayon sa report.
What other parents are reading
Ano ang hand, foot, and mouth disease?
Karaniwang naaapektuhan ng sakit na ito ang mga sanggol at batang mas bata sa 5 taong gulang, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC.
Ayon sa KidsHealth, “Kids under age 5 are most at risk for HFMD, as infections are common in childcare centers, preschools, and other places where kids are in close quarters.” (Ang mga batang mas bata sa 5 taon ang madaling kapitan ng HFMD dahil ang impeksyon ay karaniwang nangyayari sa childcare centers, preschools, at iba pang lugar kung saan ang mga bata ay nasa saradong mga lugar.)
Ang sakit na ito ay nagdudulot ng lagnat, singaw, at rashes sa kamay, paa, at diaper area.ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPahayag sa SmartParenting.com.ph ni Dr. Carmina Delos Reyes, isang pediatrician and infectious disease specialist, “It’s usally a mild viral illness, but it’s highly contagious.” (Isa itong mild viral illness, pero lubhang nakakahawa).
What other parents are reading
Gayunpaman, kailangang manatiling mapanuri ang mga magulang. Hindi man madalas mangyari, pero maaari pa rin itong maging seryosong sakit, sabi sa Smart Parenting ni Dr. Ma. Eleanor Sevilla-Sia, isang pediatrician at neonatologist. Maaaring magkaron ng mga komplikasyon tulad ng dehydration, meningitis, at encephalitis.
What other parents are reading
Mga sintomas ng hand, foot, and mouth disease
Ang HFMD ay natutukoy ng singaw sa bibig. "Ang pangunahing indikasyon ng HFMD ay singaw. Ang kaibahan kasi ng hand, foot, mouth, ang pinaka distinct sa kanya is 'yung mga singaw sa bibig,” pahayag sa dzMM ni Dr. Pia Torres, isang pediatric infectious disease specialist.
Kabilang din sa mga sintomas ng HFMD ang mga sumusunod:
- Lagnat
- Red rashes o pulang butlig sa palad, paa, at puwet
- Sore throat
- Pagkairita
- Kawalan ng gana sa pagkain
“Nagsisimula siya as lagnat, and then after ng lagnat nagkakaroon sila ng singaw sa lalamunan. And then magkakaroon sila ng mga butlig. It's either pulang mga butlig sa palad, or para siyang mga ulcer,” sabi ni Dr. Torres. Dagdag pa niya, kahit na nagkakaroon ng rashes ang isang taong may dengue, ang sakit na ito na nakukuha mula sa kagat ng lamok ay hindi nagdudulot ng singaw.
Ang rashes o butlig na sanhi ng HFMD ay pwedeng flat o nakaumbok, at minsan ay may sugat, paliwanag sa isang artikulo ni Dr. Maria Nenita L. Salcedo, head physician sa Ateneo De Manila University High School.
Ang pagbabalat sa kamay at paa ay maaari ring mangyari, sabi ng HealthyChildren, ang parenting resource site ng American Academy of Pediatrics. “Symptoms are the worst in the first few days but are usually completely gone within a week.” (Pinakamalala ang mga sintomas sa mga unang araw, pero mawawala ito pagkatapos ng isang linggo.)CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Lunas sa hand, foot, and mouth disease
Ang mga sintomas ng HFMD ay nagtatagal ng isang linggo. Ang mga batang nagkaroon nito ay maaaring magpagaling sa bahay, sabi ni Dr. Torres.
Mahirap para sa isang bata na sabihin kung ano ang kanyang nararamdaman kapag siya ay may singaw. Mahirap rin para sa kanya ang kumain o uminom. Makakatulong ang mga malalamig na pagkain at inumin, kagaya ng ice cream at tubig na may yelo. Nababawasan ng mga ito ang sakit ng singaw.
Iwasan ang mga maiinit na pagkain na nagpapahapdi lalo ng singaw.
Tiyaking may sapat na tubig ang bata. Sabi ng CDC, “Some people, especially young children, may get dehydrated if they are not able to swallow enough liquids because of painful mouth sores.” (Ang ibang tao, lalo na ang mga bata, ay nade-dehydrate kung hindi sila nakakainom ng sapat na liquid dahil sa singaw) .Dalhin sa ospital ang bata kung nagpapakita siya ng mga sintomas ng dehydration, kagaya ng nanunuyong bibig, nangangalong mata, at tuyong diaper kesa karaniwan.
Para sa lagnat at sakit na nararamdaman, kumonsulta sa pediatrician na maaaring mag-prescribe ng over-the-counter na gamot. Karaniwang ibinibigay ang paracetamol, sabi ni Dr. Delos Reyes.What other parents are reading
Pano maiiwasan ang hand, foot, and mouth disease
Ang virus na nagdudulot ng HFMD ay nasa laway, sipon, fluid mula sa butlig, at sa dumi ng taong may HFMD. Sabi ni Dr. Salcedo, "The disease is spread from person to person by direct contact with the infectious viruses." (Kumakalat ang sakit kapag nagkaroon ng direct contact sa pasyenteng mayroong nakahahawang virus).
Turuan ang inyong mga anak na ugaliing maghugas ng kamay, lalo na pagkatapos gumamit ng banyo at bago kumain. Kung sa tingin ninyo ay may HFMD ang inyong anak, mas mabuting panatilihin na lang siya sa bahay hanggang mawala ang kanyang lagnat at hanggang gumaling ang kanya mga singaw, ayon sa Mayo Clinic.ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKomplikasyon dala ng hand, foot, and mouth disease
Bagamat bihirang mangyari, maaaring magdulot ng kumplikasyon sa utak ang HFMD, na tinatawag na viral meningitis. Ayon sa Mayo Clinic at CDC, ang meningitis ay isang uri ng impeksyon at pagmaga ng tissue na bumabalot sa utak at spinal cord. Maari rin itong magdulot ng encephalitis, o pagmaga sa utak. Pero ayon sa CDC, mas bihira pa itong mangyari kaysa meningitis.
Kapag nagkaroon ng stiff neck, pagkalito, at seizure ang iyong anak, kumunsulta agad sa doktor. Ugaliing pumunta sa doktor para sa kaligtasan ng iyong anak.Ang impormasyong nakalahad dito ay mula sa:
Singaw and Rashes: A Quick Guide to Hand, Foot, and Mouth Disease
What other parents are reading

- Shares
- Comments