embed embed2
  • Namumula, Nangangati, Namamantal Na Balat: Skin Asthma, Dermatitis, O Eczema Ba Ito?

    Pagdating sa mga sakit sa balat, mas mahalaga pa rin ang prevention kaysa sa gamot.
    by Anna G. Miranda .
Namumula, Nangangati, Namamantal Na Balat: Skin Asthma, Dermatitis, O Eczema Ba Ito?
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag may pangangati, pamumula, at pamamantal sa mukha ng bata, kahit baby pa, maaaring isipin mo na dahil ito sa allergy kung hindi naman siya nakagat ng lamok o iba pang kulisap. Maaaring isa na pala ito sa mga sakit sa balat, tulad ng eczema.

    May pitong mga uri o types of eczema, at kabilang dito ang atopic dermatitis, na tinatawag ring asthma of the skin o skin asthma.

    Ano ang skin asthma?

    Ang skin asthma ay "inflammatory skin condition” na nakaaapekto sa mga bata mula infancy, bandang tatlong buwan, ayon kay Dr. Natasha Balbas sa isinulat niyang artikulo para sa Smart Parenting.

    Kung ang iyong anak ay mayroong isa sa medical conditions ng eczema, posible ring magkaroon siya ng iba pang atopic condition. Habang may mga kaso ng skin asthma na nawawala o gumagaling na sa edad lima (5), nariyan din ang mga tumatagal hanggang sa pagtanda ng pasyente.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May tinatawag ding "periods of exacerbations and remissions" na tumatagal hanggang edad 20s at 30s ng mga mayroon ng ganitong kondisyon. Ang paglala (exacerbations o flares) ang resulta ng hyper-reactivity ng immune system ng isang tao.

    Mga sintomas

    Maaaring may pagkakaiba sa nararanasang mga sintomas ngunit karaniwang kapansin-pansin ang sumusunod:

    • Pamumula, pangangaliskis, at pangangati ng balat
    • Rashes na nagiging scaly, crusty, o leathery patches

    Mga sanhi

    Hindi pa lubos na natutukoy ang sanhi ng pamumula, pangangati, at pagkatuyo ng balat ngunit ayon sa mga eksperto, malaking papel ang ginagampanan dito ng environmental factors at irritants. Ayon sa mga pag-aaral, 80% ng atopic dermatitis, o skin asthma, cases ay hereditary o namamana. Ibig sabihin mayroon din itong genetic component.

    Nirerekomenda ni Dr. Jamie Isip-Cumpas, isang pediatrician, ang soap-free at fragrant-free cleansers. Ayon sa kanya, mahalaga rin ang pagpili ng mga damit na gawa sa cotton dahil natural ito at hindi synthetic fiber. Tandaan din ito sa pagpili ng iba pang mga gamit tulad ng kumot, kobre-kama, tuwalya, at burp cloths kay baby.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kung exposed sa trigger factors—tulad ng irritants (sabon, detergents), skin infections at contact o inhalant allergens—maaaring mas lumala pa ang kondisyon at mangailangan ng medikasyon.

    Mga trigger

    Nangyayari ang atopic dermatitis, o skin asthma, kapag mayroong environmental trigger na sanhi ng allergic reaction sa katawan, tulad ng:

    • Mga pagkain kagaya ng mani, soy, itlog, dairy products, wheat, at isda
    • Airborne allergens
    • Solonization ng Staph aureus bacteria sa balat

    Paano makaiiwas sa atake ng skin asthma?

    Epektibong paraan upang makaiwas sa allergens ang pag-iwas sa triggers nito.

    Narito pa ang ilang paraan upang makaiwas sa skin asthma:

    • Basahin ang labels ng mga pagkain at produktong ginagamit araw-araw
    • Sumailalim sa mga test upang matukoy kung mayroon kang food-related allergies o sensitivities ang inyong pamilya

    Napakahalaga rin ng pagpapalakas sa immune system. Ang diet na mayaman sa essential fats, bitamina, at mineral ay makapagpapalakas din sa immune system.

    Kung may kasapi ng pamilya na histamine-intolerant, mainam kung babawasan o tutuluyang tanggalin ang isda/shellfish, cheeses, hard cured sausages, alcohol, talong, spinach, at kamatis sa pang-araw-araw na pagkain ninyo sa bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iwasan din ang labis na pag-kain ng mga matatamis. Nakapagpapalala kasi ito sa pamamaga o inflammation na dulot ng skin asthma. Isa pang mahalagang bagay ay ang regular na pagpapaaraw para sa produksyon ng Vitamin D na isang immune-boosting nutrient.

    Diagnosis

    Walang iisang pagsusuri para sa pag-diagnose sa skin asthma at iba pang uri ng eczema ngunit nakatutulong sa mga doktor ang physical exam at review of medical history ng mga pasyente.

    Tandaang dapat magpapa-check up sa dermatologist o allergist. Posibleng mahigit isang beses ka dapat magpatingin sa iyong doktor upang makapagbigay siya ng mas accurate na diagnosis.

    Magtatanong ang doktor kung kailan nagsimula ang mga sintomas at kung ano-ano ang naging posibleng triggers nito. Kasama sa maaaring itanong sa iyo ng doktor ang ang sumusunod kung ikaw ang pasyente:

    • Umakyat ka ba ng bundok?
    • May isinuot ka bang bagong kuwintas?
    • Gumamit ka ba ng bagong produkto tulad ng laundry detergent?
    • Nagpakulay o perm ka ba ng buhok?
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Posible kasing isa sa mga ito ang dahilan ng problema sa iyong balat. Gumagamit din ng patch test upang suriin ang lagay ng iyong balat.

    Treatment

    Mahalagang ipatingin ang anak o ikaw mismo nang mabigyan ng tamang gamot. Kabilang sa mga ito ang:

    • Over-the-counter antihistamines
    • Over-the-counter medicines, tulad ng topical hydrocortisone
    • Over-the-counter moisturizers at iba pang lotions, creams at ointment

    Mababawasan ang pamamaga sa tulong ng mga produktong nabanggit. Iwasan ding maging dry o tuyo ang balat. Makatutulong ang pagtulog nang may moistened gauze sa affected areas.

    Kung ikaw ang pasyete, tandaang kapag sedating antihistamines tulad ng diphenhydramine ang gagamitin, maaaring makaapekto ito sa kakayahang gawin ang trabaho hanggang sa susunod na araw. Iwasang uminom ng antihistamine kapag magmamaneho o mayroong importanteng lakad kinabukasan.

    Ang nasa listahan sa ibaba ay kasama sa prescription medicines na makatutulong upang maibsan ang inflammation:

    • Oral o mas potent na topical corticosteroids
    • Topical calcineurin inhibitors (TCIs)
    • Systemic medicines at biological drugs
    • Oral o topical antibiotics para sa skin infections
    • Phototherapy, o paggamit ng ultraviolet light bilang lunas sa inflammation
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang skin asthma, o atopic dermatitis, at iba pang uri ng eczema ay chronic condition kung kaya't napakahalagang maging maingat. Ibig sabihin, pabalik-balik ito at mabibigyan lang ng ginhawa. Sundin ang payo ng doktor at iwasan ang mga trigger. 

    Basahin dito ang tungkol sa mga produktong makatutulong sa iyo kung mayroon kang skin asthma.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close