embed embed2
Bakit Kailangan Ipatingin Sa Doktor Ang Batang May Sugat Sa Mata, Sabi Ng Mga Eksperto
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Hindi maiaalis sa magulang na mag-alala kapag nagtamo ng sugat sa mata ang anak. Siguro habang naglalaro o di kaya nakahawak ng matulis na bagay. Baka kasi maging mitsa pa iyan ng pagkaroon ng diperensya sa mata at pagkasira ng paningin ng bata.

    Mga dapat malaman tungkolsa sugat sa mata

    Kung simpleng galos o di kaya mababaw na sugat ang natamo ng bata, maaaring gumaling ito nang kusa. Ito ang sabi ng Seattle's Hospital. Pero iyon daw malalim na sugat ang kailangang mabigyan ng medical attention.

    Tinatawag na eyelid laceration ang sugat sa talukap ng mata, sabi naman ng University of Rochester Medical Center (URMC). Kadalasang nagkakaroon nito ang bata kapag nadapa o di kaya nauntog, at saka tumama ang mata sa matulis na bagay.

    May mga laceration daw na apektado lang ang talukap ng mata, pero meron din namang mismong mata ang napuruhan. Kaya mainam daw na ipatingin ang bata sa doktor. Baka kasi kailanganin ng bata ang iba pang pagsusuri at pagganot.

    Mga dapat gawin kapag nasugatan sa mata ang bata

    Kung hindi pa madala ang bata sa doktor o naghihintay ng medical assistance, magbigay na lang muna ng first aid. Ito ang mga bilin ng American Academy of Ophthalmology (AAO):

    • Huwag hawakan, kuskusin, o di kaya gamitan ng kahit anong pressure ang apektadong mata ng bata.
    • Huwag subukan na tanggalin ang anumang dumikit sa mata.
    • Kung maliit na bagay lang, itaas ang talukap ng mata at sabihan ang bata na kumurap nang mabilis. Baka kasi kusang matanggal ang bagay na iyon.
    • Kung hindi ito kusang matanggal, kailangan nang dalhin sa healthcare facility ang bata.
    • Huwag pahiran ng ointment o anumang gamot ang mata.
    • Takpan ang sugat sa mata gamit ang malinis na bandage o tela.
    • Kung natalsikan ng chemical ang mata, doon lang puwedeng hugasan ito gamit ang malinis na tubig.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano magagamot ang sugat sa mata

    Mainam na matignan kaagad ang apektadong mata ng bata ng espesyalista sa mata (ophthalmologist) o di kaya primary care doctor, sabi pa ng AAO. Minsan daw kasi tila minor lang ang pinsala, pero kalaunan, lumalabas na seryoso pala ang lagay nito. Kaya kapag pinatagal pa ang pagpunta sa doktor, baka gumgrabe ang kalagayan ng bata at humantong pa sa pagkabulag.

    Paliwanag pa ng URMC, nakadepende ang paggamot sa eyelid laceration sa mga nararamdamang sintomas ng bata, pati na ang kanyang edad at kalusugan. Dagdag pa diyan kung gaano kalala ang pinsalang natamo niya.

    Pagtahi sa sugat

    Kapag sinabi raw ng doktor na simpleng sugat sa mata ang natamo ng bata, maaaring tahiin (suture). Lalagyan muna ng pampamanhid (anesthetic drops) ang apektadong mata at, kung kinakailangan, ang katabing tissue sa mata. Pero kung hindi pa makasunod sa instructions ang bata, baka bigyan siya ng general anesthesia.

    Masusing pagsusuri

    Kung may kalakihan ang sugat sa mata, kailangan matignan pa ito nang husto ng doktor, lalo ng espesyalista, nang masuri ang mata mismo.

    Operasyon

    Kung grabe ang pinsala sa mata, posibleng kailanganin ang plastic surgery. Ginagawa ito para sa mga tinamaang eye muscles, tear duct, at iba pang parte ng mata.

    Paano maiiwasan na masugatan ang mata

    May mga suhestiyon ang mga eksperto para maprotektahan at maalagaan ang mata ng bata:

    • Magsuot ng eye protector kung maglalaro ng sports na hindi maiiwasan magkabanggaan
    • Ilagay ang lahat ng chemical at spray sa parte ng bahay na hindi maaabot ng maliliit na bata
    • Ituro ang tamang paggamit na mga bagay na maaaring makatusok, tulad ng lapis, gunting, hanger, paper clip, at iba pa
    • Bigyan lamang ng age-appropriate toys ang bata
    • Iwasan ang mga laruang gaya ng darts, bows/arrows, at missle
    • Maglagay ng safety gates sa hagdan upang hindi maaksidente ang bata at humantong sa sugat sa mata
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Basahin dito para sa masakit ang mata at dito para sa gamot sa pamamaga ng mata.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close