embed embed2
  • Ang Payat ng Anak Ko! Kailangan Niya Ba ng Vitamins na Pampataba?

    Kailangang mag-ingat at may payo ng doktor bago bumili ng vitamin supplements.
    by Allan Olga .
Ang Payat ng Anak Ko! Kailangan Niya Ba ng Vitamins na Pampataba?
  • Isa sa mga madalas makuhang tanong sa Facebook Messenger ng SmartParenting.com.ph ay, “Ano ang pinakamagandang vitamins pampataba para sa anak ko?” Tinanong namin ang isang pediatrician at ibinalik naman niya sa amin ang isa pang tanong na ayon sa kanya ay mahalaga ring i-consider: “Ang inyong anak ba ay pinapakain ng balanse at tamang pagkain?”

    Ang pediatrician na ito ay si Dr. Rita Paz Rowena A. De Guzman, isang developmental pediatrician at miyembro ng Philippine Pediatric Society. Ayon sa kanya, ang pagkain ay nananatiling pangunahing napagkukunan ng nutrisyon para sa balanse at masustansiyang diet. Pero dahil sa dami ng kinakaing fast food at instant meals, isang hamon ang pagkakaroon ng balanced meal.

    Sabi ni Dr. De Guzman, “We live busy lives and fast food is convenient. So, when we talk to the parents, we get background information and ask about what the child eats. If we feel that a nutritious diet is not always provided, then a vitamin supplement becomes essential.” (Dahil madalas tayong busy, madalas ipakain sa mga bata ay fast food. Kaya kapag nakikipag-usap kami sa mga magulang, nagtatanong kami ng background information at kung ano ang kinakain ng mga bata. Kung pakiramdam namin ay hindi nabibigyan ng masusustansiyang pagkain ang mga bata, dito nagiging mahalaga ang vitamin supplement.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ang vitamin supplements na tinatawag ding multivitamins ay nakatutulong para makapagbigay ng mga kakulangang bitamina sa bata. Mahalaga ang mga ito dahil ang kakulangan ng bitamina ay nakasasama sa bata, ayon sa pediatrician. Kailangan nilang magkaroon ng malakas na pangangatawan na pwedeng makuha sa vitamins.

    “Let me give a very common example that’s being discussed right now. Vitamin D was not really essential before in the diet of Filipino kids, but because kids today are getting limited outdoor play — because they’re always on gadgets, they don’t get to be under the sun — the vitamin D in their bodies has really gone down.” (Magbibigay ako ng isang karaniwang halimbawa tungkol sa paksang ito. Dati ay hindi naman binibigyang pansin ang pagbibigay ng vitamin D sa diet ng bata, pero dahil hindi na masyadong lumalabas ang mga bata dahil sa mga gadgets, hindi na sila nabibilad sa araw at bumababa ang vitamin D sa kanilang katawan.)

    Kaya naman kasama ang vitamin D sa mga multivitamin supplements, sabi ng doktor. Ang bitaminang ito na mahalaga para magkaroon ng calcium sa katawan ay hindi nakukuha mula sa pagkain, kundi mula sa araw. Aniya, “If you don't provide enough vitamin D you end up with children who may have problems with growth, with their bones.” (Kung hindi sapat ang vitamin D, maaaring magkaroon ng problema ang inyong anak sa paglaki at sa kanilang mga buto.)

    “So, we inform the parents and educate them about a healthy diet. If it turns out that they cannot provide a nutritious and balanced one, then you supplement.” (Kaya naman itinuturo namin sa mga magulang ang tungkol sa healthy diet. Kung hindi nila nabibigyan ng masusustansiya at balanseng pagkain ang kanilang mga anak, kailangang bigyan sila ng supplement).

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Ang payat ng anak ko. Anong vitamins ang ibibigay ko?

    Ito ay isa pang madalas itanong ng magulang. Sagot ni Dr. De Guzman, “Muli, tinatanong namin kung ano ang pinapakain sa bata, at kung hindi ito sapat — kadalasan hindi — kaya kailangang painumin ng vitamins.”

    “Vitamins are not really for just weight gain. Vitamins will be to supply all your micro- and macronutrients. For picky eaters, which is also a concern of the moms, it still boils down to a healthy, nutritious, balanced diet. But while you're in the process of correcting the picky eating behavior then you have to give something to supply what's missing until you can balance it out.” (Hindi lamang para sa pampataba ang vitamins. Ang vitamins ay magbibigay ng lahat ng micro- at macronutrients. Para sa mga batang pihikan sa pagkain, na isa sa mga problema rin ng mga nanay, ang kailangan ay ang pagkakaroon pa rin ng tama, masustansiya, at balanseng diet. Pero habang kinakaharap n’yo pa ang problema ng pagiging pihikan sa pagkain ng inyong anak, kailangang bigyan ng bitamina para mapunan kung ano man ang kulang).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa American Academy of Pediatrics, ang mahahalagang vitamins and minerals para sa normal na paglaki ng bata ay vitamin A, vitamin C, vitamin D, iron, at B vitamins.

    Bilang vitamin supplements, ito maaaring inumin (madalas may flavor ito na gusto ng bata) at mga vitamin tablets na may ibat-ibang hugis na mabibili sa mga drug store. Ngunit siguraduhing may pahintulot kayo mula sa inyong pediatrician bago ibigay ang mga ito sa inyong anak.

    Idinadagdag ng UNICEF dito ang iodine (kaya naman ang table salt sa Pilipinas ay nagtataglay ng iodine). Ang nutrient deficiency o kakulangan ng mga nutrisyon na ito sa katawan ay nauuwi sa anemia (ang sintomas nito ay pagiging matamlay), malapit sa pagkakaroon ng mga impeksyon, gayundin ang preventable blindness.

    What other parents are reading

    Mahahalagang vitamins para sa mga bata

    Alam nating mga nanay na mahalaga ang vitamins para sa tamang nutrisyon at paglaki ng ating mga anak. Nakakapagpalinaw ng mata ang vitamin A. Nagbibigay naman ng energy ang vitamin B para sa mga pang-araw-araw na aktibidad. Huwag kalimutan ang vitamin C na nagpapalakas sa immune system at maiiwasan ang magkasakit (bawal mag-absent!).

    Ang magandang balita, ang mga organic compounds o bitaminang ito ay makukuha sa ibat-ibang uri ng pagkain — prutas at gulay na mayaman din sa anti-oxidant vitamins.

    Pabaunan din sila ng paborito nilang prutas at bigyan ng isang baso ng gatas tuwing almusal o bago matulog para matiyak na nakukuha nila ang sapat na bitamina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kung ang iyong anak ay pinagpayuhan ng vitamin supplement, ani Rosanne Sugay, M.D., isang internist at pediatrician, sundin ang dosing sa packaging depende sa edad at bigat ng bata at sa sinabi ng doktor. Ang lahat ng sobra ay hindi nakabubuti. Hindi kailangan maging branded dahil kahit ang mapagkakatiwalang generic brand ay nakabubuti para sa inyong anak.

    Kung mayroong medical condition ang inyong anak at hindi dumadagdag ang timbang, tanungin ang inyong pediatrician para sa tamang vitamins pampataba. Huwag kalimutan ang vitamin supplement na ito ay complement o dapat iniinom kasama ng isang healthy diet.

    Tandaan: laging kumonsulta sa pediatrician bago bigyan ng anumang vitamin supplement ang inyong anak. Kung niresetahan ang inyong anak ng multivitamins, sundin ang dosage instructions, ipaliwanag na hindi ito candy at ilagay sa lugar na hindi maaabot ng inyong anak.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close