-
Love & Relationships Katamaran Ni Mister (At Ni Misis!) Kailan Okay At Kailan Nakakasira Ng Pagsasama
-
Home From 'Tambakan' To Organized Pantry! How This Mom Achieved Her Bodega Transformation
-
Home #ShareKoLang: Ipinasilip Ng Mga Nanay Ang Kanilang Mga Super Organized Freezers
-
Breastfeeding COVID-19 Positive Mom Shares What Her Breast Milk Looks Like
-
7 Pasyalan Sa Metro Manila Para Sa Mga Batang Edad Lima Pababa
Bukod sa matutuwa at maaaliw ang mga anak mo, marami rin silang matututunan sa mga lugar na ito!by Jhem Bon .

Karamihan sa pamilyang Pilipino ay naghahanap ng mapupuntahan kapag weekend. Ito kasi kadalasan ang nagiging bonding ng pamilya kapag walang pasok sa trabaho at eskwela. Kilala tayo sa close family ties kaya naman para sa atin, importante ang maglaan ng oras para sa pamilya.
What other parents are reading
Kung ang little kids ang inyong iniisip, huwag mag-alala dahil maraming pasyalan ang tiyak na ma-eeenjoy nila. Huwag nang magdalawang-isip pa sa iniisip ninyong weekend getaway in Manila. Narito ang ilan sa aming mga paboritong pasyalan na swak na swak para sa mga maliliit na bata:
Parks
Isa sa pinakasikat na pasyalan ang mga parke. Bukod sa libre dito, malayang makakapaglaro at makakatakbo ang mga bata rito. Perfect itong puntahan mula sa mga batang nag-aaral palang maglakad hanggang sa nag-uubos ng energy kakatakbo.
Rizal Park
Ang Rizal Park o mas kilala bilang Luneta ang isa pinakasikat na mga parke sa Metro Manila. Dito matatagpuan ang bantayog ni Gat. Jose Rizal. Nandito din ang tila isang lawa na hugis mapa ng Pilipinas. Mayroon din dtong playground na maaring ma-enjoy ng mga bata. Sa gabi naman ay inaabangan dito ang makulay na dancing fountain. Bukas ito sa publiko at maari puntahan ano mang oras, ano mang araw.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano pumunta rito: Sumakay ng LRT 1 at bumaba sa UN Avenue Station.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosEntrance fee: Libre
Quezon City Memorial Circle (QCMC)
Hayaan ang mga batang magbisikleta sa ilalim ng araw. Tiyak na mag-eenjoy sila sa bike rentals dito. Kung hindi sila marunong magbisikleta ay maari mo silang isakay sa side car na available din for rent. Bukod dito ay matatagpuan din sa loob ng parke ang Circle of Joy—isang bukas na palaruan na may makukulay na slides, tunnels, monkey bars at seesaw na nasa lilim ng malalaking puno. Ang Quezon Memorial Circle ay matatagpuan sa gitna ng elliptical road sa Quezon City.
PHOTO BY Rachelle MedinaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano pumunta: Mula sa Kamuning ay sumakay ng jeep papunta ng Quezon City Hall. Pagbaba ng jeep ay maaring tumawid papunta sa entrance gate ng Quezon Memorial Circle. Paalala: tumawid lamang sa tamang tawiran.
Bayad: Libre
What other parents are reading
Ninoy Aquino Parks and Wildlife
Kung ang interes ng iyong anak ay mga hayop at halaman, isa ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa inyong dapat bisitahin. Isa itong zoological at botanical garden na matatagpuan sa Diliman, Quezon City. Nagsisilbi itong rescue center kung saan dinadala ang mga nakumpiska at injured na hayop para alagaan at pagalingin. Ilan sa mga makikita rito ay unggoy, ahas, agila at iba pang uri ng ibon. Bukas ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife mula Martes hanggang Linggo, 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano pumunta: Mula SM North ay maaring sumakay ng Jeep papuntang UP DIliman o kaya naman ay Quezon City Hall. Magpababa sa Wildlife na madadaanan bago lumabas ng elliptical road ang jeep. Ito ay nasa gawing kanan.
Entrance fee: Php30 per adult; may discount ang estudyante, senior citizen at PWD
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLaMesa Ecopark
Maraming iba't-ibang activities sa LaMesa Ecopark na pwedeng gawin tulad ng hiking, biking, horse back riding, rapelling, zipline at pwede ding mangisda. Mayroon rin ditong swimming complex kung saan maaring mag-swimming ang mga bata. Masarap ditong magpahinga sa lilim ng puno at mag-picnic kasama ang pamilya. Bukas ito araw-araw mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
PHOTO BY Leah San JoseADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano pumunta: Mula sa Quezon Avenue, sumakay ng jeep papuntang Fairview. Magsabi lang sa drayber na pupunta ka ng EcoPark. Pagbaba ay may sakayan ng tricycle. Ito ang maghahatid sa iyo papunta sa Entrance ng La Mesa EcoPark.
Entrance fee: Php50 para sa mga 3ft pataas
Libre sa mga batang below 3ft
What other parents are reading
Iba pang pasyalan:
Bukod sa mga parke ay mayroon ding mga establisyimento o pasyalan na pwedeng puntahan para sa inyong weekend getaway na kasama ang mga bata:
Bounce
Perfect dito ang mga batang hindi nauubos ang energy dahil dito ay maari silang magtatalon, maglaro at magtatakbo hanggang sa maubos ang kanilang oras. Ang Bounce ay isang indoor playground na may iba’t-ibang laki at hugis ng mga trampoline at malalaking foam.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaaari rin silang maglaro ng bola habang tumatalon habang may ballpit din na para sa mga maliliit na bata. Tandaan na ang mga batang edad 1 hanggang 5 ay kailangang may kasamang guardian sa loob. Kinakailangan ding magsuot ng grip socks na mabibili sa registration counter.
Paano pumunta: Ang BOUNCE sa SM North ay makikita sa bagong tayong North Towers habang nasa South Towers naman ito ng SM Southmall.
Entrance fee: Php349 para sa mga bata 1 hanggang 5 taon para sa isang oras na laro; Php149 para sa guardian
What other parents are reading
Fun Ranch
Ang mga batang maliit ay likas na mahilig sa laro. Kaya naman sakto ang giant indoor playground at mga kiddie rides dito sa Fun Ranch para sa inyong anak. Kung si kuya at ate ang kasama ay hindi naman sila maiinip dahil mayroon ding mga mural walls na perfect na pang-selfie nila. Ang Fun Ranch ay matatagpuan sa Frontera Verde sa Ortigas. Bukas ito 12 ng tanghali hanggang 9 ng gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes at 10 ng umaga hanggang 9 ng gabi naman kapag Sabado at Linggo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano pumunta: Sumakay ng MRT at bumaba sa Shaw Boulevard station. Maglakad papunta sa EDSA Central Jeep terminal at doon sumakay papuntang Ugong, Pasig. Magpababa sa Tiendesitas. Nasa tapat nito ang Fun Ranch.
Entrance fee: Sa kasalakuyan ay mayroon silang promo na Php499 para sa ride-all-you-can-pass at unlimited playtime sa kanilang indoor playground.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
SM by the Bay Amusement Park
Kung pagkatapos mag-mall ay naghahanap pa ng pasyalan ang inyong anak, nasa likod na bahagi ng SM Mall of Asia sa Pasay ang SM by the Bay Amusement Park. Mayroon ditong mga rides na tiyak na magugustuhan ng inyong anak. Pwede dito ang mga batang edad 5 pababa basta may kasamang magulang.
Paano pumunta: Sumakay ng LRT at bumaba sa Gil Puyat Station. Pagbaba ng estasyon ng tren ay may mga multicab na magbaba sa terminal sa SM MOA.
Entrance fee: Ang mga rides ay nagkakahalaga ng Php50 hanggang Php250. Ngunit maaring bumili ng ride-all-you-can ticket sa Metrodeal sa halagang Php230.
Tandaan: Bantayan maigi ang mga batang edad 5 pababa. Wag silang hayaang mawala sa paningin ng mga nakatatanda.Ugaliin ding magdala ng damit na pamalit at magbaon ng tubig.
Hayaan mong maglaro ang bata sa araw, ika nga sa isang kanta. Para sa bata, wala na ngang mas sasaya pa sa oras kasama ang pamilya. Ang memories na ito ay baon nila habang lumalaki at may magagandang maidudulot sa kanilang pagkatao sa hinaharap.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon ka pa bang mga weekend pasyalan na gusto mong i-recommend? Pwede mo itong i-share sa mga kapwa mo nanay sa pamamagitan ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.

View More Stories About
Trending in Summit Network