Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Beginner Ice Skating Tips Mula Sa Mga World-Class Pinoy Skaters Ng Disney On Ice

    Kasama namin ang 2017 SEA Games ice skater na si Jules Alpe at 2007 Winter Olympics ice skater na si Clarisse Roman.
    by Ana Gonzales .
Beginner Ice Skating Tips Mula Sa Mga World-Class Pinoy Skaters Ng Disney On Ice
PHOTO BY Cyrille Calderon
  • Sa isang talaga namang pambihirang pagkakataon, nakasama ng Smart Parenting team sa yelo ang dalawang Pinoy world-class skaters na kabilang sa Disney On Ice 2019.

    Nakangiti nila kaming sinalubong sa Ice Skating Rink ng SM Megamall kahapon, December 16, para sa isang on-ice interview kung saan tinuruan nila kami ng basic ice skating skills. Kung gusto mong magsimula ang iyong anak sa sport na ito, narito ang ilang dapat mong malaman:

    More from Smart Parenting

    Anu-anong gamit ang kailangan?

    Pagpasok mo sa SM Megamall Ice Skating Rink, ang una mong kailangang gawin ay hanapin ang tamang size ng skating shoes na irerent mo. Ayon sa mga tumulong sa amin mula sa kanilang management team, importanteng lapat sa paa mo ang sapatos—hindi dapat masyadong masikip at maluwag dahil maaari itong maging dahilan para matapilok ka.

    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gusto mo namang bumili ng sarili mong ice skating shoes, mayroon silang beginner skates na mabibili mo mula sa halagang Php11,000 hanggang Php15,000.

    PHOTO BY Ana Gonzales

    Mayroon ding ibinebentang tights at leggings sa rink. Maaring magsuot ng activewear na panlamig para makakilos ng maayos habang nag-iice skating.

    PHOTO BY Ana Gonzales

    Anu-ano ang mga dapat tandaan?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi namin maikakailang ang unang pumasok sa isip namin pagtapak namin sa yelo ay kung gaano kasakit kapag bumagsak kami. Ngunit sa unang tapak pa lang namin, ipinakita na agad nina Jules at Clarisse kung paano ang tamang paraan ng pagbalanse sa yelo.

    More from Smart Parenting

    Huwag masyadong yumuko

    Ayon kina Jules at Clarisse, para mahanap mo ang balanse mo, dapat ay naka-V shape ang iyong mga paa. Itaas mo ang iyong mga kamay na para bang mayroon kang magagaang mga pakpak.

    Ito ang first position. Dapat ay V-shaped ang paa.
    PHOTO BY Cyrille Calderon
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahan-dahan mong iangat ang iyong ulo kung napapansin mong masyado kang nakayuko.

    PHOTO BY Cyrille Calderon

    Ayon sa world-class skaters, kapag masyado kang nakayuko, mas malaki ang chance na mawala ang iyong balanse. Tumayo ka ng diretso at magrelax. Hindi mo napapansin, nakakapagbalanse ka na. 

    Huwag humakbang ng malalaki

    Marching ang sumunod na itinuro sa amin nina Jules at Clarisse. Ayon sa kanila, kapag natuto ka nang magbalanse, importanteng magkaroon ka naman ng confidence para humakbang. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    via GIPHY

    Ngunit! Kailangang maliliit na hakbang lang sa umpisa, para hindi maglayo ang iyong mga paa at hindi ka matumba. 

    Kapag pinagsama mo ang first position at second position, maaari mo nang mapraktis ang glide.

    via GIPHY

    More from Smart Parenting

    Huwag masyadong lumiyad o mag-lean back

    Delikadong matumba ka kung masyado kang liliyad.

    Huwag mag-lean back!
    PHOTO BY Cyrille Calderon
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay Jules, mas mabilis kang mawawala sa balanse kung hindi ka tatayo ng diretso.

    More from Smart Parenting

    Anong gagawin kapag nahulog ka?

    Syempre hindi maiiwasang mahulog ka sa unang beses mong sumubok. Natutunan namin kay Jules na mayroon palang tamang paraan para tumayo kapag natumba ka habang nag-sskating. 

    via GIPHY

    Importanteng maupo ka muna at huwag na huwag magpahila sa iba dahil baka matumba rin sila.

    More from Smart Parenting

    Saan pwedeng magsimula ang anak ko na mag-aral ng ice skating?

    Sa SM Skating Rink, Php450 ang unlimited skating. Kasama na rito ang mga skating shoes na gagamitin mo. Kung gusto mo na may magtuturo sa iyo, may assist coach para sa halagang Php150 kada 30 minuto. May locker din na pwede mong paglagyan ng gamit sa halagang Php50 lang. 

    Kung gusto mo namang matuto ang anak mo ng basic figure skating, mayroon sila nito sa halagang Php3,600. Sa pamamagitan nito, matututunan ng anak mo ang lahat ng basics para masimulan nilang tuparin ang pangarap nilang maging figure skaters.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Wala pang sampung taong gulang si Jules nang magsimula siyang mag-skate. Ayon sa kanya, nagpunta sila ng mga magulang niya sa SM Southmall at doon niya nakita ang mga nag-iice skating. Pinilit pa raw niya ang mga magulang niya para masubukan niya. 

    Sandali pa lamang siya sa yelo ay nakuha na niya ang pagbalanse. Nag-lessons siya para tuluyang mahasa ang kanyang ice skating skills at doon na nga nagsimula ang kanyang skating career.

    Ganoon din kabata si Clarisse nang magsimula siya. Ayon sa kanya, naintindihan niyang hindi talaga mura ang ice skating, lalo na ang lessons at practice. Ngunit para suportahan ang kanyang pangarap, gumagamit ng mga discount vouchers ang kanyang mga magulang para makapag-practice siya. “Hindi naman po talaga ako galing sa mayamang pamilya, talagang sinuportahan lang po ako ng mga magulang ko,” kwento niya.

    More from Smart Parenting

    “Ganoon din po ang parents ko,” dagdag ni Jules. “Noong nakita po nila ang potential ko, inencourage po nila akong ituloy ang ice skating.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating naman sa kanilang Disney On Ice experience, ikinwento nila sa amin kung paanong naging pangalawang pamilya na nila ang mga kasama nilang skaters dito. “Kung ano ‘yung nakikita ninyo sa Disney, sa shows, sa stage, ‘yung fun, ‘yung love, ‘yung family, ‘yun po ang na-fefeel namin backstage,” kwento ni Clarisse. “Pagdating namin doon, very welcoming sila.”

    More from Smart Parenting

    Ano nga ba ang naging journey nila para makamit ang kanilang mga roles sa Disney On Ice? 

    Kwento ni Clarisse, nagpadala siya ng audition video kung saan ipinakita niya ang lahat ng kaya niyang gawin sa yelo, kabilang na ang kanyang mga spins at jumps. Halos naging ganoon ‘din ang journey ni Jules na nagsimula naman noong isang taon. 

    “Noong una, I just wanted to try to audition. Hindi ko nga inexpect na ma-hihire ako. Makatapak lang ako sa yelo nila, okay na ako,” kwento ni Clarisse.

    “I know ice skating is very expensive, it’s hard din po, but if this is your passion and you also want to join something like Disney On Ice, you’ll never know,” pag-encourage ni Jules.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “It started out for fun,” pagsang-ayon naman ni Clarisse, “Just have fun, hard work din!” 

    More from Smart Parenting

    Bagaman nakaramdam ng home sickness sina Clarisse at Jules dahil na rin sa U.S. sila kalimitang nag-shoshow, napapagtagumpayan nila ito sa pamamagitan na rin ng madalas na pagtawag sa kanilang mga kapamilya.

    Ngayon, makakapagtanghal na sila sa kanilang sariling bansa kung saan nila unang nahasa ang kanilang mga galing sa ice skating. Sa December 21 ay magbubukas na ang 2019 edition ng Disney On Ice sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

    More from Smart Parenting

    Para sa isang bansang walang taglamig, nakakabilib makitang naaabot ng ating mga kabataang Pinoy ang kanilang mga pangarap sa larangan ng ice skating. Katulad ng tema ng Disney On Ice ngayong taon na Live Your Dreams, pinatunayan nina Jules at Clarisse na nagsimula ka man sa maliit at simple, kapag nagpatuloy ka sa kabila ng ano mang hamon, siguradong matutupad mo ang iyong mga pangarap.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakabili ka na ba ng ticket ninyo para sa Disney On Ice ngayong taon? Kung hindi pa, maaari kang mag-book ng tickets dito.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles