embed embed2
  • Upcoming Disney Movies Na Dapat Mong Abangan Sa 2020

    Narito ang ilan sa mga pwede ninyong panoorin pagpasok ng bagong taon.
    by Ana Gonzales .
Upcoming Disney Movies Na Dapat Mong Abangan Sa 2020
PHOTO BY iStock
  • Siguradong bahagi na ng buhay ninyong mag-anak ang mga pelikula at palabas ng Disney. Kabilang na riyan ang mga animated movies tulad ng Frozen, Beauty and the Beast, at Mulan. Bukod kasi sa magaganda ang mga ito, kapupulutan din ang bawat palabas ng magagandang aral. Narito ang ilan sa mga dapat ninyong abangan:

    Onward

    (Release Date: March 2020)

    Ang pelikulang ito ay mula sa mga lumikha ng animated movie na Monster’s University. Ito ay isang suburban fantasy tungkol sa magkapatid na naghahanap ng magandang adventure. 

    Star-studded ang pelikula na kinabibilangan nina Chris Pratt, Tom Holland, Julia Louis-Dreyfus at Octavia Spencer.

    More from Smart Parenting

    Mulan

    (Release Date: March 2020)

    Pagkatapos ng mga makabagong live action movies ng mga Disney classics tulad ng Beauty and the Beast at Aladdin, heto pa ang isang dapat ninyong abangan. 

    Ang Mulan ay isang epic adventure tungkol sa isang dalagang walang takot na sumugod sa giyera para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda ang pelikulang ito para i-empower ang iyong mga anak na babae na pwede nilang abutin ang kanilang mga pangarap nang hindi nag-aalala dahil sila’y babae.

    Maganda rin itong paraan para turuan ang mga anak mong lalake na ang mga babae ay hindi dapat itrato ng iba dahil sa kanilang kasarian.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Artemis Fowl

    (Release Date: May 2020)

    Kung mahilig naman ang anak mo sa mga book adaptations, siguradong magugustuhan nila ang Artemis Fowl. Hango ito sa unang nobela ng Irish na manunulat na si Eoin Colfer. Mayroon pa itong walong librong kasunod.

    Ito ay tungkol sa isang teenager na nakadiskubreng totoo ang mga fairies—kung anong gagawin niya sa discovery na ito ang dapat mong abangan. 

    Soul

    (Release Date: June 2020)

    Narito pa ang isang pelikulang galing sa Pixar. Sa naunang lumabas na trailer, mukha itong pinaghalong Inside Out at Coco

    Ayon sa Rotten Tomatoes, dadalhin ka nito sa isang kakaibang adventure para sagutin ang isa sa mga pinaka-importanteng life questions na mayroon tayong mga tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Bob’s Burgers

    (Release Date: July 2020)

    Fan ba ang mga anak mo ng The Simpsons Movie? Kung oo, siguradong magugustuhan din nila ang adaptation ng Fox series na ito. 

    Raya and the Last Dragon

    (Release Date: November 2020)

    Ang pelikulang ito ang kauna-unahang animated Disney film na kumuha ng inspirasyon mula sa  kultura na South East Asian. Hyper-realistic ang visuals ng pelikula kaya naman siguradong mabibilib hindi lang ang iyong mga anak kundi pati ang buong pamilya. 

    Lalabas na rin sa isang taon ang Marvel Studios movies tulad ng Black Widow at the Eternals—ilan lamang sa mga dapat naman ninyong abangan ni daddy. 

    Saan kayo madalas mag-movie marathon at manood ng sine ng inyong pamilya? Anong mga paborito nilang pinapanood na animated movies? I-share mo na sa comments section. Maaari mo ring ibahagi ang mga ito sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles