embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Narito Ang Magagandang Benefits Na Makukuha Mo Sa Ampalaya

    Kalimitan ay ayaw ng mga bata sa ampalaya, pero marami ka palang makukuhang benefits mula dito.
    by Jhem Bon .
Narito Ang Magagandang Benefits Na Makukuha Mo Sa Ampalaya
PHOTO BY iStock
  • Marahil ay maraming hindi nakakaalam na may mga gamot na libre at matatagpuan lamang sa loob ng inyong bakuran. Isang magandang halimbawa nito ay ang ampalaya. Kilala sa siyensya bilang Momordica Charantia, ang tawag dito sa ingles ay bitter gourd o bitter melon. Madali itong mahanap dahil kahit sa loob lamang ng inyong bakuran ay maaring makapagtanim nito.

    Marami nga ang umaayaw dahil sa hindi magandang lasa nito. Pero alam niyo ba na sagana ito sa sustansyang kailangan ng ating katawan?

    More from Smart Parenting

    Pwede bang gamiting gamot ang ampalaya?

    Maraming taglay na bitamina at mineral ang ampalaya. Kabilang na dito ang Vitamin C, folate, dietary fiber at vitamin A. Ito rin ay magandang source ng carbohydrates. Anu-ano nga ba ang mga maaaring makuhang benepisyo mula sa ampalaya?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • May beneficial properties ito na kayang alisin ang mga toxins sa ating dugo.
    • Mabuti itong remedyo sa hangover dahil kaya nitong linisin at muling isaayos ang atay pagkatapos mong kumonsumo ng alcohol.
    • Mayroon itong hypoglycemic compound na nakakatulong upang pababain ang sugar levels sa iyong dugo at ihi.
    • Nakakatulong itong ma-improve ang energy at stamina level. Sinasabing maigi din ito sa pagkakaroon ng maayos na sleeping pattern.
    • Nakakapagpatibay ito ng immune system at may hatid na dagdag resistensya panlaban sa impeksyon
    • Nakakatulong sa pagbuti ng kondisyon ng taong may psoriasis at iba pang fungal infection gaya ng ring worm at athlete’s foot.
    More from Smart Parenting

    Kung gagamitin mo ang ampalaya bilang halamang gamot, kailangan mong tandaan ang mga sumusunod:

    (Isang paalala: May mga sakit at sugat lalo na ang mga infections na kailangan ng payo ng doktor. Huwag gamitin ang nakasaad dito kung may pangamba. Hindi ito medical advice at hindi sigurado na epektibo.)

    Ang paggamit ng ampalaya bilang halamang gamot ay maaring makahdlang sa pagkaepektibo ng iba pang medisinang iniinom ng mga taong may diabetes, hypertension, sakit sa puso at iba pa. Mabuting kumonsulta sa doktor bago ito gamitin.

    Mas mabuti ring kumonsulta sa doktor tungkol sa tamang pagkonsumo ng ampalaya kung ikaw ay buntis o nagpapadede.

    More from Smart Parenting

    Paano ito gamitin bilang halamang gamot?

    Pantapal

    Ang dahon ng ampalaya ay karaniwang pinapakuluan o binabanlian at saka itinatapal sa apektadong bahagi ng katawan. Madalas ay hinahaluan ito ng iba pang herbal oils gaya ng olive at coconut oil. Maigi ito sa sugat, paso, at pati sa pamamaga ng ano mang bahagi ng katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Herbal Tea

    Ang ampalaya powder na galing sa dahon at prutas ay maaring gawing sabaw at tsaa.

    Paano ito gawin:

    1. Durugin sa tasa ang buto, dahon at bulaklak ng ampalaya.

    2. Ihalo sa kumukulong tubig at hayaan ng mga 10 hanggang 15 minuto.

    3. Palamigin ng bahagya at salain.

    4. Uminom ng isang tasa tatlong beses sa isang araw.

    Paalala: Isang araw lamang ang dapat itagal ng ginawang ampalaya herbal tea. Maghanda ng panibago kung kinakailangan.

    Higit na mabisa ang pinatuyong dahon, buto at bulaklak ng ampalaya kaya inirerekomenda na kalahati lamang nito ang gamitin.

    More from Smart Parenting

    Ampalaya Juice

    Kinukuha ang katas ng ampalaya kasama ang dahon nito at pinaiinom sa pasyente bilang halamang gamot. Isang kutsara para sa matanda habang isang kutsarita naman ang para sa bata ang nirereckomendang dosage. Maari din itong ihalo sa iba pang juice para magkaron ng mas katanggap-tanggap na lasa. Isang kutsara dalawang beses isang araw ang rekomendadong dosage nito hanggang sa gumaling ang may sakit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa pagluluto

    Karaniwan namang inihahalo sa ulam o pagkain ang ampalaya para maging mas kaaya-aya ang lasa nito. Para mabawasan ang pait, ito ay ibinababad muna ng ilang minuto sa tubig na may asin.

    More from Smart Parenting

    Paano ito ihanda bilang ulam?

    Madalas, dahil sa kakaibang pait nito ay inaayawan ang ampalaya lalo na ng mga bata. Isang paraan para mapakain ito sa kanila ay ang paghalo nito sa ulam o pagluluto nito sa paraang magugustuhan ng mga bata. Narito ang ilang recipes na tiyak na magugustuhan ng iyong anak:

    Lumpiang Shanghai with Ampalaya

    Kung nais mong makalusot sa iyong anak na ayaw ng ampalaya, dapat mong subukan ang recipe na ito.

    Mga sangkap (sukat ay depende sa dami ng gusto mong iluto):

    • giniling na baboy
    • amplaya
    • itlog
    • carrots
    • sibuyas
    • asin at paminta
    • lumpia wrapper
    • mantika

    Paraan ng pagluto:

    Ihalo ang giniling sa binating itlog, carrots, sibuyas at tinadtad na ampalaya. Lagyan ng asin at paminta pangpalasa. Maglagay ng sapat na dami sa wrapper, i-roll ito at iprito sa mantika.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ampalaya Cooler Shake

    Perfect itong pampalamig pagkatapos nilang maglaro.

    Mga sangkap:

    • ampalaya
    • dayap juice
    • sugar syrup o honey
    • yelo

    Paraan ng paghahanda:

    Ilagay ang ampalaya sa blender, lagyan ng tubig. I-blend hanggang sa maging pino. Salain at itabi ang juice na nakuha. Muling ilagay sa blender ang juice, haluan ito ng dayap juice, asukal o honey at yelo. I-blend ng maigi.

    Para makagawa ng sugar syrup:

    Sa isang maliit na saucepan, paghaluin ang asukal at tubig. Takpan at hayaang kumulo sa mahinang apoy hanggang sa ma-dissolve ang asukal. Palamigin at ilagay sa refrigerator.

    More from Smart Parenting

    Cheesy Ampalaya Relleno

    Kung mahilig sa cheese ang iyong anak, ito ang perfect na merienda.

    Mga sangkap:

    • bawang
    • sibuyas
    • giiling na Baboy
    • asin
    • paminta
    • paprika
    • tomato paste
    • Spring onion
    • itlog
    • quickmelt Cheese
    • ampalaya

    Paraan ng pagluto:

    Pagkagisa ng bawang at sibuyas, ihalo ang giniling na baboy. Timplahan ng asin, paminta, paprika, at tomato paste. Kapag luto na ang baboy, palamigin ng konti saka lagyan ng itlog. Haluing mabuti. Pagkaluto ay ipalaman sa ampalaya. Budburan ng keso at i-bake sa oven toaster sa loob ng 50 minuto pagkatapos ay pwede na itong i-serve.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kimchi Ampalaya Stir Fry

    Kung Korean fan naman ang iyong anak, bigyan siya ng korean pinoy dish na ito.

    Mga sangkap:

    • sibuyas
    • kimchi
    • ampalaya
    • kangkong
    • paminta
    • asin
    • itlog
    • mantika

    Paraan ng pagluto:

    Igisa ang sibuyas, kimchi, ampalaya at kangkong. Timplahan ng asin at paminta. Pag luto na ang mga gulay, ilagay ang itlog at lutuin sa loob ng 2 hanggang 3 minuto.

    Ampalaya Macaroons

    Gawing masustansya ang paborito niyang panghimagas.

    Mga sangkap:

    • ampalaya
    • niyog
    • itlog
    • condensend milk
    • vanilla
    • melted butter

    Paraan ng pagluto:

    Paghalu-haluin ang grated ampalaya, kinayad na niyog, itlog, condensed milk at vanilla. Lagyan ng butter sa ibabaw at ilagay na sa oven toaster. Pagkatapos ng 25 hanggang 30 minuto, maaring nang i-enjoy ang ampalaya macaroons.

    Madali lang gawin ang mga recipes na ito at madali lang din matutunan kung paano gamitin ang ampalaya bilang halamang gamot. Tandaan lang na kumonsulta muna sa doktor bago ito gamitin para sa iyong sarili, lalo na kung nagpapadede ka o buntis ka.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang buhay nga daw minsan ay parang ampalaya, mapait pero hindi natin ito dapat hinihindian. Dahil kung ano ang pait ng lasa nito ay siya namang ganda nito para sa ating kalusugan.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles