Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
11 Mabisang Halamang Gamot Para Sa Ubo, Sipon At Arthritis
PHOTO BY Pexels
  • Likas sa mga Pilipino ang pagiging matipid sa lahat ng bagay. Kaya naman kalimitan ay naghahanap tayo ng mga natural at alternatibong medisina kung mayroon tayong mga nararamdamang hindi gaanong malubhang sakit tulad ng simpleng ubo at sipon. 

    (Isang paalala: May mga sakit at sugat lalo na ang mga infections na kailangan ng payo ng doktor. Huwag gamitin ang nakasaad dito kung may pangamba. Hindi ito medical advice at hindi sigurado na epektibo.)

    More from Smart Parenting

    Para sa Sipon o Ubo

    Ang sipon at ubo ay karaniwang lumalabas tuwing pabago-bago ang panahon. Madali lang kasing maipasa ang sakit na ito lalo na kung may kasama sa bahay o sa opisina na mayroon na nito.

    Luya

    Ang sangkap na ito ay may natural antibiotic kaya mabisang panlunas sa sipon at ubo. Karaniwang pinipitpit ito, pinakukuluan sa dalawang baso ng tubig at hinahaluan ng isa o dalawang kutsara ng honey para magkalasa bago inumin ng may sakit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Oregano

    Ang halamang ito ay karaniwang makikita sa bakuran, lingid sa kaalaman ng marami, maraming karamdaman ang kaya nitong lunasan, katulad na lang ng sipon at ubo. Dinidikdik ang tatlo hanggang limang dahon nito at nilalaga sa dalawang tasa ng tubig, pagkatapos iniinum na parang tsaa.

    More from Smart Parenting

    Kalamansi

    Ang prutas na ito ay mayaman sa Vitamin C na kailangan ng katawan para lumakas ang immune system. May antibacterial properties din ito kaya naman mabisang pamuksa ng virus sa katawan. Pinipiga ang katas nito sa isang tasa ng mainit na tubig at hinahaluan ng isa hanggang dalawang kutsara ng honey at ipinapainom sa may sakit.

    Kamote

    Ang talbos ng kamote ay may mataas na Vitamin B at C na nagpapalakas ng immune system. Dahil hindi pa masyadong recommended ng mga Doctor ang pagpapainom ng gamot sa mga sanggol, basta nasa anim na buwan na ito pataas ang edad, maari na silang uminom ng juice ng talbos ng kamote para mapabilis ang paggaling nila sa sakit na ubo o sipon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gagawa ka ng juice nito, pakuluan lang sa lagpas kalahating baso ng tubig an mga talbos. Kapag lumamig na ito, haluan lang ng katas ng dalawa hanggang tatlong piraso ng kalamansi. Mag-iiba ang kulay ng tubig. Mapapansing mag-iiba ang kulay ng pinagkuluang tubig—mula sa green magiging pink na ito. Maari ring haluan ng asukal o honey ang juice na ito para magkalasa.

    Huwag ipagwalang-bahala ang sipon at ubo. May mga panahong ang akala mo’y karaniwan lamang na sakit ay mas malala na pala. Mas mainam na kumonsulta kaagad sa iyong doktor kung hindi pa rin gumagaling ang sipon at ubo pagkalipas ng ilang araw na pagsubok sa mga nabanggit na halamang gamot.

    More from Smart Parenting

    Para sa Pagtatae

    Ang kadalasang dahilan ng pagtatae ay ang panis na pagkain o maduming tubig. Ang pagtatae ay isang paraan ng katawan para alisin ang mikrobyo na pumasok dito.

    Orange

    Ang balat ng orange ay tradisyonal na gamot na noon para sa iba’t- ibang problema sa digestive system. Karaniwang pinipira piraso ang balat nito bago pinakukuluan sa 2 tasa ng tubig sa loob ng limang minuto. Hinahaluan ng honey para mas madaling inumin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaymito

    Ang halamang gamot na ito ay mabisa ding lunas sa diarrhea. Pinapakuluan ang isang tasa ng tinadtad na dahon ng kaymito sa dalawang baso ng tubig ng limang minuto at iniinom isang beses sa isang araw.

    More from Smart Parenting

    Tanglad

    Maliban sa pampasarap sa lechon, ang halamang ito ay mabisang lunas din sa pagtatae. Mas pinapabilis nito ang pag galing ng taong nakakaranas ng diarrhea. Ang paraan ng pag-gawa ng inuming ito ay una, kumuha ng sampong murang dahon ng tanglad, sunod ay pakuluan sa loob ng sampong minuto ang mga dahon sa dalawang tasa ng tubig. Maaring lagyan ng asukal at luya ang pinagpakuluang tubig, pagkatapos ay inumin.

    Buko

    Kayang pigilan ng paginom ng sabaw ng buko ang labis na pagtatae. Napatunayan na ang pag inom ng sabaw ng buko kada tatlumpung minuto para mapigilan ang paginfect ng mga bacteria na maaring magdulot ng diarrhea.

    Ang mga nabanggit na halamang gamot ay subok at matagal ng ginagamit pang lunas sa pagtatae, ngunit maaari din itong makasama lalo na kapag mali ang paggamit, kaya naman mas mainam pa ring bumisita sa espesyalista lalo na kung ang pagtatae ay inabot na ng mahigit sa isang araw para maiwasan ang mga komplikasyon tulad ng dehydration.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Para sa Arthritis

    Mahirap magkaroon ng ganitong uri ng sakit dahil sa matinding pananakit ng mga kalamnan at kasu-kauan na minsan pa ay may kasamang pamamaga.

    Yerba Buena

    Mabisang pangtanggal ng sakit sa mga kasukasuhan lalo na kung inaatake ng arthritis ang halamang gamot na ito. May malamig itong epekto sa katawan tulad ng mint, Pinakukuluan ang dahon nito at saka itinatapal sa masakit na bahagi ng katawan at ang tubig naman na pinagkuluan ay maari din inumin na parang tsaa.

    Luyang Dilaw

    Ito ay mas kilala bilang turmeric tea. Ang pinagkaiba nito sa pangkaraniwang luya ay madilaw o kahel ang kulay ng laman nito. Nakakatulong para mapawi ang sakit tuwing may rayuma ang pag inom ng turmeric tea. Pinapakuluan lamang ang pinitpit na luyang dilaw sa isang litro ng tubig at saka iniimon dalawang beses kada araw hanggang sa mawala ang sakit dulot ng athritis.

    More from Smart Parenting

    Pandan

    Ang halamang ito ay karaniwang hinahalo sa mga pagkaing niluluto, ngunit maliban dun, ang halamang ito ay may sangkap na nakakatulong sa pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan, kaya naman ginagamit din itong pang haplas sa masasakit na bahagi ng katawa. Ang paraan ng paggawa ng haplas nito ay hiwain ng maliit ang pandan kasama ang ugat nito, at lagyan ng konting langis at isalang sa mahinag apoy, haluin at bayaang lumamig bago ihaplas sa apektadong parte ng katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pag gamit ng mga alternatibong halamang gamot kaakibat ng makabagong medisina ay nakakatulong upang mas maging abot-kamay at abot kaya sa mga mahihirap ang kalusugan. May mga gamot na mabibili sa botika para sa mga nabanggit na sakit na hindi na kailangan pa ng reseta ng isang doktor, ngunit kung nais makaiwas sa mga side-effects ng mga gamot na ito, wala namang masama kung susubukan muna ang mga alternatibong medisina.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles