-
#ShareKoLang Food Budgeting Hacks Para Makatipid Sa Weekly Grocery
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
- PHOTO BY Shutterstock/Linda Bestwick
Isa sa mga paboritong paksa sa Smart Parenting Village Facebook group ang pagtitipid gaya ng food budgeting hacks. Kadalasan kapag may miyembro na humihingi ng budgeting o tipid tips, kaagad namang may susumagot.
Nagbabahagi sila ng mga karanasan at nagpapalitan ng kuro-kuro sa pamimili, pagluluto, at pagi-imbak ng pagkain.
Karaniwang gumagawa ng listahan ng bibilhin bago pumunta sa grocery, supermarket, o wet market. Sa ganitong paraan, maipapasok sa budget ang mga kailangang bilhin. Kaya lang, napapabili pa rin si mommy o si daddy na wala naman sa listahan.
Food hacks para makatipid
Ganito ang problema ni Divine Grace Enriquez-Datoc, miyembro ng Smart Parenting Village, bandang 2019. Umabot sa Php3,000 hanggang Php4,000 kada linggo ang food expenses nilang family of three.
Toddler pa ang kanilang anak, pero ang monthly groceries daw nila ay naglalaro sa Php5,000 hanggang Php10,000. Hindi pa kasama doon ang gatas ni baby at kanilang toiletries.
Sundin ang grocery list
Nagpasya si Divine na maging mas organisado. Inumpisahan niya ito sa isktriktong pagsunod sa kanyang grocery list para maiwasan ang mga bagay tulad ng chips, chocolates, at juices.PHOTO BY courtesy of Divine Grace Enriquez-DatocADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNapagkasunduan naman ni Divine at ng asawa na lingguhan nang mamalengke si daddy ng mga prutas at gulay sa Divisoria. Kung kailangan naman nila ng karne, doon na lang sila sa malapit na palengke.
Gumawa ng weekly meal plan
Naisip ni Divine na solusyon ang paggawa ng weekly meal plan at istriktong sundin ito para maiwasan na masiraan ng pagkain.
Kuwento niya, “Sobra dami namin nasasayang noon na stock and food. Kasi paiba-iba ng isip sa lulutuin. Lagi din sobra-sobra kung magluto kami.
“Ngayon, talaga sakto lang for the three of us ’yung niluluto ko…I made a list on what’s inside the fridge and our meal plan, and I place it on our fridge.”
Paalala ni Mary Grace Garciano Fernandez-Baloloy na bigyan ng specific budget ang bawat ulam na pinaplanong lutuin.
Paliwanag niya, “Para maplano mo ’yung dami ng iluluto. Nagkakaroon lang naman ng tira pag sobra-sobra ang niluluto. Unahin mo munang i-address ’yung maiwasan ang tira.”
Gawin ang bulk cooking
Sang-ayon sa meal plan si Kim Tomacruz Graham dahil nakakatulong daw ito sa pagtitipid. Pero iba naman ang approach niya dito.
Aniya, “I cook one recipe in bigger batches now, so that there are leftovers we can eat the next day. It’s helped ‘optimize’ our grocery list. Now our fridge is mostly empty by the end of the week, which means we use what we buy.”
Sikreto ng isang mom: 5 4 3 2 1
May tiyak ding plano si Hanna Orata Tobias para sa kinokonsumo nilang mag-asawa at kanilang 4-year-old child na pagkain at inuming tubig.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosGumagamit daw siya ng mga numerong 5, 4, 3, 2, at 1. Eto ang binigay niya na halimbawa:
- 5 chops para sa chicken or fish dish kada meal
- 4 chops/piece ng fruits o di kaya gulay per meal, na may halagang Php40 per meal
- 3 cups of rice kada araw. “Kasya na iyan para sa kanilang 2 meals dahil light breakfast lang sila minsan ng tinapay at gatas.”
- 2 liters ng purified o distilled water na ita-times sa tatlo na kasapi ng household
- 1 plate snack, na puwedeng biscuits, bread, cake, o nilagang mais
Bumili lang nang sapat lalo na sa prutas at gulay
Bumibili si Yollie Marie ng fresh produce, tulad ng gulay at prutas, kada dalawa hanggang tatlong araw para siguradong sariwa pa kapag iluluto na. Kadalasan kasi di na napapansin ang mga gulay kapag nasiksik sa refrigerator at nabubulok na lang.
Ang food items na binibili niya weekly o di kaya bi-weekly ay bawang, sibuyas, luya, at iba pang pangsahog at panglasa sa lutuin. Kasama rin sa listahan ang itlog, bigas, condiments, sauces, at juices.
Supermarket trick sa pagbili ng gulay
May “trick” si Yollie sa pagbili ng gulay sa supermarket: “Check the cost per kilo sa label ng mga gulay ’cos you’ll be surprised how much other suppliers charge per kilo.”
Pag dating naman sa karne, o di kaya manok at isda na tanging kinakain ng kanyang pamilya: “I ask tbe kuya to divide the cuts into a certain number of packs na, that way sakto na ’yung amount of serving pagka lulutuin ko na.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMag-recycle ng ulam, mag-repurpose ng rekado
Minsan talaga hindi maiiwasan na may matitirang pagkain. Puwede namang kainin pa ito kinabukasan, kaso puwede ring may miyembro ng pamilya na ayaw nag-uulit ng ulam. Bilang food budgeting hacks, maaaring i-recycle ang ulam at gawing bagong putahe.
Ang suhestiyon ni Jo Lim: “If gulay ang ulam at hindi naubos, gawin veggie pancit the next meal. Any meat na ulam, lugaw na next meal.”
Iba naman ang diskarte ni Cesz Azana, na ang pamilya ay hindi masyadong mahilig sa karne. Gusto lang daw nila ang lasa ng sabaw ng pork o kaya chicken, pero hindi nila masyadong kinakain ang laman mismo. Sabaw at gulay ay sapat na sa kanila.
Isang ingredient, dalawang ulam
Kaya kung magluluto si Cesz ng sinigang na baboy, pakukuluan niya muna ang pork cut na kasim sa tubig, asin, at dahon ng laurel para makagawa ng pork broth. Pagkatapos, tatanggalin niya ang laman mula sa sabaw at itatabi ito.
Sa naiwang sabaw sa kaldero, ilalagay ni Cesz ang mga gulay at iba pang rekado para makagawa ng sinigang. Samantala, ang itinabi niyang laman ay lulutuin naman niyang menudo.
Pareho ang pamamaraan niya kung manok naman ang putahe. Pakukuluan niya muna ang mga piraso ng manok para makagawa ng chicken broth. Tatanggalin niya ang laman mula sa sabaw at itatabi ito.
Itutuloy naman niya ang pagluto sa sabaw at iba pang rekado para sa tinola. Gagawin naman niyang adobo o di kaya fried chicken ang itinabi niyang laman.
Ang sabi nga ni Cesz tungkol sa kanyang food budgeting hacks: “Nasa technique ’yan ng pagluluto. Iibahin mo lang ang sequence, o di ba? Isang [main] ingredient, dalawang menu kaagad.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments