embed embed2
  • DOST: Tinatayang 80% Ng Ibinebentang Honey May Halong Sugar Syrup

    Sinuri ng mga DOST researchers ang mga iba't ibang brands.
    by Jocelyn Valle .
DOST: Tinatayang 80% Ng Ibinebentang Honey May Halong Sugar Syrup
PHOTO BY Pexels
  • Kinikilala ang honey hindi lang sa matamis nitong panlasa ngunit lalo na sa benepisyo nitong hatid sa kalusugan. Kaya ginagamit itong healthier alternative sa asukal o di kaya bilang home remedy sa ubo, sipon, at plema. (Basahin dito.)

    Ang problema, mahirap makasiguro sa kalidad ng nabibiling honey, o yung matamis na likido mula sa nectar na kinokolekta ng honey bees.

    Maraming fake honey sa groceries 

    Pinatunayan na maraming fake honey ng isang pag-aaral na pinondohan ng Department of Science and Technology-Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI).

    Lumabas doon na 80% ng honey products na nabibili sa merkado — groceries, souvenir shops, online sellers — ay hindi nagmula sa purong honey bagkus gawa sa sugar syrup. 

    Ibinahagi ng DOST ang resulta ng pag-aaral nitong December 11, 2020, at ibinalita naman ng media outlets tulad ng GMA-7 News Online

    Sinabi ng ahensiya na ang mga kinatawan ng DOST-PNRI na sina Dr. Angel Bautista VII, Marco R. Lao, at Norman Mendoza ang nagsagawa ng pag-aaral. Katuwang nila si Dr. Cleofas Cervancia, isang retired professor sa University of Los Banos.

    Napag-alaman ng researchers na karamihan sa honey products na ibinebenta ay adulterated, o hindi pure at may taglay na ibang ingredients, partikular ang syrup gawa sa sugar cane at corn. 

    Ayon kay Dr. Bautista, 82%, o 62 sa 76 honey brands na sinuri nila ay mayroong 95% na C4 sugar syrup.

    Dagdag pa niya na 75% ng local honey brands na nabibili sa groceries o souvenir shops, pati na ang 87% ng local honey products na ibinebenta ng online sellers, ay hindi talaga gawa sa honey.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mukhang ang maaasahan lang na hindi adulterated ay 41 imported honey products na mabibili sa local stores. Ang mga ito ay walang ibang halo — pure honey sila.

    Paano nalaman na fake ang honey 

    Gumamit ang researchers ng stable carbon isotope ration analysis upang malaman ang pinagmulan ng sinusuri nilang mga produkto. Kung tunay na honey ang mga ito, dapat magtugma ang kanilang carbon isotopes doon sa plants at bees. Lumitaw na ang carbon isotopes ng adultered honey ay may taglay na sugarcane at corn.

    Ayon pa kay Dr. Bautista, naloloko ang mga tao sa pag-aakalang nakakabili sila ng pure honey pero pure sugar syrup naman pala. Paalala niya na may hatid na harmful health effects ang pure sugar syrup kapag nasobrahan ang consumption.

    Isa pang problema ang pagkakawala ng kita ng “honest beekeepers at honey producers” dahil sa adulteration at fraud mula sa gumagawa at nagbebenta ng fake honey.

    Katunayan, umaabot sa Php200 million kada taon ang nawawalang kita sana ng local honey industry. 

    Sinabi rin ng DOST na nagbigay na ng babala ang Philippine National Standard for Honey, isang sangay ng Bureau of Agriculture and Fisheries Standards, para sa pagbebenta ng honey sa merkado.

    Dapat daw walang kahit anong halong “food additives and other substances” ang honey, at kung mayroon man, kailangan daw ideklara kung ano ang mga ito sa pakete. 

    Sang-ayon si Dr. Bautista sa pagkakaroon ng stricter policies para maprotektahan ang honey industry. Naisinumite na nila ang kanilang pag-aaral sa Department of Agriculture at sa Food and Drug Administration mula nang mai-present nila ito noong December 9 sa Philippine Nuclear Research and Development Conference.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Naniniwala ang eksperto na hindi solusyon ang pagsasa-publiko ng mga pangalan ng mga kompanyang gumagawa at nagbebenta ng adultered honey. Titigil lang daw ang mga iyon pansamantala, pero wala namang makakapigil na gumawa muli ng fake honey. 

    Ito raw ang mas mainam na paraan: “If we incorporate these isotope-based standards into our regulatory system and the Philippine National Standards, then we think it will be a long-lasting solution to this problem.”

    Fake honey vs. real honey 

    Samantala, maging mapanuri na lang muna sa pagbili ng honey. May ilang payo ang nailathala sa 2019 article ng Time magazine. Sabi ng dietician na si Jenny Friedman, mag-research muna. 

    Mayroong lampas 300 na uri ng honey, kabilang dito ang organic, dark, light, raw, at filtered. Depende kung saan galing ang honey at kung anong klaseng bulaklak ang dinapuan ng honey bees. Ang kulay, lasa, at nutrisyon ng honey ay base din sa nectar na nasipsip ng mga bubuyog.

    Ang totoong honey daw ay malapot (thick) at mabagal ang pagtulo (slow moving), ngunit depende pa rin kung raw o kaya unfiltered. Dapat lang hindi ito malabnaw na parang syrup at hindi dumidikit sa kamay, habang mala-bulaklabk ang amoy (floral). 

    Para naman sa mga madalas bumili ng honey, makakatulong daw kung magtanong muna sa nagbebenta, halimbawa online seller. Kapag nakapagbigay sila ng paliwanag sa lugar na pinagmulan ng honey, pati na kung sino at paano ang harvesting, malamang totoong honey ang mabibili. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles