-
Benepisyo Ng Honey Sa Katawan: Hindi Lang Tamis Ang Hatid Nito!
Ang honey ay ang matamis na likido mula sa nectar na kinokolekta ng honey bees.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Hindi lang masarap pakinggan ang salitang honey at matamis sa panlasa pag natikman. Mainam din ito sa kalusugan. Bilang patunay, ilang pag-aaral na ang nagpapatotoo sa mga benepisyo ng honey sa katawan.
Isa sa mga pag-aaral na ito ang “Honey and Health: A Review of Recent Clinical Research,” na nailathala noong 2017 sa National Center for Biotechnology Information website. Sinabi ng researchers na ang medicinal effect ng honey ay maaaring mula sa taglay nitong antibacterial, anti-inflammatory, apoptotic, at antioxidant properties.
Sinaunang panahon pa daw ay ginagamit na ang honey bilang gamot sa samot-saring kondisyon, mula sa simpleng pagkauhaw, pagsinok, pagkapagod, pagkahilo, at pagkasugat hanggang sa mga karamdaman sa mata, lalamunan, at baga, tulad ng asthma at tuberculosis. Makakatulong din daw ang honey sa paggaling sa mga sakit na hepatitis, eczema, ulcers, constipation, hemorrhoids, at worm infestation.
Ayon naman sa ulat ng Time magazine noong 2019, ang honey — o ang matamis na likido mula sa nectar na kinokolekta ng honey bees — ay binubuo ng tubig, fructose at glucose o ang simple sugars na nagiging energy sa katawan ng tao.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod dito, puno din daw ang honey ng vitamins, minerals, electrolytes, enzymes, amino acids, at flavonoids. Iyon ang mga dahilan kung bakit may hatid itong health benefits at hindi lang basta pampatamis, base sa paliwanag ng dietitian na si Jenny Friedman sa artikulo.
Paalala lang ng dietitian na limitahan ang pagkonsumo ng honey sa isang kutsarita, lalo ng mga taong umiiwas sa matatamis. Ang asukal na taglay nito ay katumbas na ng 17 grams at 64 calories, batay sa United States Department of Agriculture (USDA) food consumption database. Kaya mas swak itong pampalasa lamang tulad sa tsaa, yogurt, oatmeal, at salad dressing.
Sa pagbili ng honey, ang payo ni Friedman ay mag-research muna. Mayroon daw lampas 300 na uri ng honey, kabilang dito ang organic, dark, light, raw, at filtered. Depende kasi kung saan galing ang honey at kung anong klaseng bulaklak ang dinapuan ng honey bees. Ang kulay, lasa, at nutrisyon ng honey ay base din sa nectar na nasipsip ng mga bubuyog.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMas mainam daw na suriin muna ang bibilhing honey. Aniya ang totoong honey ay malapot (thick) at mabagal ang pagtulo (slow moving), ngunit depende pa rin daw kung raw o kaya unfiltered. Dapat lang hindi ito malabnaw na parang syrup at hindi dumidikit sa kamay, habang mala-bulaklak ang amoy (floral).
Sa kabilang banda, huwag bibigyan ng honey ang batang wala pang isang taong gulang. Hindi pa kasi handa ang intestines ng mga sanggol sa posibleng hatid nitong bacteria Clostridium botulinum, na sanhi naman ng infant botulism. Dahil dito, maaaring mahirapan dumumi si baby, o kaya mawalan siya ng ganang kumain at kumilos. Ang masama pa, baka magkasakit siya ng dehydration at pneumonia.
Pero sa edad 1 year pataas, ang benepisyo ng honey sa katawan ay ramdam kapag may ubo ang bata. Base sa 2007 study, maaaring mas epektibo ang honey kesa sa cough suppressant na dextromethorphan at wala pa itong hatid na side effects. Sinegundahan ito ng isa pang pag-aaral noong 2012, na nagsabing ang mga batang kumain ng hanggang dalawang kutsarita ng honey bago matulog ay nabawasan ang pag-ubo at nakatulog pa nang mahimbing.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBagamat wala pang paliwanag ang mga doktor kung paano nakakagaling ang honey ng ubo, naniniwala si Dr. Jennifer Shu, isang pediatrician at spokesperson ng American Academy of Pediatrics (AAP), na may kinalaman ang “natural antibacterial and antiviral properties” dito.
Sinabi ni Dr. Shu sa isang panayam na may theory na ang hydrogen peroxide sa honey ang nakakatanggal ng sipon. At dahil naman daw malapot ang honey, nababalutan nito ang lalamunan kaya natatanggal ang pagkatuyo at pangangati na siyang sanhi ng pag-ubo.
Sabi naman ng Children’s Hospital Los Angeles sa United States, nakakatulong ang honey sa pagnipis ng plema sa mga batang may ubo. Kaya lumuluwag ang kanilang pakiramdam at bumubuti ang pananakit sa lalamunan.
Dito sa Pilipinas, karaniwang hinahalo ang honey sa maligamgam na timpla ng kalamansi. Minsan may kasamang luya o bawang upang madaling inumin ito ng batang may ubo at lubusang maramdaman ang benepisyo ng honey sa katawan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAno ang home remedy ninyo sa ubo at sipon? I-share sa comments!
What other parents are reading

- Shares
- Comments