food,easy recipe,Christmas food,Noche Buena recipes,Hazel Cheffy,'Cooking Ina' Hazel Cheffy May Anti-Stress At Iwas-Panis Tips,Hazel Cheffy, Christmas food ideas, Noche Buena food ideas, holiday ulam ideas, cooking ina, cooking, handaan ideas,May tips si Hazel Cheffy, ang top food content creator sa TikTok ng 2022, para hindi maging hulas sa paghahanda sa Pasko at pati na storage ideas.
Natural sa mga mommy ang maging hands-on sa paghahanda ng Noche Buena para sa pagdiriwang ng Pasko at, pagkaraan ng isang linggo, ng Media Noche para naman sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Pero madalas na nagagahol sa oras sa pagluluto, kaya halos mahulas na bago mag-alas dose ng hating-gabi. Magmamadali tuloy na mag-ayos ng sarili para sa Christmas family portrait bago maupo sa hapag-kainan para sa tradisyunal na salo-salo.
Iwas-hulas at stress tuwing handaan
May tips si Hazel Cheffy (real name: Rezie Hazel Añonuevo), na isa sa top food content creator sa social media ngayon, nang makaiwas sa stress tuwing handaan. Nakausap ang kilalang Cooking Ina ng Smart Parenting sa Mega Prime Kitchen Masterclass (Holiday Edition) na ginanap kamakailan sa Quezon City.
1. Pag-isipan nang maaga ang mga putaheng ihahanda at ilista ang mga ito.
2. Mamili rin nang maaga para sa mga kakailanganin sa pagluluto. Iwasan ang last-minute shopping at huwag nang sumabay pa sa crowd.
3. Bukod sa inyong signature dish na hindi nawawala sa bawat handaan ng pamilya, piliin ang mga putahe na "madadali pero masasarap." Kung gustong maghanda ng lechon at iba pang magarbong lutuin, mainam na bumili na lang.
Narito ang halimbawa ng easy recipe ni Hazel Cheffy, na kanyang niluto sa event at sinundan ng mga participant (courtesy of Mega Prime):
Crusted fish fillet with Christmas salsa
PHOTO BY Instagram/hazelcheffy
watch now
Ingredients
1 kg cream dory fillet or 1 piece pampano fish
1 1/2 cups all-purpose flour
2 pcs egg, beaten
2 tbsp paprika powder
1 tbsp garlic powder
1/4 cup sweet chili sauce
1 1/2 cups oil
1 can fruit cocktail (836g), drained
1/2 cup onion, red, chopped
1/3 cup cilantro, chopped
2 pc lime, juiced & zested
1/2 tsp salt
1/4 tsp pepper, black
Cooking instructions
1. Dredge fish in flour, salt, pepper, garlic powder and paprika powder and tap off any excess. Dip in eggs and dredge in breadcrumbs. Pan fry until golden brown and cooked through. Set aside.
2. In a bowl, mix together fruit cocktail, onion, cilantro, lime juice and lime zest. Season with salt & pepper. Serve on top of fish with sweet and chili sauce.
Cooking at food storage tips
Para maiwasan na masiraan ng pagkain tuwing handaan, payo ni Hazel Cheffy na umiwas din sa paggamit ng kamatis sa mga lutuin. Pero kung hindi maiiwasan ang mga tomato-based dishes, tulad ng spaghetti, may tip siya para diyan.
Aniya, "Kailangan ginigisa mo nang mabuti ’yung sibuyas. Kasi nagtutubig ’yan, eh. So kailangan kina-caramelize muna natin. Nape-prevent natin ’yung pagtutubig at hindi s’ya mag-cause ng pagkasira. Importante na ginigisa natin nang mabuti ang sibuyas at karne."
Kuwento pa ni Hazel Cheffy, na graduate ng culinary school at dating sous chef sa isang hotel, "Alam mo ’yung spaghetti ko noong araw na wala pa akong ref, umaabot ’yun ng 2 days, 3 days ng wala akong ref. Oo, before. Walang problema. Ang kailangan lang talaga ang method ng pagluluto. May proseso, hindi s’ya minamadali."
May tips din si Hazel Cheffy para sa mga tirang pagkain: "Para sa akin, ang mga leftover, kailangan sinisinop natin sa pagtabi. Tulad ng naiiwan na lang sa mesa. Di natin napapansin kasi lahat busog na.
"So i-consider nating itabi natin nang maayos. Storage natin ng maayos. Para pag niluto natin ng kinabukasan at least talagang puwede pa natin s’yang mapakinabangan at magawan natin ng another recipe."
Basahin dito para maging bagong putahe ang holiday ulam leftovers.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.