;
embed embed2
  • Mga Hinahanda Na Pagkain Tuwing Pasko At Bagong Taon Batay Sa Pamahiin

    Patingin nga ng pagkain ninyo sa Pasko at Bagong Taon!
    by Jocelyn Valle .
Mga Hinahanda Na Pagkain Tuwing Pasko At Bagong Taon Batay Sa Pamahiin
PHOTO BY Jerome Ascano
  • Karamihan sa atin, may mga pagbabagong mararanasan sa pagdiriwang ng darating na Kapaskuhan sa gitna ng pandemya. Pero hindi nangangahulugan na dapat isang-tabi ang mga nakaugalian na. Unang-una na dito ang paghahanda ng mga pagkain tuwing Pasko at Bagong Taon.

    Hamon, quezo de bola, bibingka, puto bumbong, castanas, at fruitcake ang ilan sa mga pagkain na nagpapa-alala sa atin na Christmas season na nga. Parang hindi kumpleto kapag hindi man lang tayo makatikim, depende na rin kung ano ang nakalakihang kainin ng pamilya.

    Pagkain tuwing Pasko at Bagong Taon

    Kaya naman, madalas isama ang mga pagkain na iyon sa menu kapag Noche Buena at Media Noche. Tampok din siyempre sa hapag-kainan ang mga putahe na kadalasang hinahain kapag may handaan o special occasion.

    Pancit o pasta

    May kinalaman ang paniniwala mula sa mga Chinese na nagsisimbolo ang pahabang pagkain ng mahabang buhay, kaya tradisyon na ang paghahanda ng pancit o pasta, lalo na ang spaghetti, kapag Pasko at madalas sa birthday. 

    Bukod sa popular na spaghetti na may tomato-based red sauce (medyo matamis para sa mga tsikiting) at sahog na ground beef at hotdog, patok ang carbonara na cream-based white sauce naman at may sahog na bacon o sweet ham. Ang iba naman, mas nakakahiligan ang lasagna o di kaya macaroni salad.

    Kanin at kakanin

    Mula din sa paniniwala ng mga Chinese na ang pagkaing malagkit, gaya ng kanilang tikoy, ay simbolo ng pagiging malapit o dikit ng magkakapamilya, kaya kailangan may rice at rice dishes sa handaan.

    Bilang main dish, nariyan ang paella o di kaya arroz valenciana. Kung dessert naman, hindi mawawala ang biko, bibingka, puto bumbong, at iba pang kakanin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Meat dishes

    Kadalasang centerpiece ng dining table ang meat dishes, tulad ng lechon, maging baboy, baka, o manok man ito. Iyong iba naman, ang pangunahing handa ay ang hamon na pinilahan pa nila sa Binondo.

    Puwede ring steak, lengua, kaldereta, hamonado, rellenong manok, at iba pang specialty ni mommy, daddy, at iba pang kasama sa bahay. Minsan may putaheng seafood, isda, at gulay para sa mga umiiwas sa karne. Pero hindi mawawala ang paboritong lumpiang shanghai at fried chicken.  

    Matatamis

    Para kumpleto ang pagkain tuwing Pasko at Bagong Taon, nariyan ang panghimagas o dessert. Kinagigiliwan pa rin ang fruit salad, gamit ang canned fruit cocktail o fresh fruits mismo. Basta creamy at may option na lagyan ng cheese para may konting alat. Bilang alternative sa fruit salad, puwedeng gumawa naman ng buko pandan, ube halaya, halo-halo, at pati na ice cream.

    Bukod diyan, kailangan may cake. Maraming sumubok ng baking habang nakapirmi sa bahay dahil sa pandemya, kaya malamang mas maraming homemade cake ngayong taon. Pero kung gahol na sa oras, maaasahan pa rin naman ang mga cake shop, bakery, at online seller.

    Round fruits

    Tradisyon na ang paghahanda, kahit pang-display lang, ng mga bilugang prutas. Sinusunod ito lalo na kapag bisperas ng Bagong Taon. Kailangan may 12 uri ng prutas sa hapag-kainan para sa Media Noche. Ito raw ang paraan ng pag-attract ng pera at prosperidad sa papasok na taon, ayon sa paniniwala pa rin ng mga Chinese. Magkahugis kasi ang coins at round fruits.

    Mainam bumili ng round fruits na hindi kaagad nabubulok, tulad ng orange at lemon, ilang araw bago ang Media Noche. Inaasahan na kasing tumataas ang presyo ng mga prutas sa mga panahong ito. Hindi lang klaro sa pamahiin kung pasok sa listahan ang fruit cocktail.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Theme handaan

    Para maiba naman at maging mas kaabang-abang ang kainan, may mga pamilya na nag-iisip ng theme para sa mga ihahandang pagkain tuwing Pasko at Bagong Taon.

    Puwedeng Japanese ang tema, para naman maka-order ulit ng sushi bake na nauso sa patapos ng 2020. Maaari ring American (burgers, fries, pero homemade) o di kaya Mexican, Spanish, Italian, at all-Filipino. 

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles