-
Kakain Na Si Baby! Narito Ang Ilan Sa Mga Dapat Mong Tandaan
Hindi mo ba alam kung saan magsisimula?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Siguradong isa sa mga pinaka aabangan mo bilang isang magulang ay ang unang beses na pakakainin mo ang inyong anak. Bukod kasi sa kanilang mga unang hakbang at mga unang salita, nakakatuwang experience din kapag nakakatikim na sila ng iba’t-ibang pagkain. Mula sa maliliit na achievements nila tulad ng pag gapang at pag-upo, mas magiging proud ka pa ngayong handa nang kumain ng solid food ang anak mo.
Kung hindi mo pa alam kung paano at saan magsisimula, maaari mong gawing basehan ang aming baby food guidebook. Kasama dito ang sinabi ng Wolrd Health Organization na recommended age kung kailan mo dapat pakainin ang anak mo. Ayon sa WHO, six months ang ideal na edad bago mo pakainin ng solid food si baby.
PHOTO BY Pennelope BariaKailangan mo ring tignan kung nagpapakita na ng kahandaan ang iyong anak para kumain. Kabilang dito ang kanyang kakayahang itaas ang kanyang ulo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPumpkin PureePHOTO BY Mj Mendoza MislangKung kaya na rin niyang lumunok ng pagkaing io-offer mo sa kanya, maaaring ibig sabihin nito ay handa na siyang kumain. Para makasiguro, mas makabubuting kumonsulta ka sa pedia ng anak mo.
Para naman sa mga pwede at hindi pwedeng ipakain sa iyong baby, sa isang nakaraang article, inirerekomenda ni Rene Rose Rodrigo, isang US-certified holistic nutrition coach, na magsimula ka sa grains. Maaaring brown rice, red rice, quinoa, o di kaya ay oats.
Mashed potato with breastmilkPHOTO BY Jhen Cruzat-FloresCONTINUE READING BELOWRecommended VideosMaganda rin sa katawan ng mga bata ang mga prutas at gulay tulad ng broccoli, mansanas, saging, at avocado.
Mashed avocadoPHOTO BY Koeschnake MacedaPara sa mga nanay na kasali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, kalimitan na nilang hinahanda ang mga prutas at gulay na ito. Madalas pa nga ay hinahaluan pa nila ito ng breastmilk.
Pureed spinach with breastmilkPHOTO BY Jopak Dela Cruz CelarioADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa umpisa, dapat ay smooth o pinong-pino ang puree na gagawin mo para sa iyong anak. Ito'y para mabigyan ng karampatang panahon si baby para mag-adjust.
Steam-roasted bell pepper with olive oil, cumin, and turmericPHOTO BY Khaila Ramos-PunayHabang tumatagal, pwede mo nang lagyan ng maliliit na chunks ang pagkain niya, para masanay rin siya sa texture.
Broccoli, egg, and bananaPHOTO BY Lea TaalADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagandang ideya rin na ipasubok kay baby ang mga malalambot na finger food katulad ng diced pasta at maliliit na piraso ng carrots o peas. Pwede mo ring ipasubok ang maliliit na piraso ng manok o cooked meat. Basta lagi ka lang nakabantay habang kumakain si baby.
Mashed avocado from lola's gardenPHOTO BY Mitch UmaliPwede mo rin silang bigyan ng maliliit at unsweetened round cereals o cereal puffs ang iyong anak.
Ampalaya!PHOTO BY Alelly Cablao-HernaneADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagdating naman sa routine at sa dami ng dapat kainin, ikonsulta muna ito sa pedia ni baby para makasigurado. Bukod pa sa payo ng doktor, ang mismong anak mo na rin ang magbibigay sa iyo ng cues kung gusto pa niyang kumain. Kung ayaw na niya, huwag pilitin, para hindi siya magkaroon ng negatibong eating experience. Kapag kasi maganda ang experience ni baby sa kanyang mga unang pagkain, mas malaki ang chance na hindi siya umayaw sa mga gulay tulad ng ampalaya.
Mashed kalabasa with beastmilkPHOTO BY Angel GarciaImportante rin na mayroon kang mga reliable kitchen helpers o gamit sa pagkain para maging mas madali ang pagpapakain mo kay baby.
Steamed squashPHOTO BY Angge WaganADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung hindi ka pa nakakabili ng iyong baby food processor, mas magandang choice iyong mga klase na may additional features—bukod sa sulit na, mas marami ka pang maihahanda na iba't-ibang klase ng pagkain para kay baby.
Masked okra and bananas with breastmilkPHOTO BY Cristina Tandoy-RantaelMay mga food processors din na maaaring dumoble bilang steamers. Malaking tulong ito sa iyo lalo na kung mag-sa mo lang na inaalagaan si baby.
Kung nahihirapan ka namang pakainin si baby, huwag ka agad sumuko at magpadala sa stress. Importanteng malaman mo ang cues ng iyong anak dahil baka pinapakain mo naman siya kahit hindi siya gutom. Kumonsulta agad sa doktor ni baby kung may napapansin kang kakaiba sa kanyang eating habits o kung talagang hindi mo siya mapakain.
Pagdating naman sa mga bawal ipakain kay baby, tandaan na importanteng huwag munang lagyan ng asin ang pagkain ni baby. Hindi pa kasi lubusang developed ang kidney ng mga bata para i-process ang asin. Huwag mo rin silang bibigyan ng honey, dahil maaari itong magdulot ng infant botulism, constipation, poor appetite, at sa mga malalang kaso, pneumonia at dehydration. Ito'y dahil sa bacteria na Clostridium botulinum na mayroon sa honey.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIwasan mo ring magbigay ng mga pagkaing tulad ng popcorn, buong ubas, at kung ano pa mang jelly snacks, o iyong mga pagkaing madikit. Mas malaki ang chance na mabilaukan ang anak mo sa mga ganitong pagkain.
Tandaan, kung hindi ka sigurado kung pwede ang isang pagkain sa anak mo, mas makakabuti kung magtatanong ka sa medical experts.
Mayroon ka bang mga baby food recipes na gusto mong i-share? Sumali ka lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makapagbahagi ka ng experiences mo tungkol sa baby food.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments