milestones,milestone markers,milestone,baby development,Tagalog,one month old,Smart Parenting Village,baby stage,baby first,Your One-Month-Old's Milestones In Photos,smart parenting, smartparenting, smart parenting village, smartparentingvillage, baby, baby milestone, development, one month old,By now, your little one can already smile, make a fist, and make funny expressions.
ParentingBaby

14 Photos Ng Mga Kaya Nang Gawin Ng Iyong One-Month-Old

Mula pag ngiti hanggang pag angat ng kanilang mga ulo.
PHOTO BYShie RPh

Wala nang mas exciting pa (kahit nakakapagod) sa pagiging magulang. Lalung-lalo na kapag nakikita mo ang development ng iyong anak. 

Sa unang buwan ni baby, bagaman kaunti pa lang ang mga kaya niyang gawin, nakakatuwa pa rin itong makita. Narito ang ilan sa mga developmental milestones na maaari mong abangan.

Madalas na niyang isinasara ang kanyang kamay

O hindi naman kaya ay isinusubo na niya ito. Hindi pa niya masyadong alam kung paano igalaw ang kanyang mga kamay at paa, pero mapapansin mong pinakamadalas niyang gagawin ang ilapit sa mukha niya ang kanyang mga kamay.

article image
PHOTO BY Elli
article image
PHOTO BY Avee Cudia Ramos
article image
PHOTO BY Cla Zabala De Villa
watch now
article image
PHOTO BY Cath San Miguel
article image
PHOTO BY Jubz-Zar
article image
PHOTO BY Sheila Aimee

Nakakangiti na siya

Siguradong wala kang tulog sa unang mga linggo at buwan ni baby, pero sulit naman ito dahil sa unang buwan niya pa lang ay nakakangiti na siya. Kadalasan ay nakikita ito ng mga nanay sa Smart Parenting Village pagkatapos na dumede ni baby.

article image
PHOTO BY Melody Dizon
article image
PHOTO BY Xie Galleta
article image
PHOTO BY Nhelle Liong Mamaril

Susubukan niyang iangat ang ulo niya kapag idinapa mo siya

Hindi pa niya ito magagawa ng matagal pero makikita mong paunti-unti niyang susubukan. 

article image
PHOTO BY Shannalene Napay
article image
PHOTO BY Ellaine Campomayor Gernalin

Ibabaling na niya ang ulo niya papunta sa pinanggagalingan ng mga tunog

Kung may marinig man siyang malakas na tunog, magrereact na siya rito. Titignan ka na rin niya kapag kinausap mo siya. 

article image
PHOTO BY Alaine Leng
article image
PHOTO BY Bije Domingo Lupango
article image
PHOTO BY Rhona DP

Ilan lamang ito sa mga maaari mong asahang magawa na ng iyong anak kapag nag isang buwan na siya. May ibang mga bata pa ngang nagma-make face na at ang ilan ay nagtataas na ng braso. Tandaan na iba-iba ang mga bata—iwasang ikumpara ang iyong anak. Kung nag-aalala ka na nahuhuli ang development ng iyong anak, maaari mong tignan ang listahan na ito.

Marami ka pang maaaring matutunan tungkol sa development milestones ng iyong anak sa aming online communities na Parent Chat at Smart Parenting Village. 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close