-
Walang Maisip Iluto? Kumuha Ng Recipes Sa 3 Influencers Na Mana Sa Magulang Sa Pagluluto
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kapag sinabing recipes at cooking hacks, sinu-sinong mga vloggers ang pinapanood mo? Siguradong nakakuha ka na ng mga sikreto mula kay Judy Ann Santos sa kanyang YouTube channel na Judy Ann's Kitchen. Baka naman natuto ka nang gumawa ng sushi bake mula kay Chef Rosebud Benitez sa pamamagitan ng kanyang channel na ChefMom Rosebud Benitez.
What other parents are reading
Alam mo bang hindi ka lang sa kanila makakakuha ng mga masasarap na recipes? Maging sa mga beauty, fashion, lifestyle at comedy vloggers ay pwede ka ring matutong magluto!
Kung wala ka nang maisip na mga recipes, pwede mong subukan ang gawa ng tatlong vloggers na ito.
Lloyd Cafe Cadena
Labis ngang nalungkot, hindi lang ang buong YouTube community kundi ang buong bansa nang pumutok ang balitang pumanaw na si Lloyd. Hindi inakala ng marami na sa murang edad ay iiwan tayo ng isa sa mga pinakakilalang influencers ng mga kabataan ngayon.
Pero alam mo bang hindi lang good vibes, kwela, at inspirasyon ang makukuha mo sa YouTube channel ni Kween LC? Marami rin siyang mga cooking vlogs! Kung hindi mo pa ito nakita, hanapin mo na ang kanyang #Lutobaninat series!
Mayroon siyang recipe para sa lumpiang shanghai, Mango Grahams, empanada, at iba pa. Syempre, kanino pa ba niya matututunan ang mga recipes na ito kundi sa kanyang butihing mommy na may sarili na ring YouTube channel ngayon—ang Mother Kween Vlogs.
Dito, nagluto sila ng fish fillet, cheese sticks, at marami pang iba.
Talaga namang isa sa mga pinaka-mamimiss ng mga followers ni Lloyd ang recipes nilang mag-ina.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBretman Rock
Kontrobersyal mang ituring ng marami ang mga vlogs at pananaw ni Bretman Rock, marami naman sa kanyang mga followers ang talagang nag-aabang sa mga recipes na iniluluto nilang mag-ina.
Bagaman lumaki sa ibang bansa, hindi limot ng beauty vlogger ang mga pagkaing Pinoy dahil na rin sa dedikasyon ng nanay nila na ipagluto sila ng mga ito.
Isa sa mga recipes na makikita mo sa channel niya ay ang pakbet recipe ng mommy niya.
Nagluto rin silang mag-ina ng adobo habang nagkwekwentuhan tungkol sa buhay nilang mag-anak.
Mimiyuuuh
Bukod sa pinauso niyang It Really Hurts dance cover at sa kanyang signature na kanta sa umpisa ng kanyang mga vlogs, kilala rin ang beauty at fashion vlogger na si Mimiyuuuh sa kanyang mga ukay hauls at celebrity challenges.
Pero alam mo bang laging ibinibida ng vlogger ang kanyang tatay at kung paanong palagi siyang ipinagluluto nito?
Kwento nga niya sa vlog niya noong naghahanap sila ng malilipatang bahay, excited na ang daddy niya na magluto sa isang mas maluwang at bagong-bagong kusina.
Kung naghahanap ka ng Mimiyuuuh version ng sinigang, pwede mong sundan ang recipe na ito ng tatay niya!
Ilan lamang ang mga vloggers na ito sa mga pwede mong sundan at antabayanan, hindi lang para sa good vibes, kundi para na rin sa mga lutong bahay recipes na hindi lang abot-kaya, masarap, at authentic Pinoy pa!
BONUS VLOGGER!
Follow mo na rin ang mommy beauty vlogger na si Anne Clutz! Kung naghahanap ka ng masarap na arroz caldo recipe, pwede mong i-try ang ginawa niya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowNagbe-bake rin silang mag-ina at nagtatanim din siya ng mga gulay na pwedeng iluto—baka makakuha ka pa ng mga plantita tips!
Ikaw? Sinong vloggers ang sinusundan mo para sa mga masasarap na recipes? I-share mo na sa comments section!
What other parents are reading

- Shares
- Comments