;
embed embed2
  • 5 Madalas Na Maling Paggamit Ng Air Fryer: Paano Iwasan Para Hindi Masira Agad Ang Gamit

    Tandaan ang mga ito para hindi masira ang inyong air fryer.
    by Ana Gonzales .
5 Madalas Na Maling Paggamit Ng Air Fryer: Paano Iwasan Para Hindi Masira Agad Ang Gamit
PHOTO BY Shutterstock/Enjoy The Life
  • Isa sa mga usong-usong kitchen appliances ngayon ang air fryer. Bukod kasi sa maraming mga abot-kayang models na available, compact din ito kaya kasya kahit sa maliliit na kusina.

    Maraming pwedeng lutuin at gawin sa air fryer ngunit kailangang alam mo ang tamang paggamit nito.

    Nagbabala rin ang isang consumer group tungkol sa kemikal na acrylamide. Paalala nila, kailangang alam mo ang tamang temperatura na dapat gamitin ayon sa ingredients para masiguro mong ligtas ang kinakain ng inyong pamilya.

    Bukod pa riyan, narito pa ang ilang mga dapat mong tandaan pagdating sa paggamit ng air fryer.

    Common air fryer mistakes and what you can do about them

    Mistake #1: Hindi mo pine-preheat ang iyong air fryer

    Tulad ng kahit anong oven, mahalaga na i-preheat mo ang iyong air fryer para paglagay mo ng pagkaing lulutuin mo ay magsisimula ito agad maluto.

    Sa ganitong paraan, maiiwasan na mahilaw o maging soggy ang pagkaing niluluto mo.

    Mistake #2: Mali ang nabili mong air fryer

    Dapat alam mo kung anong madalas mong lulutuin at kung gaano karami ang lulutuin mo bago ka bumili ng air fryer. Iba-iba kasi ang basket size ng mga air fryers. Kung malaki ang inyong pamilya, dapat malaki rin ang basket size ng air fryer na bibilhin mo.

    Mahalaga ring alam mo kung anong klaseng air fryer ang bibilhin mo. Mayroong dalawa: ang basket-style at ang oven-style. Narito ang pagkakaiba:

    Basket-style air fryers:

    • mas maliit
    • mas mabilis i-preheat

    Oven-style air fryers:

    • mas malaki
    • mas maraming cooking functions tulad ng bake, toast, broil, at rotisserie
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mistake #3: Masyado mong pinupuno ang air fryer basket

    Sundin ang nirekomendang kapasidad ng air fryer basket na binili mo. Kung masyado mo kasi itong pupunuin, hindi magiging pantay ang luto ng pagkain ninyo.

    Mistake #4: Iniiwan mong nakasindi ang air fryer ninyo

    Alam mo bang fire hazard ang isang air fryer na naiwang nakasindi? Ang air fryer ay hindi 'set and forget' na uri ng kitchen appliance. Kung may niluluto ka, mas mainam kung babalik-balikan mo ito para silipin o siguraduhing hindi ito nago-overheat.

    Kung halimbawa'y nagluluto ka ng french fries o iba pang maliliit na pagkain, pwede mo lang alugin ang basket para mahalo mo ang pagkaing niluluto mo.

    Mistake #5: Natatakot kang buksan ang iyong air fryer

    Hindi masamang buksan ang iyong air fryer para silipin ang niluluto mo sa loob. Huwag kang matakot na 'lumabas ang init'. Hindi ito katulad ng oven na mawawala ang init kapag binuksan mo.

    Bukod pa sa mga nabanggit, malaking air fryer mistake din ang hindi maayos na paglilinis ng iyong air fryer.

    Tandaan, mas magiging mahaba ang buhay ng air fryer mo, at ano pa mang appliance na mayroon kayo, kung maayos ang paggamit at paglilinis mo sa mga ito.

    Paano linisin ang air fryer?

    • Hugutin ito sa saksakan
    • Hayaan itong lumamig
    • Alisin ang basket o pan
    • I-hand wash ang mga bahagi na natatanggal gamit ang malambot na sponge
    • Regular na punasan ang loob at labas ng air fryer
    • Linisin ang heating element gamit ang basang tela
    • Tuyuing mabuti ang mga bahagi bago i-assemble ulit
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ilan lamang ang mga ito sa mga dapat mong tandaan para masigurong magagamit mo ng tama at maaalagaan mo ang inyong air fryer.

    ***

    Gaano ka-regular ninyong nagagamit ang air fryer ninyo? Anu-ano ang mga paborito ninyong recipes? I-share sa comments section o sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles